8

701 40 2
                                    

Pagkatapos ng ilang araw nakalabas na rin si Gio. Jusko salamat naman umayos na siya.

Pauwi na kami ngayong dalawa. Bumalik pa kami sa reaort para kunin yung sasakyan niya. Sasakay na sana ako ng akin ng bigla siyang magsalita

"Wait!"

"Ha?"

Pumunta siya sa pwesto ko at siya nagbukas ng pintuan para makasakay ako

"Ano yan? Haha"

"Pinagbubuksan kita ng pinto"

"Kita ko pero baket? Hahaha"

"Gusto ko lang. Saka di ba sabi ko naman sayo babawi ako? Eto na simula nun Denise"

"Eh? Haha"

"Sumakay ka naaaa."

"Oo na oo na hahahaha"

Buong byahe namin pauwi nakatingin lang ako sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwalang mahal niya ako. Akala ko kasi talaga ako na lang yung mapapagod ehh

"Para na kong yelo dito Denise..."

"Ha?"

"Matutunaw ako sa titig mo, wag mo ko pakatitigan" sabi niya ng di lumilingon dahil na rin nagddrive siya

"Kapal mo oy!!" Tapos sa labas na ko tumingin. Narinig ko naman na natawa siya sa ginawa ko.

"Denise?"

"Oh?" Sa labas pa rin ako nakatingin

"I love you..."

😳😣🙈

Nambibigla naman tong isang to eeehhh!!! Ambilis tuloy ng tibok ng puso ko!! 😣

Nang makarating kami sa bahay di pa rin ako makatingin sa kanya 😣

"Hey?"

"Ha?"

"Ok ka lang? Pulang pula ka, may lagnat ka ba??"

Tapos hinawakan niya mukha ko, chinecheck kung mainit ba ako o ano. Mas lalagnatin yata ako sa ginagawa niya ngayon ehh 😣

"W-wala akong lagnat! Sige na umuwi ka na" sabi ko sabay kalas ng kamay niya saken

"Sigurado ka?"

"Oo okay na ko! Uwi na shoo!"

"Sige. Sunduin kita bukas?"

"Wag na!"

"Susunduin ka ba ni Rex?"

"Ha? Ano? Hindi!"

"Ehh bakit ayaw mo sunduin kita?"

"Ayoko lang"

"Hindi ka naman susunduin ni Rex bukas so susunduin na kita. See you tomorrow. I love you" sabi niya tapos humalik siya sa noo ko

Hindi ko namalayan nakaalis na pala si Gio

"Nak? Tulala ka dyan oy? Kanina ka pa?" Mama

"A-ahh opo ma!"

"Para kang nakakita ng multo ah?"

"Hindi ma. Ano sige p-pasok na ko" sabi ko tapos dali dali na kong pumunta sa kwarto ko. Bushaaaak 😣

Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto napahawak ako sa puso ko

"Totoo bang nangyayare to??"

Tell me how does someone know when love is real?
Can you tell me, how it feels?
I get butterflies whenever you are near
And whenever you're around, you just turn my whole world upside down
I hear from everyone, telling me you're not the one
From different worlds, you and me, so close, yet so far apart
But my heart won't let you go, you're the only thing I know
I've never felt like this before

I love you...

I love you...

I love you...

"Aaahhhh!!!" Nagtatalon ako dito sa kwarto ko. Ang saya saya ko shet waaaahhh

I love you
I think I finally fallen in love with you
When you're not around, I still think about you
Boy the way you make me feel
Oh this is real, could you be the one made for me?
Going crazy for you baby, hope you know
Love, I never ever want to let you go, oh no
Even when the tears fall, I'm giving this my all, my love

*knock knock!!

"Hoy bata ka! Sinasaniban ka ba?!"

"Hindi po ma!!"

"Bat ka nagsisisigaw bata ka ha?! Buksan mo nga tong pinto!"

Binuksan ko naman

"Ohh kanina tulala ka ngayon naman kulang na lang mapunit labi mo. Jusko ano nangyayare sayo?!"

"Mahal niya ko maaaa!!! Mahal niya koooo!!" Sabi ko sabay yugyog sa nanay ko

"Ha?! Wag mo ko yugyugin bata ka nahihilo ako!"

"Sorry ma. Haha. Maaaa shet totoo ba to?! Mahal niya ko maaaa" sabi ko ng di na hinahawakan ang nanay ko

"Sino yung bespren mo?"

"Yes ma!!! Aaahhh"

"Jusko kang bata ka akala ko kung ano na nangyare sayo 😑"

"Maaaa totoo naman yun di ba?? Di ba??"

"Aba malay ko saken ba nagconfess?!"

"Totoo yun ehh!!"

"Ayy ewan ko sayo dyan ka na nga!! Magbihis ka na!"

"Yes ma!"

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon