12

530 38 3
                                    

Giovanni's PoV

Ibibigay ko pa lang sana yung niluto kong lunch for Denise kaso nahigit na siya ni Tricia. Mukhang ako na lang kakain nito...

Hindi talaga ako marunong magluto pero nagpatulong ako kay mama. Kaya lang pag ata talaga di para sa kusina hindi talaga para sa kusina haha. Nagkanda hiwa hiwa yung kamay ko natalsikan pa ko ng mantika, but it's for her so I didn't mind. Kaya lang ako din pala kakain hahaha. Yeah. Rex 1 Gio 0 pa rin

Umupo na ko sa table ko. Hindi na ko sumunod sa canteen. Hindi din naman ako pagbibigyan ni Tricia makatabi si Denise ehh.

Binuksan ko yung lunch boxes. Oo dalwa. Hehe. Akala ko kasi makakain kaming dalwa na kami lang. Makakapag-usap ganun. Kaso hindi haha ubusin ko na lang to.

"Oy!!! Ang ganda!! Mukhang masarap din!!"

"D-Denise"

"Bakit dalwa? Gutom na gutom ka ba? O para saken yung isa?"

"Para sayo sana"

"Ehh bat mo kakainin?! Kung di pa ko bumalik di ko makikita napakadaya neto!"

"Di ba kakain na kayo ni Tricia?"

"Obviously di ako sumama duh"

"Baket?"

"Gusto kita kasama ehh 😊"

"Talaga?"

"Opo ser. Akin na pagkain ko oy gutom na ko!!" Tapos umupo siya sa tabi ko inabot ko naman sa kanya yung lunch box niya

"Teka... bakit puro sugat kamay mo?!"

"Ahh ehh wala. Nahiwa lang"

"Baket?"

"Ano kase"

"Ikaw nagluto nito???"

"Oo"

"Talaga? Wooooow. Ano kayang lasa haha. Sana masarap hahaha"

"W-wag na lang. Baka sumakit pa tyan mo ehh"

Kukunin ko na sana kaso hinampas niya kamay ko

"Aray!"

"Pagkain ko to bat mo kukunin?! 😑"

"Ehh baka madisappoint ka lang sa lasa"

"Choice ko kumain saka kilala mo ko pag ayoko pagkain ayoko"

😣

Denise's PoV

Kinikilig ako dun sa fact na pinagluto niya ko hihi. Never mo mapapagluto tong isang to sa sobrang tamad niya. Kaya the fact na nagluto siya for me shet mah heart 😍

Nilayasan ko si Tricia kanina. Bahala siya, siya kumain ng binili ni Rex. Wala nang respeto ehh 🙄

Titikman ko na sana yung pagkaing gawa ni Gio kaso hinawakan niya yung braso ko bigla

"Teka lang!"

"Gio ayun na ohh malapit na sa bunganga ko yung pagkain oh 🙄 baket baaaa?!"

"Sure ka na bang kakainin mo yan???"

"Oo nga!! Isa pang pigil mo saken hahampasin na kita 😑"

I don't know what to expect sa pagkain pero nung natikman ko na masarap siya!!

"Hoy masarap!!"

"Sinasabi mo lang yan ehh"

"Siraulo. Kainin mo kaya ginawa mo. Masarap nga!!"

"T-talaga??"

"Oo nga! Oh nganga!" Tapos isinubo ko sa kanya yung pagkain niya

"Di ba?! Masarap naman eh!!"

Hindi na siya nakapagsalita pagkatapos. Nagkamot ng lang ng ulo haha, nahihiya. Pagkatapos namin kumain hinila ko siya papunta sa clinic

"San tayo pupunta??"

"Clinic"

"Baket?"

"Pagamot naten yang mga sugat mo"

"Wag na nalagyan ko na naman ng gamot kanina ehh"

"Talaga ba? Kaya ba ganyan itsura??"

"Wag na Denise..."

"Ayokong may sugat ang chef ko no kaya lika naaaa"

Simula Pa Nung UnaOnde histórias criam vida. Descubra agora