5: Ignored, again

1.1K 72 16
                                    

“I think, it should be Esther para cute like me.”

My forehead creased as I heard familiar voices chattering outside. Pagkalabas ko ng cr ay nakita ko ang matingkad na kasuotan ni Esther habang nakaluhod na din sa harap ng mga isda ko. Her outfit is super pink, an alarmingly blinding shade of pink.

“What the hell are you doing with my guppies?” Sinamaan ko silang dalawa ng tingin habang tinatali ang buhok ko into ponytail which is not really advisable for my shoulder length hair.

Sino ba kasing nagsabing haircut ang magandang remedy for heartbreaks? Pusang gala.

“I'm telling Connor na dapat Esther ang pangalan ng gold fish mo para may class and pretty like me.” Tumayo na si Esther at maarteng tinapon ang pink purse niya sa kanyang kama.

“It's a guppy fish.” Buntong hiningang sabi ko. Isang ngiti lang ang sinukli ni Esther saka tinanggal ang pink na beret na paborito niyang gamitin. She's like a living regina george right now na mas maarte pa.

“Whatever, but Connor and Coco are cute names too.” Isang pilyong ngisi ang lumabas sa bibig niya nang maupo sa siya kama niya at tinanggal ang suot niyang spool heels. She's obviously teasing us.

“Wag niyo ngang pakialaman yung mga isda ko.” Lumapit ako sa mesa at naupo sa inupuan ko kanina. “Final na ang pangalan nila. Tim and Coco, yun lang.” I glanced at my guppies then at Connor na ang sama ng tingin sa mga isda ko.

“No, dapat may Connor. Bumili kapa ng isda.” utos nito na para bang nasa kabilang kanto lang ang bilihan. Wow ah demanding. Kailan pa siya nahilig sa isda?

“Sige baks ano gusto mo? Pang sinigang o prito?” Pang-aasar ko pa. Isang nakakamatay na tingin lang ang ginawad nito sa akin. A literal deadly glares that sent shivers down my spine.

“Ewan ko sa'yo! Ka-imbyerna. Una na ako, ciao bitches.” Tumayo na ito at inirapan muna kami bago kumikembot na naglakad palayo. Great. How great.

“You have afternoon classes right?” Nagtataka kong tanong kay Esther na nakahilata na sa kama niya at mukang may balak matulog. The moment I said that, her eyes snapped open.

“What the hell! Akala ko Tuesday ngayon. Omg.” Just like that, she began putting her boots back on panicky. Pati ang nagulo niyang skirt at buhok ay inayos niya pa.

“I'll be back late. May screening for cheerleaders mamayang hapon so yeah.” She checked her self once more bago natatarantang nagtatakbo palabas ng kwarto namin. I stifled a laugh before shifting my position into indian sit.

“Now it's just me and you, Tim.” Nakangisi kong tiningnan ang medyo malaking guppy fish, which is Tim. It's like he understood me dahil lumapit ito sa akin. Napangiti pa ko saglit saka hinawakan ang glass.

“Your owner didn't remember me again.” I let out a sigh. Mukang nasense naman ng isa ko pang isda ang favoritism ko dahil pabiro nitong binangga si Tim at lumapit sa akin. Tumawa ako ng mahina.

“Papansin ka ah, para kang si...” I stopped and stare at the smaller fish. “Cons nalang pangalan mo. Para hindi halata na pinangalan kita kay Connor.” Nakangiti kong sabi.

Tumayo muna ako saglit saka kinuha ang libreng fish food na binigay ni Mr Lee si akin. Marahan ko lang yun binudbod sa taas at hinintay na lumubog para kainin ng dalawang isda ko. Ang cute nila tingnan.

“Kain lang kayo ah? Tama 'yan.” Habang pinapakain sila ay parang shit na tumunog ang tiyan ko. Pusang gala. Pati ako nagugutom na.

“Bibili muna ako ng pagkain, hintayin niyo ako.”

Chasing RainbowsWhere stories live. Discover now