Epilogue

29 1 0
                                    


I've been admiring you since time immemorial.

Hindi ko na alam ang pakiramdam na hindi ka hinahangaan.

Hindi ka naman perpektong tao. Hindi. Hindi talaga.

Pero baka lang kasi masyado akong infatuated sayo.

Baka yung tao sa isipan kong "Ikaw" ang inaadmire at hindi talaga ang totoong ikaw.

Kasi, di naman tayo palaging nagkikita.

Maswerte ng magkita tayo once in a year.

Naging close tayo dati but just through phone and social media.

Pero pagkatapos ng masalimuot na sitwasyon nating dalawa ay nawala na rin yung "friendship" natin.

Unti-unti, wala ng good morning sa umaga at good night sa gabi.

At wala na rin yung nonsense topics na nagpapasaya sa atin. I mean, sa akin, kasi di ko naman alam kung naging masaya ka nga. Sana.

Pero ngayon, kailangan ko ng tanggapin sa sarili na, tapos na yung panahong malapit tayo sa isa't-isa. May kianya-kanya na tayong buhay.

Masaya ka na.

Masaya ka na na wala ako sa buhay mo.

Masaya ka na kasama ang iba mong tropa.

Masaya ka na sa kanya.

Kaya, kailangan ko rin maging masaya.

Masaya para sayo na masaya ka.

Kasi ganoon naman dapat diba?

Masaya tayo kapag masaya ang kaibigan natin?

Masaya tayo kapag masaya ang mahal natin?

Dapat masaya tayo kahit hindi na tayo ang nagpapasaya sa kanila.

Kahit na hindi na tayo parti ng mundo niya.

So, this is me, getting over you.

Getting Over YouWhere stories live. Discover now