9 - CRAZY

13.1K 408 9
                                    

          SINADYA niyang lumayo sa grupo ni Hanz at kahit hindi niya gaanong ka-close ang mga ka-subdivision na pinili niyang makagrupo ay siniksik niya ang sarili niya sa mga ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

          SINADYA niyang lumayo sa grupo ni Hanz at kahit hindi niya gaanong ka-close ang mga ka-subdivision na pinili niyang makagrupo ay siniksik niya ang sarili niya sa mga ito. Hindi naman masasamang tao ang mga kasama niya, naninibago lang siguro siya dahil siya ang hindi sanay na makihalubilo sa mga bagong tao. Iyon ang pagkakamali niya bilang isang manunulat, wala siyang gaanong experience sa pakikipagkapwa tao.

"Miss Jada, okay lang naman magpahinga." Pansin sa kanya ni Rowena. Mas bata ito sa kanya. "You're my favourite author kaya ayokong mapagod ka." Napangiti nalang siya sa sinabi ng kapitbahay.

"Okay lang Rowena, mukhang nagagamit ko na rin ang mga unknown energy na meron ako sa katawan." Ayaw niyang umupo at magpahinga dahil pwede siyang malapitan ng mga kaibigan na kagrupo ni Hanz. Kanina pa siya sinisipat ng mga ito na lumapit pero ayaw niya, ayaw niyang maka-grupo ang lalaki. "Kung pagod ka na pwede ka munang magpahinga, kanina ka pa dito." Mas nauna ito keysa sa kanya.

"Dito nalang ako Miss, mas gusto kong may ginagawa." Kahit papaano ay alam niyang may kasama siya. Sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niyang napapatingin sa kanyang gawi ang mga kasama ni Hanz. Mukhang may diskusyon ang mga ito at si Hanz yata ang dahilan kung bakit naiinis ang mga kasama nito. She can't blame them, nakakainis naman talaga ang lalaki.

Bigla siyang nataranta nang mapansin na naglalakad si Hanz sa kanilang gawi, alam niyang hindi siya ang pupuntahan nito pero mas mabilis na gumalaw ang katawan niya at agad na nahila si Rowena sa kabilang direksyon. Alam niyang nagtataka ito pero sumunod lang sa kanya.

"May problema ba Miss Jada?"

"Huh? Nauuhaw ako, samahan mo akong kumuha ng drinks para sa mga ka-grupo natin alam kong nauuhaw na rin sila." Dahilan niya.

"Ah, akala ko ay kung ano na." binitiwan niya ang braso ng kasama at naging normal na ang kanilang mga lakad.

"Sorry, medyo weird lang talaga ako minsan." Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"Don't worry Miss, mas weird ang ate ko. Nasa Japan siya kasi doon siya nagtuturo, sanay na nga yata ako sa mga weird."

Mabuti nalang at cooperative ang napili niyang maging buddy-buddy kahit papaano ay napanatag ang kanyang loob.

"Miss Jada pwedeng magtanong."

"Sure."

"Boyfriend mo ba si Sir Hanz?" muntik nang mabali ang leeg niya nang lingunin niya ang kasama.

Black Magic: Write (COMPLETED)Where stories live. Discover now