-02-

2 0 0
                                    

I dedicate this story to Jasmine Cruz Thank you for everything you have done for me.


Ang buhay ay mas gumaganda kapag may bulaklak na kasama. Dahil taglay ng kanilang rikit at ganda, isang mahika na sadyang aakitin ka. Bango na tatatak sa iyong sistema.


...


"Aray!" 


Sambit ko nang bigla nalamang akong matusok ng tinik ng bulaklak na ito. 


"Gusto ko lang naman tignan, ang arte arte naman ng bulaklak na 'to"


Tinignan ko ang daliri ko na natusok ng tinik ng bulaklak. Kasalukuyan akong nasa hardin habang pinagmamasdan ang ganda ng magagandang bulaklak na ito. Oo, kasalanan ko na na natusok ako kasi hindi ako nag-iingat. Oo na ako na itong padalos dalos na kaunting kibot mahuhulog at mafafall agad agad tapos sa huli ako lang rin pala yung aasa at masasaktan- ay, sorry napahugot bigla.


Habang sinisipsip ko ang kainting dugo na lumabas sa makinis kong balat, nagulat ako nung biglang may pusa sa puno na medyo malapit lang sa akin. 


Hala, tatalon ba sya? Teka, ang taas taas non, baka masaktan s'ya!



Tumakbo ako para saluhin yung pusa, at sakto, pagkarating ko sa harap ng puno tumalon s'ya na para bang hinihintay lang akong lumapit. Anak ng pusang gala nga naman! 


"Ah!!'


At napabagsak nalang ako habang kalong ang pusa sa dibdib ko, yakap yakap ko sya. Pero, nung tignan ko yung pusa... naging... libro ito.


"Ahhh??!!"


At saka ko lamang napagtanto na may nadaganan pala ko sa likod ko nung tumumba ako. Hala... kaya pala hindi ganon kasakit yung pagbagsak ko!


"A-ayos ka lang ba?!!"


Syempre nautal utal na nga ako kasi naman sino ba nag may sabi na salihin nya ko nung nawalan ako ng balance? Eh hindi naman ako magaan at siguradong masakit ang madaganan no!


"Ayos lang... ikaw? Ayos ka lang ba Hasmin?"


Napataas nag kilay ko. Anong ibig  nyang sabihin? Kelan pa naging Hasmin ang pagbasa sa name ko? Jasmine, Jas, as in J like a Jug. At teka... paano nya nalaman ang name ko eh hindi ko naman sya kilala?


Teka teka, naguguluhan na ako, bakit nga pala sya nandito eh wala naman sya dito kanina? At asan na yung pusa na sinalo ko bakit... bakit sya naging libro?? 


Halos mabaliw na ako sa kakaisip pero mas nabaliw ako nung makita ko ang suot suot kong damit.


"Ehh?!! Anong-"


Gusto kong mahimatay. Napaka manang naman ng dating neto. Wow ha, anong klaseng suotan ba ito? Maganda sya pero hindi sa panahon na puro tiktok na ang uso! Ano to? Costume?? Teka teka, nahulog lang ako nabago na yung damit ko? Parang may mali...

Jar of HeartsWhere stories live. Discover now