-00-

15 0 0
                                    

I dedicate this story to Ate VentreCanard who is the reason why I pursue my writing. Thank you for being my inspiration.

~SunFlower~

Lagi tayong nagsisimula sa isa. Hindi natin alam na zero ang pinaka una. Wala man itong bilang, pero pag pinagsama ang dalawang sinasabing walang katumbas na halaga... makakabuo ng  isang bilang na walang hanggan.

***

Saan ba ako pupunta? Hindi ko rin alam. Kanina pa ako laglalakad, nanghahanap ng lugar na gusto kong tuluyan.  

Isa... dalawa... patuloy sa pagdaan sa iba't ibang mga lugar. Hindi ko na mabilang kung ilan na nga ba ang aking nakita. Isang daan? O baka higit pa...


Pero sa lahat ng iyon, isa lang talaga... isa lang talaga ang tumatak sa akin ng sobra. Oo, napadako ako sa bukirin ng mga bulaklak. Malawak... puno ng bulaklak na ang kulay ay 'sing tingkad ng kulay ng araw. Kay bango, kay halimuyak... kay ganda ng paligid.


Ito na yata, ito na yata ang aking hinahanap. At sa aking paglalakad, nasilayan ko ang isang babae. Suot ang subrelo na kakulay ng gintong mga dahon sa paligid. Suot and damit na sing linis ng ulap sa langit.


"Ano at napadpad ka rito?"


Hindi ko rin batid. Hindi ko rin alam. Tumingin ako sa kanya dahil wala naman akong masabi. Naliligaw? Hindi... sa lahat ng aking napuntahan ito na yata ang aking tinagalan. Tila...


"Hinahanap ko ang lugar na ito"


"Hmm?"


Nawiwili n'yang tugon.  Hinahanap? Pero hindi ko nga alam kung ano ang tawag sa lugar na ito. Baka isipin nya na masama akong tao... hindi naman nya ako kilala pero napadpad ako sa lugar nya...


Akala ko ay paaalisin nya ako. Pero... mabait sya. At... nakakatuwa kasama. Ang mga kwento na kanyang sinabi sa akin, labis akong napahanga. 


Hindi ko man alam ng labis ang lahat ng sakop nitong bukirin... pero may ngiti ako sa aking mga labi. Nakakatuwa, nakakamangha...


"Parang gusto ko na yata tumira dito..."


Ngumit sya at umiling.


"Bakit? Hindi ba... pwede?"


"Ang mundo na ito... ay mundo na nilikha ko. Ikagagalak ko na magustuhan n'yo and aking mundo... pero..."


Tumingin sya sa himpapawid, hawak ang sumbrelo na muntik nang tangayin ng hangin...


"Iyon ba talaga ang gusto mo? Ang manatili sa mundo na ito? Paano naman ang mundo mo?"


Napayuko ako...


"Mundo ko... lumisan ako dahil... dahil hindi ko doon gusto..."


"Bakit?"


"Dahil wala doon ang mga bagay na... hinahanap ko..."


Napangiti sya at tumingin sa akin.


"Bakit hindi mo gawin? Tulad ng mundo ko, dati, ni isang bulaklak wala kang makikita rito. Pero tignan mo... lumago ito ng ganito. Oo, tinulungan ako ng maraming tao. At nagpapasalamat ako rito..."


Ang mundo ko...


Natigilan ako... tama... bakit hindi ko iyon gawin? Ang mga bagay na aking hinahanap... ang mga bagay na aking gusto...


"..."


Hindi ako makasagot...


"Sigurado ka ba? Na gusto mong manatili sa mundo na ito at iwan ang mundo na para sa iyo? Iyon ba talaga ang iyong gusto?"


Kumuha sya ng isang bulaklak at pinitas ito.


"Tulad ng bulaklak, hindi tayo lalago ng tayo lang. Hindi maiiwasan na kailanganin ang tulong ng mga kaibigan nating araw at ulan. Para tayo lumago... at maging maganda"


Ngumiti siyang muli sa akin. 


"At hindi din matatapos iyon ng doon lang. Dahil ang tunay nitong halaga ay magbigay ng kasiyahan..."


Ang kanyang ngiti habang inaamoy ang bulaklak na kanyang pinitas, ay ngiti na tumatak sa aking isipan.


Gusto ko rin... makagawa ng bagay na maglalabas ng ngiti sa mga labi...


"Hindi ba?"


Inabot nya ito sa akin na s'ya namang aking tinanggap.


Doon ko napagtanto... kung ano nga ba ang dahilan ng aking paglalakbay. Ngayon alam ko na...


"Maaari ba akong bumalik rito?"


"Oo naman, bukas ang mundo na ito para sa inyo"


Yumuko ako at nagpasalamat.


"Saan ka na pupunta ngayon?"


Ako naman ang ngumiti ngayon.


"Sa mundo ko... ang lugar na matatawag ko na... akin..."


Ngumiti s'ya sa akin at kumaway.


"Salamat..."


Aking sambit na sinuklian n'ya ng ngiti. 


Humakbang ako... hindi para maglakbay. Kun'di para umuwi. Umuwi sa lugar kung saan ko sisimulang likhain ang mga bagay na... sa labi ng tao magpapangiti....



***

Your stories are not just stories. It was a new world that makes us forget the problems in reality. But it is not just an escape, it is a guide that helps us to face those problems we have. Thank you... for showing us the way. Thank you, for helping us each day. You may not know how much your stories means for us... but in each of your creation, in each world you create, there are angels that will never get tired of visiting it. 


Thank you... and in whatever world it is... I hope that we meet again. ^-^

Jar of HeartsWhere stories live. Discover now