-04-

2 0 0
                                    

I dedicate this story to Annicia Hernandez. Thank you for everything you have done for me.

...


"Totoo ba pag may birthmark may meaning yun?"

"Share ko lang... ilang beses ako nanaginip dati na nabaril ako sa ulo etc. tas bigla na lang ako nagigising tas kinakabahan na hinihingal tas pawis na pawis HAHAHA"

"Gusto mo ba talaga malaman ains?"

"Hindi ko s'ya kikilalanin pero gago napanaginipan ko kanina hayop ang linaw na"

"Oo kuneho yun tapos kulay pula yung mata."

"Guys alam nyo ba, nanaginip ako kanina na may nayakap sakin patalikod ang angas parang totoo"

May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin alam kung totoo ba. Kung dapat ba nating paniwalaan. Pero... may mga bagay na talagang dapat nalang natin hayaan. Dahil kung iintindihin pa natin, baka ulirat natin tayo'y iwasan.


...


Isa lang itong normal na araw pero tila yata sa lahat ng araw na aking naranasan, may kakaiba sa araw na ito. Nagising ako na lumuluha ang mga mata sa hindi ko naman alam na dahilan.


Ang weird, kasi... para bang nanaginip ako ng nakakalungkot na pangyayari pero pagkagising ko ay hindi ko na ito matandaan.


"Hindi ko rin talaga alam, ang weird"

"Talaga, nagigising na nga lang ako na laging pagod. Akala mo hindi natulog. Hay..."


Tumayo ako ng bigla ay parang may naramdaman akong pumatak na tubig sa aking binti. Tumingala ako at wala namang tubig mula sa itaas, pero nang ibalik ko ang aking tingin sa paligid ko, nagbago ito.


Para bang, napunta ako sa panaginip ko.


Ang lugar na ito, hindi naman sya ganito kaperpekto sa ala ala ko. Hawig pero hindi ganito kadetalyado. Para bang, tunay ang lugar na ito...


Agad akong kinilabutan ng aking maramdaman muli ang patak ng tubig. Ayoko na dito, bakit ganito. Bakit ako biglang napunta dito? Gusto ko na bumalik!


Pero kahit naong pilit ko, nandito parin ako. Narinig ko ang yabag ng mga kalesa na para bang nasa luma akong palabas kung saan hindi pa uso ang mga sasakyan tulad ng kotse.


Tak tak


At sa pagpatak ng tubig mulas sa bubungan ng silong na pinagtataguan ko, pilit kong pinipigilan ang aking sarili na gumawa ng kahit anong ingay. Na tila ba pag ginawa ko ito,  buhay ko ang kapalit.


Nakaalis ang kalesa at nakahinga ako ng maluwag.


Teka, masyadong totoo ang pakiramdam na ito para sa isang panaginip? Bakit at paano ako napunta dito?


At sa aking paglingon, kusang gumalaw ang aking katawan na tila ba ay may nais gawin. Naglakad ako at lumusong sa mababaw na tubig. Hindi batid ang putik na maaaring dumumi sa aking maputing kasuotan.


Doon ko napagtanto ang lugar na aking pupuntahan. Isang  bahay na gawa sa halong bato at kahoy. May fountain sa gilid at may hagdan paakyat sa loob na singtaas ko kung susukatin.


At nang makita ko ang babae na kawangis  ng aking pinsan, agad kong hinila ang kanyang kamay, 


"Narinig ko sila... nais nilang ipapatay si *******"


Hindi ko malaman kung anong pangalan iyon. Hindi ko rin alam bakit ko ito sinasabi sa pinsan ko. Pero nang magtama ang aming mata, namutla s'ya.


"Hindi... hindi maaari...."


At sa aking paghawak sa kanyang kamay, biglang nagbago ang paligid. Tinakpan ko ang aking tenga at pinikit ang aking mata. Alam ko na kung ano man ang aking makita or marinig, hindi ito maganda.


Ayoko!


Ibalik nyo ako!


At biglang tumahimik ang paligid.


"Paano mo malalampasan ang mga ito kung hindi mo alam"


Sambit ng tinig na tila ba ay katunog ng aking boses.


"Kakalimutan mo dahil hindi mo ito gusto? Pero hindi lahat ng gusto mo ay kailangan mo. At hindi lahat ng hindi mo gusto, hindi mo kailangan..."


At may tumapik sa aking balikat. Nakita kong muli ang aking pinsan. Takang taka sa kakaibang aking inasta. Maging ako ay naguguluhan din.


"Ayos ka lang ba?"


Umiling ako.


Ang totoo, hindi ko alam. Ayos lang ba ako? Hindi ko sigurado... ang alam ko lang, ang mundo, ay hindi tulad ng alam natin. At ang sarili natin... tunay nga ba na alam natin ang tunay nitong pagkatao?


"Nakita mo rin ba?"


Nagulat ako sa tinanong nya,


Anong... nais nyang ipahiwatig?


"Nakalipas na iyon, 'wag mo na s'yang intindihin. Iba ang ngayon sa nakaraan. At iba rin ito sa hinaharap..."


Natulala ako sa kaniyang sinabi.


"Pero..."


"Pero ang mahalaga ay wag mong kalimutan ang mga bagay na alam mong importante... Tulad ng karanasan na ayaw mo na ulit maranasan..."


Biglang dumating ang kapatid nya at naiba ang usapan. Pero napapaisip parin ako, alam ba nya?


Hindi ko sigurado... pero tulad nga sabi nya, tama nga, ang nakaraan ay nakaraan... at ang ngayon ay ngayon... hindi ang nakaraan, hindi ang kinabukasan, kundi ang hinaharap...



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Jar of HeartsWhere stories live. Discover now