Chapter 22

21.5K 762 461
                                    

Mari's POV

"Sige mauna na kayo. Salamat" ngiti ko sa mga employee ko nang ayain nila akong mag-lunch. Kakatapos lang ng weekly meeting namin at kasalukuyan kong naga-ayos ng gamit ko dito sa conference room.

"Ma'am parang namayat ka?" tanong ni Blaire, isa sa mga assistant ko.

"Sus nahiya kapa. Diretsuhin mona.. alam ko namang sexy ako" biro ko dito na ikinatawa niya.

Nag-paalam ako rito at sunod na naglakad papunta sa opisina ko. Pagkarating ko doon ay inasikaso ko ang mga papeles ng iba't ibang branch ng hotel sa bansa. Mas maganda kasi kapag hands-on ka sa business mo at tutok ka sa progreso.

Naisipan kong kumain noong naramdaman ko na nanlalambot na ako at nahihilo. 6PM na pala. Hindi ko napansin ang oras dahil sa dami kong ginagawa.

Sinarado ko na ang opisina ko ag umakyat sa suite ko. Naisipan kong tumawag sa room service at nagpa-hatid nalang ng pagkain.

Ilang araw na simula noong umalis si Levie kasama ang mag-ina nito sa London. Ilang araw nadin akong hindi umuuwi sa bahay niya dahil wala naman akong uuwian doon.

Tinatawagan at kinukumusta naman ako nito araw-araw pero madalas e nagpa-paalam din ako sakanya kaagad. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko siyang kausapin.

Ilang linggo na ang nagdaan noong nalaman ko na may anak pala siya. Mag-six years old na ang bata sa susunod na buwan. Hindi ko mawari kung bakit ngayon lang naisipan ni Nathalie na ipakilala ang bata kay Levie. Sa hinaba-haba ng panahon, bakit ngayon lang? 'Yan ang nasa isip ko.

Wala naman akong karapatan para ipagdamot
si Levie sa bata atsaka hinding-hindi ko 'yon gagawin. Importante sa development ng isang bata na buo ang pamilya niya at kilala niya ang mga magulang niya. Kaya hindi sumagi sa isip ko na mag-hysterical noong nalaman ko na may anak si Levie lalo na at bago lang ako sa buhay niya samantalang si Nathalie matagal na niyang nakilala.

Nagulat ako nang may nag-doorbell. Tumingin muna ako sa peephole ng pintuan at binuksan din ito noong nakita ko na staff pala at may dalang pagkain.

Nagpa-salamat ako rito at binigyan siya ng tip. Maya-maya din ay kumain na ako pero kalaunan din ay nawalan ako ng gana nang maisip ko nanaman ang nangyari sa anak ko.

Masakit. Sobrang sakit isipin na nawala siya ng ganon-ganon lang. Alam ko naman na everything happens for a reason pero.. ano yung dahilan? Ano yung dahilan bakit  kailangan niyang mawala?

Nakatulog ako ng gabing 'yon na umiiyak. Umiiyak mag-isa sa kwarto.

Pagka-gising ko noong umaga na 'yon ay magang-maga ang mga mata ko. 6AM na at dumiretso ako sa banyo para maligo.

Kasalukuyan kong naga-apply ng lotion ng may matanggap akong message galing kay Levie. Hindi ko muna ito binuksan at tinapos ko muna ang paga-ayos ko sa sarili ko.

Nang matapos na ako ay tumayo na ako sa harap ng vanity mirror at naalala ang text na nanggaling kay Levie. Nang buksan ko ito ay literal na nanlambot ang tuhod ko at napaupo sa kama.

Napapikit ako at sunod-sunod na luha ang tumulo galing sa mga mata ko. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang mga hikbi na gustong kumawala habang nakatingin sa litrato na pinadala ni Levie.

Fire & Silk (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon