16: Come inside of my heart

2.1K 111 175
                                    

yo this may involve some topic that are triggering for
some, but that aside, hindi naman siya masyadong dark.
(unedited again)

* * *









“Rejected ka nanaman?”

Weh.

Teka.

Pusang gala.

Nagjojoke lang siya diba? Diba?

“Kala mo 'di ko maaalala? Girl matalas memorya ko, excuse you.” Sabay flip pa nito ng imaginary hair niya. Napakurap lang ako.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako dahil naaalala na niya ako o kung mahihiya dahil naaalala niya ang kagagahan ko nang gabing 'yon. Yung nakakatakot kong muka dahil sa sirang make-up, at maputik na gown.

Pusang gala, naaalala niya ang first encounter namin!

“Sabi na nga ba pamilyar 'yong ilong mo.”

Napatingin ako dito, nagtataka. “I-Ilong ko?”

Ngumuso saglit si Timothee saka tumango tango. “Dream nose ko kasi 'yang ilong mo girl. Nakatitig lang kaya ako sa ilong mo noon habang umiiyak ka, napansin ko din yung nunal sa gilid nito. Pipicturan ko nga sana para sana reference kung sakaling magpa-nose job ako, you know.” At humagikhik pa ito.

Wala sa sarili naman akong napahawak sa ilong ko. Hindi ko nga alam na may nunal pala ako sa ilong. Ngayon ko lang ginusto maging ilong sa tanang buhay ko.

“P-Pero, ano, marami pa naman akong kapreho ng ilong ah?” Nahihiya akong nag-iwas ng tingin at ginalaw galaw ang ilong ko. Narinig ko lang siya na tumawa ulit.

“Duh iskr, I super know right. Kaya nga 'di ako sigurado kung ikaw 'yon nung una kitang makita. Nakumpirma ko lang ngayon dahil pareho kayo kung umiyak. Ang talino ko talaga my gosh, hashtag beauty with brains.”

Bahagya akong natawa nang pabebe nitong hinawi ang imaginary buhok niya at kunwari inilagay sa likod ng tenga niya kahit bumalik din naman sa may noo nito dahil hindi naman gaano mahaba.

Napatingin din siya sa akin at ngumiti, ang cute ng ngiti niya. Sasabog na puso ko.

“Ayern, oh. Ngumingiti na siya ulit, bongga.”

Napaiwas ako ng tingin. “Hindi naman kasi ako umiiyak.”

“Ay oh, dedeny pa ang gaga. Girl don't me, sawa na ako sa mga indenial. Mga kaibigan ko puro ganyern.” Anito ulit kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti. “So, bakit ka nga umiiyak?”

Napakagat labi ko.

Hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kanya. Hindi rin ako komportableng nagkukwento tungkol dito pero siguro... makakatulong 'to para gumaan ngayon ang dibdib ko. Parang 'di ko pa masikmura eh.

“Uhm, how should I start...” My fingers started fidgeting. Sinusubukan ko ding kalmahin ang puso at paghinga ko.

“Ayos ka lang?” Naramdaman kong umusog si Timothee sa akin, naramdaman ko din ang braso nitong biglang umakbay sa akin habang hinihimas ang balikat ko.

Parang gusto kong umiyak dahil sa comfort at tumalon dahil sa kilig.

“Noong grade 8 kasi...” Sumulyap ako kay Timothee at nakitang masinsin itong nakatingin sa akin. “I was almost groomed by a college guy.”

I almost choked habang sinasabi 'yon not in a gross way but because there's some lump blocking it, natigilan siya samantalang pinipigilan ko naman ang sarili kong umiyak. Pinapaulit ulit ko sa sarili ko na ayos lang 'yon, na tapos na 'yon, pero hindi ko mapigilang medyo mapaluha at manginig ang kamay.

Chasing RainbowsWhere stories live. Discover now