start

4.3K 122 41
                                    

chasing
rainbows
_





            I was tapping my lap uncontrollably at halos di na ako mapakali habang nakaupo sa isang bus stop. It was already 7 in the evening at wala parin ang bus at siya. His class ended 30 minutes ago kaya bakit wala pa siya?

It's odd and unusual lalo pa't friday ngayon.

"Beh ano na nangangatog na ako dito!" Reklamo ulit ng baklang si Connor. 4:30 ang huli naming klase and after we headed to a fastfood chain to take some foods out ay dumiretso agad kami sa bus stop para abangan ang long time crush ko.

Pakiramdam ko talaga daks si Connor. Kain kasi ng kasi pero hindi nataba. Baka napupunta lahat sa—

"Malapit na siya, I swear." I chuckled sabay linga linga ulit para hanapin ang isang pamilyar na muka. Maybe may dinaanan pa siya.

"Uh, 'yan din sinabi mo sa'kin an hour ago? Dadating pa ba yang panget na crush mo? Kanina pa ako kinukulit ng kapatid ko sa text gaga." Umirap nanaman siya at konti nalang masasapak ko na ang baklang to. Isa pa talaga. Kasalanan ko pang hinintay niya ako kahit na pinapauna ko na siya?

"First of all, ikaw yung nagpumilit na samahan ako. Second of all, hindi siya panget. Baka nga kuko ka lang ni Timothee eh duh."

His jaw dropped when I said those words na para bang may ginawa akong karumaldumal na kasalanan. He was about to respond nang impit akong mapatili. Andito na siya!

Tim's face would never fail to amaze me. I swear to god!

An effeminate face made it's way on our direction. May kinakalkal ito sa pink niyang backpack at nakakunot pa ang mata niyang singkit na may eyeliner. His redish lips pouted nang mukang hindi niya yun mahanap.

Pusang gala ang gwapo namang bakla niyan.

"Oy yung bakla-" Marahas kong tinakpan ang matabil na bibig ni Connor dahil muntik nang marinig ni Tim ang sasabihin niya. Napalingon pa nga siya sa amin buti nalang talaga natakpan ko kaagad.

"Shut up, Connor!" I hissed. The gay just rolled his eyes and annoyingly pushed my hands away.

"Shut up, Connor blah blah blah. Andiyan na yung bus, tara na nga." Dali dali niyang hinawakan ang pulso ko at hinatak papasok, I tried freeing myself from his captive but to no avail. Namalayan ko nalang na magkatabi na kaming nakaupo sa bandang dulo. Siya sa may bintana at ako sa gitna samantalang sa other side ay ang bag namin. Pang tatluhan kasi inupuan namin.

Baka maupo si baby Tim eh hihi.

Pero pusang gala. Why did he dragged me inside?! We're not supposed to follow him hanggang makauwi sa bahay nila!

Pero...

Dapat kinakabahan ako dahil first time ko siyang sundan hanggang bahay talaga pero bakit parang excited pa ako?

Pusang gala, andito na 'to.

"Usog!" Asar kong sabi kay Connor, he glared at me bago umusog. Nang matanaw ko ang gwapong si Tim ay pabalibag kong tinapon kay Connor ang bag niya at niyakap naman ang bag ko. Para may maupuan si Timothee.

I just hope na dito siya umupo.

"Excuse me, may nakaupo?" He stopped and asked. I shook my head multiple times with a blank expression para di masyadong halata. "Can I seat?"

Pusang gala syempre!

"Sure." The moment his butt brushed against my arms ay nakuryente agad ako. Bwisit na pwet to! Ang sarap paluin pusang gala.

"Thanks." He gave me a small smile bago nagsuot ng earphones at nag-scroll sa instagram.

The whole ride ay ganoon lang ang sitwasyon, siya todo scroll sa ig o twitter at ako naman pasimpleng silip sa kanya. Si Connor naman ayun baka nakatulog na, bahala siya.

Habang nasa kalagitnaan ng traffic ay rinig ko parin ang mellow music na tumutunog sa bus entitled klwkn. Nakapatay na rin ang ilaw sa bandang likuran at halata mong natutulog na ang iba.  Because of that, an idea popped in my head.

Hehe.

Dahan dahan kong pinikit ang mata ko at sinubukang matulog. Dapat makatulog ako tapos sasandal ako sa balikat. Tama tama. I should do that!

Halos ilang minuto ko ding pinilit na matulog pero wala talaga. Gising na gising ang diwa ko. I even counted sheeps. Mag iisang libo na ako pero wala parin. I was losing hope. It's impossible for me to fall asleep this early.

Imumulat ko na sana ang mga mata ko nang may mabigat na bagay ang pumatong sa balikat ko. My eyes automatically flew open and shockingly glanced at Tim's head na nakasandal sa balikat ko.

Pusang gala!

Ang lakas na ng tibok ng puso ko at di na ako makalma. Dapat ako ang matutulog sa balikat niya eh pero heto, baliktad pa ang nangyari. Jusko kinikilig ako pigilan niyo ako matatapon ko ng wala sa oras si Connor pag nagkataon.

Tim's feminine scent is hypnotizing me. Ramdam na ramdam ko din ang malambot nitong buhok. And hell, I can even see his pointed nose. Pusang gala, aatakihin ako sa puso.

"Connor, psst!" Bulong ko sabay siko kay Connor. My heartbeat still in clamor. "Connor-"

Saktong paglingon ko kay Connor ay natumba ang ulo niya papuntang balikat ko. His head, mere inches away from my lips at amoy na amoy ko ang shampoo niya. My eyes widen in shock as it trailed down to his long lashes na natutulog.

Pusang gala talaga.

There I was, sitting at the middle, my heart shaken and beating with the speed of light.

Not quite sure kung sino talaga ang may gawa.






ーーー♂

side note:

this is not a sequel nor a spin-off but another story.
You can read this alone but it may contain some
spoilers from the previous book hehe. Nevertheless,
please enjoy reading this xoxo

- (🌈#2)

disclaimer:

This book is a work of fiction. Names, characters,
places, and incidents are the product of the author’s
imagination or are used fictitiously. Any resemblance
to actual events, locales, or persons, living or dead, is
coincidental.

The photo used is not mine. Copyright infringement is
not intended. Credits to the real owner.

may include expletives and cussing

Chasing RainbowsWhere stories live. Discover now