Chapter 16

24.5K 889 217
                                    

Levie Rome's POV

"I did not know??"

"How come you don't know??" Iritable kong tanong dito. Pigil na pigil akong basagin yung panga niya.

Matagal na akong naiinis sa ungas na 'to e.

"She never told me" confused padin na wika nito.

Nandito kami sa labas ng ER ng hospital kung saan namin isinugod si Mari. Noong pababa kami ng hotel at isasakay na sa ambulansya si Mari ay sumunod si Henri. Hindi ko naman siya pinigilan dahil may karapatan siya dito.

"She's fucking pregnant, Henri" gigil kong sabi dito. "Your girlfriend is fucking pregnant with your child"

"Ano bang pinagsasasabi mo?" nagtatakang tanong nito. "Mari is not my girlfriend"

Ako naman ang nagtaka this time. "Anong hindi mo girlfriend? You proposed to her last week"

Lalo namang nagkita ang dalawang kilay nito. "I proposed to Mari? No! I proposed to Olivia Song!"

I just stared at him. Hindi ko siya maintindihan.

And then he suddenly chuckled, "I know what you saw. You saw me rehearsing on how to propose. In your brother's restaurant, right?"

"So she's not your girlfriend?"

"Hell, no. She and I are good friends" wika nito at nilagay ang kamay sa bulsa ng tuxedo.

"Then who's the father of her child?" hindi ko mapigilang itanong.

"Ma'am, Sir, nasaan po si Ate Mari?" humahangos na tanong ni Isay, ang assistant nito.

"She's inside" sagot ko.

Hindi naman ito allowed sa loob kaya dito lang kami sa labas at naghihintay ng resulta.

Maya-maya din ay may lumabas na doctor. "Who's with the patient? Kayo po diba?" tanong nito saamin at kami naman ay um-oo.

"The patient is stable. She just experienced over fatigue lalo na at buntis ito" wika ng doctor saaming tatlo. "Are you the father of the baby?" tanong nito kay Henri.

"Hindi po, doc. Siya po" wika ni Isay at itinuro ako.

"Ha?" "What??" sabay-sabay naming tanong ni Henri kasama nadin ang doktora.

"Sinabihan kana ni Ate Mari diba?" kalmadong wika ni Isay.

"Told me what?"

Nanlaki ang mga mata nito at namutla.

"Excuse me.." magalang na wika ng doctor at iniwan kami sa usapin namin.

"What???" pangungulit ko dito. "Told me what??"

"Hala. Hindi pa niya sinabi? Sabi niya po saakin kanina sasabihin na niya e" frustrated na sagot nito. "Hala pasensya na po, Ma'am. Ito kasing bibig na ito" wika nito at parang kukurutin pa ang sariling labi.

Hindi ako makapaniwala sa nalaman.

"Sigurado kaba? Ako? Ako?" pangungulit kopa dito.

"Ma'am huhuhu" parang maiiyak na sabi nito. "Hindi ko po dapat sinabi. Patay ako nito kay Ate Mari"

"Answer me first. Ako nga?" seryosong tanong ko dito.

"Opo" dahan-dahamg pagtango nito habang nakatingin sa sahig.

"Paanong ikaw??" singit naman ni Henri na puno ng pagtataka.

I just glared at him. Hindi padin ako maka-get over sa katotohanang nag-sayang ako ng oras sa pagka-inis at hindi pag-pansin kay Mari dahil sa paga-akalang boyfriend niya si Henri.

Fire & Silk (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon