III: Trojan

48 3 0
                                    

III: Trojan

 

“Ang tagumpay ko ay tagumpay nating lahat. Salamat sa inyo sa hindi niyo pag-iwan sa akin. Salamat sa mananatili sa aking tabi hanggang dito sa pagpunta sa Latium. Mabuhay tayong mga Trojan. Hindi man tayo makakabalik sa ating pinagmulan, nakakasiguro naman tayo sa ating kaligtasan at pamumuhay ng may kapayaan.” Malakas ang tinig ni Aeneas na rinig na rinig sa kabuluan ng bulwagan ng palasyo. Hindi lamang silang mga Trojan ang naroron kundi ang mga Latiumas din sa pamumuno ni haring Latinus. Nakangiti ito habang nakatitig kay Aeneas na kasalukuyang nasa entablado.

“Ang Latium ang bago nating tirahan kundi hindi ibig sabihin niyon ay kakalimutan na natin ang Troy. Sa Troy tayo nagmula. Huwag natin iyon kalimutan. Mananatili iyon sa ating puso. Kung sino man ay may nais na bumalik doon balang araw ay pahihintulutan ko.” Dagdag niya pang wika. Inikot niya ang paningin sa bulwagan. Kinakikitaan ng kasiyahan ang mukha ng kanyang lupon.

“Mabuhay ang Troy!” wika niya at itinaas ang kanyang hawak na kopita.

“Mabuhay ang bagong pinuno ng Troy,” narinig niyang sabi ng isa sa mga naroroong Trojan. Lahat sila ay nagtaas na rin ng kanilang mga hawak na kopita.

Ngumiti muli si Aeneas at bumaba na sa entablado. Hindi siya dumiretso sa kanyang upuan kundi lumabas siya sa bulwagan. Iniwan niya ang kanyang mga kasamahan na nagsasaya sa pagdiriwang ng pagwawakas ng kanilang mahabang paglalakbay.

           “Aeneas,” boses iyon ni Aphrodite. “Nagagalak ako sa iyong tagumpay. Hindi mo ako binigo.”

            Napangiti si Aeneas sa tinuran ng kanyang ina. Sa nakalipas ng dekada ay naging kaagapay niya ang kanyang inang diyosa sa kanyang pamumuno sa mga Trojan. Kung hindi dahil kay Aphrodite ay wala sila ngayon sa bansa ng Latium at namumuhay ng masagana. At sa susunod na kabilugan ng buwan ay ikakasal siyang muli sa prinsesa na bansa – si Lavinia.

            Isang dekada na ang nakakaraan nang sinunod niya ang kasunduan nina Hera at Aphrodite na magpakasal kay Dido, ang reyna ng Kartage. Dahil doon ay napanatili ang kaligtasan  nilang mga Trojan na naglalakbay.

            Hindi naging madali para sa kanya na kalimutan si Briseis lalo na’t magkasama sila sa paglalayag. Sa kabila ng pagkakaroon ng asawa ay hindi maitatanging mahal niya pa rin si Briseis kaysa sa kanyang asawa.

            Nang magsilang ng sanggol si Briseis sa gitna ng kanilang paglalayag sa golpo ng Saros ay tila siyang isang ama na lubos ang katuwaan. Hindi kasi sila mabiyayaan ng sanggol ng kanyang asawa.

            Inilagaan niya ang sanggol na parang isang tunay na anak na lubos naman na pinagselosan ng kanyang asawa. Hindi nagtanggal ay nalaman ng reyna ang inililihim ng pag-ibig ng asawa kay Briseis kaya naman nagpakamatay ito. Kahit paano ay dinamdam iyon ni Aeneas.

            Umabot ng dalawang taon bago nila narating ang Buthrotum. Doon ay nakilala ni Andromache ang prinsipe ng Epirus na si Helenus. Nagka-ibigan ang dalawa at makalipas lamang ang ilang buwan ay nagpakasal na.

Panibagong Yugto (FanFiction)Where stories live. Discover now