5 - EMOTIONS

13.3K 351 6
                                    

5 – Emotions

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

5 – Emotions

AYAW pansinin ni Jada ang mga titig ng kanyang mga kaibigan slash kapitbahay. Alam niya ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon. Ang problema lang ay ang awkward ng feeling, ayaw niyang sitahin ang mga ito dahil baka isipin nila na affected siya at may tinatago nga siya.

"Jada." Hindi nakatiis si Pamela at humarap sa kanya. Nagulat ang naglilinis ng kuko nito sa biglaang pagkibo ng kaibigan. Nasa loob sila ng salon dahil girls' date nila ng araw na iyon. Nandoon din si Dorothy na abala sa paglalaro ng paborito nitong mobile legend habang nagpapa-pedicure. "Kayo na ba ni Hanz?"

"No." maiksing sagot niya.

"You don't have to hide it from us friend. You can trust us." Ani ni Yumi.

"Wala akong itatago dahil wala naman talaga. Kapitbahay lang natin si Hanz, wala ng ibang meaning pa doon."

"Bakit kasama mo siya sa bahay mo the other day." Sa kasamaang palad akala niya ay nakalusot na silang dalawa ni Hanz ng araw na mapadpad at ma-stranded ito sa kanyang bahay. Pero nagkakamali siya dahil may nakakita pala dito na lumabas sa kanyang tahanan.

"Isinauli niya si Leo and it was raining, wala akong payong at nakakahiyang ipagtabuyan siya palabas." Paliwanag niya. She really hates it when she's explaining her side of the story. "Walang namagitan at namamagitan sa amin ni Hanz." Dugtong pa niya.

"Bagay naman kayo, bakit hindi nalang maging kayo?" tukso ni Vanessa.

"Dahil tao kaming dalawa at hindi bagay." ayaw niyang sakyan ang pagbibiro ng mga kaibigan. Ang pinaka-worst sa lahat ay ang ma-fall ka sa isang tao dahil lang sa tukso ng mga taong nakapalibot sa iyo. Ayaw niya ng ganoon.

"Seryoso kami Jada, medyo playboy si Hanz but he's a good man. Malay natin sa iyo lang pala siya magbabago." Sang-ayon ni Yumi sa unang panunukso ni Vanessa.

"I hate complications."

"Part na ng buhay ng tao ang komplikasyon at saka kapag gusto mo ang isang tao dapat ay i-fight mo hanggang sa huli." Sinamaan niya ng tingin si Pamela. Mukhang based from her own experience ang lumalabas sa bibig nito.

"Tingnan mo kami ni Pamela, isiniksik namin ang sarili namin sa mga fiancé namin ngayon kaya nakuha namin sila." Bumungisngis pa siya Yumi. Saksi din siya kung paano ito nagpakabaliw dahil kay Howard. Biglang tumunog ang wind chimes ng salon at sabay na pumasok si Xylee at Bless.

"Mukhang seryoso ang meeting ninyo pwedeng maki-join?" ani ni Xylee.

"Ginigisa lang namin si Jada, mukhang may namumuong pagtitinginan sa pagitan nila ni Hanz-."

"Vanessa! Huwag mo ngang ipagkalat ang fake news." Putol niya dito. "Huwag kayong maniwala diyan, walang namamagitan sa amin ni Hanz."

Pero parang hindi yata naintindihan ng bagong dating ang kanyang sinabi dahil mabilis na nakahanap ng mauupuan ang dalawa at lumapit sa kanila. Ang lugar na iyon ang paboritong tambayan ng mga kapitbahay niyang tsismosa.

Black Magic: Write (COMPLETED)Where stories live. Discover now