CHAPTER 12

6.7K 124 13
                                    

“ANO’NG ginagawa mo rito?” takang si Airabelle kung bakit nandoon si Linkurt sa labas ng coffee shop na iyon. Mukhang kanina pa nito inaabangan ang paglabas nila ni Arthur.
“Hindi ba dapat ako ang magtanong sa 'yo n’yan? Ano’ng ginagawa mo rito? Ah, kaya siguro ayaw mong magpahatid kasi magkikita kayo ng lalaking 'yan.” Tinuro pa nito si Arthur. “Ano, tama ba ako?”
“Ako ang unang nagtanong sa 'yo kaya ikaw ang dapat na unang sumagot.”
“Jeaniebelle called me. Tinanong niya ako kung magkasama tayo. Tinawagan ka raw niya para itanong kung bakit hindi ka pumasok sa trabaho, hindi mo raw sinasagot ang tawag niya. Ring lang daw nang ring ang cell phone mo.”
“Naka-silent mode ang cell phone ko.”
“Wala akong pakialam! Nag-alala ako kaya hinanap kita. At nakita kita rito kasama ang lalaking 'yan.”
“Tapos ka na? Kaya hindi ako nagpahatid dahil alam kong pagod na pagod ka na sa trabaho. Naawa ako sa 'yo.”
“Bakit, nagreklamo ba ako? Alam mo bang natakot ako dahil baka kung ano na ang ginawa sa 'yo ng lalaking 'yan?”
“Bakit? Nag-usap lang naman kami, ah.”
“Nag-usap? Ano naman ang pinag-usapan n’yo?”
Sumabad si Arthur. “Pare—”
“Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na pare!” sigaw ni Linkurt. Galit na nilapitan nito si Arthur at biglang sinuntok sa pisngi.
Hindi gumanti si Arthur pero nang suntukin uli ito ni Linkurt ay gumanti na ito. Nagsuntukan ang dalawa. Inawat niya ang mga ito pero ayaw tumigil ng mga ito. Natatarantang tinawag niya ang guard sa coffee shop na mabilis namang tumakbo at inawat ang dalawa. May mga tao na ring lumapit mula sa coffee shop. Parang nanonood lang ng shooting ng pelikula ang mga ito.
“Tumigil na kayo! Kung hindi, tatawag ako ng pulis,” banta ng guard. Nahalata niyang panakot lang nito iyon para tumigil ang dalawa. Mukha namang mabait ito.
Nang tumigil ang dalawa ay si Arthur ang nilapitan niya. Ang guard naman ang pumipigil kay Linkurt.
“Hindi mo maaagaw sa 'kin si Airabelle, Arthur!” galit na sigaw ni Linkurt.
“Hindi ko siya aagawin sa 'yo, Linkurt. Nabigla lang ako sa sinabi ko sa 'yong aagawin ko siya sa 'yo. Tinawagan ko kanina si Airabelle para mag-usap kami. I told her my feelings for her.” Bigla itong huminahon. “But you’re the one she loves. At tanggap ko na 'yon.”
Hindi nakapagsalita si Linkurt.
“Wala ako sa sarili ko no’n nang huling nag-usap tayo. Patawarin mo na ako, best friend,” ani Arthur.
Tila nag-isip pa si Linkurt. “Patawarin mo rin ako, pare,” mahinahon nang sabi nito. Binitawan na ito ng guwardiya.
Mabuti na lang at kaagad ding nagkapatawaran ang dalawa. Kung hindi pa ay baka lumala pa ang away ng mga ito.
“I’m sorry, too, Airabelle, sa mga sinabi ko kanina.”
Napangiti siya. “Naiintindihan kita.”
Lumapit si Linkurt sa kanya at niyakap siya.
“Babalik na ako sa Taiwan next week,” ani Arthur. “Ingatan mo na lang si Airabelle,” bilin nito kay Linkurt. “At mahalin mo siya palagi.”
“Ingatan mo rin ang sarili mo,” ani Linkurt dito.
“Mami-miss ka namin, Arthur,” aniya.
“Me, too. Sige, I have to go. Sorry uli kung nakagulo ako sa inyo.”
“No, hindi ka nakagulo sa amin. Kaibigan ka namin,” sabi niya.
“Thank you.” At nagpaalam na si Arthur sa kanila.
Sila naman ay umuwing may ngiti sa mga labi.

