Chapter 25

21.8K 653 101
                                    

Mari's POV


"I will see you later, okay" wika ko at sunod ko siyang hinalikan sa labi.

Sumakay na kami sa kaniya-kaniya naming kotse. "Bye!" Kaway ko kay Lilith na naka-upo sa car seat.

Si Levie kasi ang magha-hatid sakaniya sa school habang ako naman ay pupunta sa kabilang city para sa isang bagong branch ng hotel doon. Ako nalang sana ang magda-drive kaso nag-insist si Levie na magpa-drive daw ako sa driver namin. Mahigit 2 oras din kasi ang layo.

Mayroon akong mag-hapon na meeting ngayong araw para sa gaganapin na car show roon. Ito kasi yung branch na may sobrang laking indoor hall kaya dito nila napiling gawin yung event. Ang feature ata ng event ay mga exotic cars na halos ang nagmamay-ari ay ang mga may bigatin na pangalan sa bansa.

Kasama ko sa sasakyan yung assistant ko pati nadin ang company secretary para sabay-sabay kaming makarating doon. Bilang CEO & President ng kumpanya, at ang event ay hindi lang maliit, palagi kong sinisigurado na ako mismo ang dadalo sa mga meetings. Ngayong araw din kasi ang pirmahan ng kontrata at ilang araw nalang ay gaganapin na.

Sinabihan ko nadin si Levie tungkol dito at tinanong kung okay lang ba sakanya na siya ang date ko sa gabing 'yon. Sabi naman niya na sige daw, she will make time for me. Naks

Ilang buwan na ang nakaraan simula noong birthday ni Lilith at noong nalaman namin na may sakit si Nathalie. 2 weeks ago, sinundo siya ng parents niya at inuwi sa Amerika kasama si Xen. Matagal narin pala nilang alam ang sakit ni Nath at ang katotohanan tungkol sa anak nila ni Levie. Naging okay ang pagtatagpo at nagka-patawaran. Alam din pala nila ang balak ni Nath na pag-punta rito at ang pagpapakilala sa bata.

Napag-desisyunan ni Nath na iwan muna si Lilith kay Levie habang nagpapa-gamot siya sa Amerika. At bilang ngayon lang nagka-layo ang mag-ina, nahirapan mag-adjust si Lilith sa sitwasyon. Pero buti nalang at may pasok na siya sa eskwelahan at kahit papaano naman ay nalilibang siya.

Tungkol naman sa apelyido ng bata, napalitan na ito at naayos bago pa umalis si Nathalie. She is now Lilith Adrianne Forbes Rome.

"Good morning, Ma'am" bati saakin ng mga tao sa lobby ng hotel. Binati ko rin sila pabalik at nginitian.

Dumiretso kami sa conference room at sabay-sabay nag-tayuan ang mga tao roon ng pumasok ako sa silid. Binati ko naman ang mga ito, "Good morning. You can take your seats"

Nag-simula ang meeting at nagpakilala ang head ng isang Car Enthusiast Association na host ng naturang event. Pinag-usapan ang lahat ng gagawin, lahat ng ipapasok na sasakyan, mga ka-kailanganin nilang services at pati nadin list ng mga bisita na sobrang dami pala. Sakto naman at bago palang itong branch namin na ito at ang target talaga ay para sa mga malakihang event at maramihang guests.

Natapos ang unang part ng meeting by lunch. Napag-desisyunan ng lahat na kumain muna at bumalik nalang after an hour. Marami din kasing kailangan pag-usapan lalo na't tatlong araw ang event na ito. Sa huling gabi, doon ilalabas ang mga pinakamamahaling sasakyan na pinaka highlight ng event.

"Long time no see. Anong balita?" tanong saakin ni Henri. Nandito din siya dahil serbisyo ng kumpanya nila ang palagi naming pinagkakatiwalaan pagdating sa seguridad ng lahat.

Nagka-kwentuhan kami kung anong nangyari simula noong huli naming pagkikita nung event pa ni Levie. Nai-kwento ko din sakanya na engaged ako kay Levie, nalaglag ang bata, ang rebelasyon sa anak ni Levie, pati nadin ang tungkol kay Nath.

"I'm so sorry to hear that" atsaka niya ako niyakap.

"Thank you" ngiti ko rito. "Ikaw? Kamusta? Kamusta kayo?" tanong ko rito patungkol sa girlfriend niya.

Fire & Silk (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon