8 - SURRENDER

13.5K 374 7
                                    

HINDI alam ni Jada kung anong gagawin niyang approach para makausap si Hanz

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HINDI alam ni Jada kung anong gagawin niyang approach para makausap si Hanz. Nahihiya siyang basta nalang itong lapitan lalo na ngayon na mas lumilinaw ang tunay na nararamdaman niya para sa binata. Wala siyang feelings kay Hanz – dati! Pero habang tumatagal ang interaction nila ay napagtanto niyang babae rin pala siya, at tulad ng ibang babae na nahuhumaling kay Hanz ay may ganoon rin siyang tendencies.

"Jada Kyrene, leash yourself girl. Know your place, hindi ka dapat nagpapadala sa nararamdaman mo dahil tulad ng ibang babae hindi ikaw ang tipo ni Hanz para seryosohin." Ouch! Ang tanga lang talaga niya, sinasaktan niya ang kanyang sarili.

"Meow." Napatitig siya sa kagigising na si Leo at napangisi ng malaki. Kinuha niya ang pusa mula sa higaan nito at hinimas ang balahibo nito.

"Leo, kailangan ko ng tulong mo." Tinitigan lang siya ng pusa na para bang naghihintay na utusan niya. Mukhang bibigay na rin ang utak niya dahil pati inosenteng pusa ay idadamay niya sa kanyang kalokohan. "Hindi kalokohan ang humingi ng tawad." Depensa niya sa kanyang sarili. Bumaling uli siya sa pusa. "Leo, pwede ka bang mag-akyat bahay sa bahay ni Hanz? Tapos hahanapin kita kunwari doon, please." See, she's really a genius. Dapat ay bigyan siya ng Nobel Prize. "Kailangan ko lang mag-sorry sa lalaking iyon." kinarga niya si Leo dahil kahit ayaw nito ay pipilitin niya itong mag-akyat bahay. Kahit na siya ang magpapasok sa alaga sa bahay ng lalaki.

"Meow." Pilit na umaalis sa kanyang pagkakayapos ang alaga, mukhang ayaw nitong makipagcooperate sa kanya.

"Please, Leo. Sa dami ng kasalanan mo sa akin at least ito man lang ang maitulong mo. This is for my peace of mind." Pakiusap niya dito.

Lumabas siya kahit na kinakagat na siya ni Leo sa braso niya ay wala siyang pakialam. Naglalakad na siya papunta sa bahay ni Hanz ng makasalubong niya si Heart ang barangay chairman sa kabilang barangay pero ka-subdivision niya.

"Lacey!" masayang bati nito sa kanya. Nasanay na rin siyang tinatawag siya ni Heart ng Lacey kaya hindi na niya ito sinasaway. "Mabuti at nandito ka, hindi ba ikaw ang secretary ng homevillage association?" tumaas ang isang kilay niya.

"Ako ba?" takang tanong din niya.

"Yes, you are. Papunta na rin ako sa bahay mo dahil may pakiusap ako sa iyo." Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig dito. Minsan ay natatakot siya kay Heart dahil palagi itong nakangiti kahit na galit na galit. She actually reminds her of a character from the movie Emoji. May inilabas itong isang nakatuping papel at ibiniga sa kanya.

"Ano iyan?" takang tanong niya.

"Solicitation letter." Ibinigay nito ang sulat sa kanya na agad niyang kinuha. Dahil sa kanyang ginawa ay nagawang makatakas ni Leo mula sa kanyang pagkakayapos. Hinayaan na rin niya ang kanyang pobreng pusa baka malamog na ito ng tuluyan sa kanya. "Sabi nila friend mo si Hanz, medyo badmood kasi si Hanz nitong mga nakaraang araw kaya walang gustong lumapit sa kanya. Pwede mo bang ibigay iyan sa kapitbahay natin?"

Black Magic: Write (COMPLETED)Where stories live. Discover now