Epilogo

40 3 0
                                    

IV: Epilogo

 

“Your destiny requires
That you become a hero---
I cannot love a hero." 

She knew the core
Of my being 
Beyond myself
Beyond adventures
And heroic acts...

She was my muse,
My secret source
Empowering me to be myself.
Now her love,
Her vision
Redeems the promise
Of returning...

 

End.

            Isang malapad na ngiti ang namutawi sa iyong labi habang tinitipa mo sa keyboard ng iyong laptop ang salitang ‘End’. Sa wakas ay natapos mo na ang iyong literature project. Ilang segundo mo pa muling tinitigan ang monitor ng iyong laptop hanggang sa mapagdesisyonan mong i-email na ito sa iyong guro sa literature. Binuksan mo ang iyong email sa yahoo at pinindot doon ang ‘compose mail’. Akma mo nang ita-type ang email address ng iyong guro nang biglang bumukas ang pintuan ng iyong kwarto. Awtomatiko kang napalingon doon at nakita mong pumasok ang iyong nakakabatang kapatid na si Anne.

            “Kuya Aedan, bumaba ka na raw,” wika niya habang ang paningin niya ay natuon sa iyong ginagawa. “Mamaya mo na raw itutuloy ‘yang ginagawa mo,” dagdag pa nito.

            Bahagya kang napakunot-noo, “Bakit?” tanong mo sa kanya.

            Nakita mo siyang nagkibit ng balikan, “Ewan. May bisita yata kasi naghanda sila ng lunch. Pinagbihis rin nila ako. Kaya magbihis ka na rin. Huwag ‘yung ganyang nakaboxer ka lang. Nakakahiya.” Napangisi ka na lamang sa tinuran niya at pinanood habang nagmartsa siya palabas ng iyong kwarto.

            Nang mawala na s’ya sa iyong paningin ay tumayo ka mula sa kinauupuan mo, isinarado ang pintuan at nagbihis na ng isang plain white T-shirt at board short. Pagkatapos niyon ay bumaba ka na.

            Nadatnan mong nakaupo na sa may hapag-kainan ang iyong magulang at ang iyong kapatid na babae. Napansin mo rin ang mga bisitang sinasabi sa’yo kanina ni Anne – isa mag-asawa  at isang dalagang sa tingin mo ay anak nila.        

            Nginitian mo ang mag-asawa at binati nang nakarating ka na roon. Umupo ka sa bakanteng upuang katapat ang babaeng nakayuko ng ulo.

            “Pare, mare,” narinig mong wika ng iyong ama, “Ito pala si Aedan ang panganay kong anak, kataon lang ng inyong unica hija,” pagpapakilala sa iyo ng iyong ama. “Iho, ito ang tito Daniel at tita Brenda mo.”

            Muli kang ngumiti sa mag-asawa, “Ikinagagalak ko po kayong makilala.”

            “At ito naman ang kanilang anak, si Bliss.”

            Inilipat mo ang iyong tingin sa dalagang nasa harap mo. Nakita mong nagtaas siya ng ulo at nagtama ang inyong paningin. Sa isang iglap tila tumigil ang orasan at ang iyong paligid. Those curly hairs, those round eyes, and those smiles reminded you of someone. Kilala mo na siya pero ito pa lamang ang una niyong pagkikita. Bigla, hindi mo maintindihan ang iyong nararamdaman lalo na’t bumilis ang ritmo ng iyong puso.

            Ang mga matang iyon…

            “Hello Aedan,” bumalik ka sa kasalukuyan nang marinig mo ang mala-angel niyang tinig.

            “Hello Bliss,” tipid mong sagot.

            Simula nang kumain kayo hanggang sa matapos ay hindi ka na mapakali. Tahimik ka lamang habang kumakain at tila nakikinig sa kwentuhan ng iyong magulang ngunit ang totoo’y pasulyap-sulyap ka kay Bliss na tahimik lang din sa iyong harap. Inaalala mo ang ilang pangyayari - ang isang batang babae na nakangiting sumasayaw sa maalikabok na daan, ang isang tagpo sa isang talampas, sa ilalim ng mabituing kalangitan., ang…

            “Aedan? Are you okay?” naputol ang iyong iniisip nang magsalita ang iyong ama.

            “Yes dad. Sorry po, may iniisip lang po ako,” hinging paumanhin mo. Naisip mo, anong mayro’n si Bliss at ilang beses ka nang nawawala sa iyong sarili ngayong araw na ‘to.

            Lumipas pa ang ilang sandali at nagkayayaan ang inyong mga magulang na magpunta na sa may veranda.  Nauna na ang mga ito roon at kayo na lamang tatlong teenager ang naiwan.

            Sumunod na rin doon si Anne kaya naisipan mo na ring tumayo.

            “Aedan?” napatigil ka ng tawagin ni Bliss ang iyong pangalan. Napatingin ka sa kanya ngunit hindi ka umimik. Ngumiti siya at uli, iba ang epekto no’n sa’yo.

            “Have we met?” narinig mong tanong niya. Iyon rin ang kanina mo pang nais sabihin.

Nagkibit-balikat ka lamang, “I guess not.” Pero parang nakita na rin kita, ani mo sa iyong sarili.

            “You look familiar kasi. A, maybe napaginipan na kita kaya pamilyar ka.”

            “You dreamt about me?” naisambulat mo.

            “May mga instances kasi na may napapaginipan ako. Bagay, places and people. Then nakikita ko na lamang din ang mga iyon in reality,” napahinto siya saglit at muling nguniti sa’yo. “Forget about that. Nice meeting you anyway,” aniya at umalis na siya sa iyong harapan.

            Sa iyong pag-iisa ay muli mong naisip ang sinabi niyang panaginip niya. Bigla rin sumagi sa iyong balintataw ang ilang mga paulit-ulit mong napapaginipan…

            “Mahal kita Briseis. Babalikan kita kahit anong mangyari..”

 

Napasinghap ka sa iyong naalala. Doon  mo napagtantong siya rin-si Bliss, ang babae na palaging nasa panaginip mo. Nakita mo na siya ngayon.

Isang malapad na ngiti ang namutawi sa iyong labi, “I’m glad we’ve met Bliss. Ito na ang simula ng ating panibagong yugto.”

Remember, Aeneas...
Time is a canvas...
Ancient and modern worlds coexist...


Panibagong Yugto (FanFiction)Where stories live. Discover now