UMUWI si Airabelle sa probinsiya nila upang dumalaw sa puntod ng mga magulang niya. Sumama sa kanya si Linkurt.
“'Ma, 'Pa, kasama ko po si Linkurt,” masayang sabi niya.
“Magandang araw po sa inyo,” nakangiting bati nito.
“Boyfriend ko na po siya.”
“At ang lalaking pakakasalan niya,” dugtong nito sabay akbay sa kanya.
“Hindi pa po sure 'yon,” biro niya.
Bigla itong sumeryoso. Kumunot ang noo nito. “Anong hindi?”
Tumawa siya. “Joke lang. Ang cute-cute mo kasing tingnan kapag nakakunot ang noo mo. Na-miss ko lang bigla ang seryoso mong mukha, guwapong lalaki.”
“Ah, gano’n?” Napatili siya nang bigla siyang kiniliti nito sa tagiliran. Tumatawang tumakbo ito palayo sa kanya.
Hinabol niya ito. Sinadya naman nitong magpahuli upang buhatin siya. Parang hindi na sila makakatigil sa katatawa.

A year later...

“AND suddenly our destiny has started to unfold... When you’re next to me, I can see the greatest story love has ever told...”
Patuloy sa pagkanta ang wedding singer habang naglalakad si Airabelle sa aisle suot ang napakagandang wedding gown. Sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay niya—ang kasal nila ng lalaking mahal niya.
Hindi mapantayan ang ngiti ni Tito Lauro na napapagitnaan ni Yaya Lolita at ng kapatid nitong si Tita Lucille na katabi naman ang asawa.
Umuwi si Arthur mula sa Taiwan. Best man kasi ito. Kasama nito ang girlfriend nito. Isang Pilipina ang babae at nurse ito sa Taiwan.
Nandoon din si Valerie na apat na buwang buntis. Kasama nito ang asawa nito.
At siyempre, hindi nawala si Jeaniebelle na siyang bridesmaid niya. Sa susunod pa raw na taon ang kasal nito at ng boyfriend nito. Sayang nga raw, dapat sabay na lang sila. Wala nga roon ang boyfriend nito dahil next year pa uli ang bakasyon ng lalaki.
Nakangiting nakatingin siya kay Linkurt. Ganoon din ito sa kanya habang hinihintay siya nitong makalapit dito. Napakaguwapo nito sa suot na modern barong. Bagong ahit din ito kaya napakalinis nitong tingnan. He was the most handsome groom she saw in her entire life. And she was glad that he was her groom.
“Now my life is blessed with the love of an angel... How can it be true?... Somebody to keep the dream alive... The dream I found in you... I always thought that love would be the strangest thing to me... But when we touched, I realize... that I found my place in heaven by your side...”
Nang maghawak-kamay sila at sabay na naglakad patungo sa altar ay tila bumilis ang mga pangyayari. Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na hinahalikan nito habang naririnig niya ang palakpakan ng mga tao.
Nang maghiwalay ang mga labi nila ay idinikit nito ang noo nito sa noo niya. “I love you, Airabelle,” masuyong sabi nito. Tama lang ang lakas niyon para marinig nilang dalawa. “I love you, I love you, I love you...” Paulit-ulit na sinabi nito iyon na parang ayaw nang tumigil.
Ngumiti siya at sinabayan ito. “I love you, I love you, I love you...”
Sabay rin silang tumigil at nagkatawanan.
“You are my happiness. Twenty four hours a day, seven days a week,” sabi niya.
“And twelve months or three hundred sixty-five days a year,” dugtong nito.
Sabay uli silang natawa. He brushed his nose on hers. Then, he gently kissed her lips once again. Wala siyang nagawa kundi ang tumugon nang buong-puso.


•••WAKAS•••

My 24/7 Piece of Heaven [PUBLISHED under PHR]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt