6 - UNKNOWN FEELINGS

13.3K 383 5
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Habang naghihintay sa mga costumers sa bakeshop ay hindi nagsayang ng oras si Jada, bitbit pa rin niya ang kanyang laptop at tinatapos ang nobelang kanyang sinusulat. Nagsimula siyang maging ganito kahapon, kapag nakatanga kasi siya ay bumabalik sa kanyang ala-ala ang naramdaman niya kay Hanz nang makita niya itong may kasama. Kung paano biglang tumaas ang kanyang emosyon at bumulusok paibaba kaya para hindi niya iyon maalala ay nagsusulat siya. May dalawang books din siyang kailangang i-revise ngunit sa halip na gawin iyon ay nagsimula siya from scratch. Ginamit lang niya ang pangalan ng hero at heroine niya at ang kanilang background tapos ay iniba na niya ang setting at ang kwento.

"Ate Jada, may nagpapabigay po sa iyo." Untag sa kanya ni Makisig. Gumagalaw pa rin sa ibabaw ng kanyang keyboards ang mga daliri pero nakatuon na sa bunsong kapatid ni Mayumi ang kanyang pansin. May hawak itong maliit na papel.

"Ano iyan?"

"Number po yata." Nagdugtong ang kanyang kilay. "Nagustuhan ka po yata ng kalalabas na customer, tinawag niya ako sa labas para itanong kung may asawa ka na ate o boyfriend. Noong sinabi kong wala ay ibinigay niya sa akin ang kanyang number."

"Itapon mo." Utos niya dito. It wasn't the first time na lumapit sa kanya si Makisig para magbigay ng number ng kung sinong pontio pilato.

"Sayang naman ang mga numbers ate, i-tatago ko nalang in case magbabago ang isip mo." Iningusan niya ang binatang kapatid ni Yumi. Kanina pa ito walang tigil sa pang-aasar sa kanya dahil sa dami ng mga numbers na kinokolekta nito sa kanya. Sinundan niya ng tingin ang binatilyo, may kinuha itong maliit na garapon at inilagay sa loob ang mga papel na may lamang numero.

Tumunog ang windchime ng entrance ng shop. "Good morning, welcome to—Jasper!" bulalas niya nang makilala ang pumasok sa bakeshop. "Ano ang ginagawa mo dito?" tumayo siya upang salubungin ang bagong dating.

"Nalaman ko na nandito ka kaya dito na ako pumunta." Yumakap sa kanya ang lalaki. "Wow, you look very beautiful. I'm glad to see you with this look." Hinampas niya sa braso ang brother-in-law.

"Mas maganda pa rin si ate 'no." ngumisi ito sa kanyang sinabi.

"You are beautiful, of course Ms. Universe si Janine sa puso ko. Lalo na ang magiging little princess namin."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Little Princess? Paano kung lalaki?"

"Well, a little prince." Natawa siya sa sinabi nito. Napatitig siya sa lalaki. Ka-org niya si Jasper dati sa university at siya ang dahilan kung bakit nagkakilala ito at ang kanyang ate. Siya rin ang nanligaw sa kapatid niya para dito dahil masyado itong torpe. Malaki ang utang na loob nito sa kanya. Kahit sa organization nila ay parang kuya na rin niya ito, kapag nasa mood siyang makipag-amok ay kakausapin siya nito nang matiwasay hanggang sa kumalma siya. Jasper is a good guy, hindi siya mahihiyang irekomenda ito sa kanyang kapatid.

Black Magic: Write (COMPLETED)Where stories live. Discover now