6: Shaken

992 79 13
                                    

“Coco, kain na.”

Sunod sunod  na pagkatok mula sa pinto ko ang gumising sa akin. Kahit na ang lakas na ng sinag ng araw ay hindi parin ako gumalaw. My body felt sore kahit ma wala naman akong sakit. I glanced at the alarm clock on my study table at nakitang tanghali na pala.

“Tulog kapa ba?”

Hindi ako sumagot. I heard my mom sigh saka ako nakarinig ng yapak paalis. Pinakiramdaman ko muna bago ako nag-iba ng posisyon. I am now facing the ceiling. Ang bigat parin ng pakiramdam ko tuwing naaalala ang nangyari kagabi.

Connor rejected me.

Connor, he's not at fault pero bakit parang naiinis ako sa kanya? Sa kanya ba o sa sarili ko? Masyado akong assumera eh.

Nakaramdam ako ng kiliti sa may leeg ko at nang hawakan ko yun ay saka ko lang napansin na tumutulo na pala mga luha ko. Tuloy tuloy na animo'y hindi sila papaawat. Pusang gala bat ngayon pa?

I sniffed saka tumayo at pilit pinipigilan ang pagluha.

Nasa ganoon akong posisyon nang may tumama sa bintana  ko. It's weird since nasa second floor pa ako. Hahayaan ko nalang sana yun ngunit may bumato nanaman dito at sa takot na baka mapagalitan ni mommy ay tumayo nalang ako at hinawi ang kurtina only to see a guy wearing his tuxedo from last night, hair tousled, and tiredness visible from his eyes.

He gave me a sad smile while holding a venti cup of my favorite coffee.

Stupid Connor.

Iminulat ko ang mata ko nang tumunog ang nakakabinging bell. Imbes na kumilos kaagad at mag-unat unat tulad ng ginagawa ko palagi, napatulala lang ako sa kawalan. Nanatili akong nakaunan sa braso kong nasa desk. Nakatuon rin sa kaliwa ang atensyon ko.

The memories from the past is digging a familiar hole in my heart. The hole I've tried to cover. Ayoko na. Bakit naman kailangan bisitahin ako sa panaginip?

Naramdaman kong may pumatak sa braso ko at pagtingin ko, may luha palang umaagos doon. Naguguluhan man ay pinunasan ko nalang 'yon. Baka sabihin pang laway ko yun.

“Gaga, ano na? Galaw galaw na.”

Humarang sa paningin ko ang binti ni Connor. Pag-angat ko ng tingin ay nakitang nakataas na ang kilay nito at nakapamewang. Bumuntong hininga nalang ako saka nagpalit ng pwesto, sa kanan naman ako nakaharap.

“Hala nang-snob. Ayos ka lang gaga?” Humarang ulit siya sa view ko, this time hindi na binti dahil muka na ni Connor ang humarang. Pusang gala, bat ang kulit niya?

“Baks, wala ako sa mood.” Inis kong sabi saka winakli ang muka niya.

“Aray ko naman gaga!” Tumayo siya mula sa pagkaka-squat saka ako sinamaan ng tingin ulit. “Ano bang problema kasi? Bakla ka ng taon.”

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatitig lang sa kawalan.

Totoo, nawala ang mood ko dahil sa ala-alang yun. Siguro nga may mga ganun. We can forget the memories, but there's no assurance that we wont remember them either. Makakalimot, makakaalala.

Ang tanging tanong ay, kung makakalimot o makakaramdam ulit.

“Sabay na tayong umuwi. Cr muna akez.”

Biglang may nilapag si Connor na isang canned coffee sa harap ko. Hindi na ito malamig kaya't mukang kanina pa 'to sa bag niya. It was my favorite french vanilla. Magtha-thank you sana ako kaya lang saka ko lang napansin na iniwan na ako ng bakla at nagtungo na sa banyo.

Chasing RainbowsWhere stories live. Discover now