Chapter 9

30.3K 999 754
                                    

WARNING: GRAPHIC CONTENT
Mariana Montereal's POV

"I am really impressed" tuya  ni Mr. Reyes, ang CEO ng isang banking company. Kasalukuyang nagaganap ang thanksgiving party ng kumpanya nito na naisipan nilang gawin sa hotel namin dito sa Cebu.

"We are glad that you loved it" nakangiti kong wika rito at uminom ng wine.

"How are your parents?" tanong nito.

"They are doing great and they are quite busy as of the moment so they asked me to handle the opening of this branch" paliwanag ko rito.

"Naku. Bagay kayo ng anak ko. Responsable at business minded" wika nito na dahilan upang masamid ako ng kaunti.

"Hey hey are you okay?" nagaalala nitong tanong.

"Yes" I cleared my throat.

"Anyway, I would like you to meet him.." wika nito at hindi pa man ako nakasagot ay umalis na ito at nagtungo sa kabilang banda ng hall.

Maya-maya din ay lumapit ito kasama ang isang matangkad, kayumanggi at matipunong lalaki.

"Mari, this is my son, Hendrick Reyes"

"Hi" nakangiting alok ni Hendrick sa kaniyang kamay.

Tinanggap ko naman ito at nginitian siya. "Hello. Nice to meet you"

"Maiwan ko muna kayo" pagpapaalam ni Mr. Reyes at ngingiti-ngiting umalis.

"Pagpasensyahan mona si Dad" nahihiyang sabi nito. "Inip na inip na siya at gusto na niya akong mag-asawa"

"That's okay" nakangiti kong sabi rito. "Atat na din ang parents ko na mag-asawa ako" natawa kong kwento rito.

"So.. you don't have a boyfriend?" curious na tanong nito.

Umiling lang ako bilang sagot at uminom ng wine.

"Sa ganda mong 'yan?"

"Kaya siguro wala kang makitang partner mo. Mambobola ka e"

Napakamot naman ito sa kaniyang batok. Hala, shy type pala 'to e.

"Maybe it's because I haven't found the one. You know, ayoko naman pumasok sa isang relasyon na alam ko namang hindi magtatagal just so I can say na I am not single" dagdag ko.

"Well, it's true.." sagot nito habang nakatingin sa mga tao na kasalukuyang nagkakasiyahan. "Do you want to go somewhere else?"

"Hala, kakakilala mo lang saakin inaaya mo na ako agad?" gulat kong tanong rito.

"Yes, I want to know you more.. if that's okay with you"

"Know me more? By touching me???"

"Ha??" Confused na tanong nito at biglang namula. "Oh dear. No no no it's not like that" napakamot naman ito sa kaniyang batok. "I'm asking you out for some coffee"

"Ohh.." para namang ako yung nahiya this time. "Sure" pagpayag ko naman.

Alam kong natatawa ito at pinipigilan lang niya. "Don't worry, it's not like that" paga-assure nito sakin dahil sininangutan ko ito noong naglalakad na kami palabas ng Hotel.

Pinasakay niya ako sa magara niyang sasakyan at talagang pinagbuksan pa ako ng pinto. Hm, gentleman. Napagpasyahan namin na pumunta sa isang 24/7 coffee shop around the city.

Pagkarating namin doon ay tinanong niya ako kung ano ang gusto ko atsaka niya ako pinaupo sa table sa tabi ng floor to ceiling glass. Cozy yung ambiance at walang masyadong tao dahil nadin dis-oras na ng gabi.

Fire & Silk (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon