Ikaw

16 2 0
                                    

Wala. Oo. Alam ko naman sa simula pa lang na wala naman kasi talagang pag-asa na magkakaroon ng tayo. Hindi pwede. Hindi pwedeng maging tayo. Ikaw ay nakalaan para sa iba. 

Sa dinami-rami ng nangyari, iyan lang sigurado ako ngayon. Ang tayo ay malabong mangyari. Ikaw ay nakalaan para sa iba.

Sa maraming taon na lumipas, maraming tao na ang ating nakasama't nakasalamuha pero iyon pa rin ang sakin sigurado. Ikaw ay nakalaan para sa iba.

Maraming bagay na rin ang napagkwentuhan at napag-usapan pero hanggan doon lang yun dahil ikaw ay nakalaan para sa iba.

Maraming beses na rin na tayo'y nagkita't nagkausap pero isa pa rin ang tiyak na sigurado. Ikaw ay nakalaan para sa iba.

Hindi ko alam kung ilang beses ko pa itong paulit-ulit na banggitin para naman ako'y magpatuloy na rin sa paglalakbay sa buhay na hindi ikaw ang iniisip. Ikaw ay nakalaan para sa iba.

Hindi tayo pwede. Hindi ako para sayo at ikaw ay nakalaan para sa iba.

Getting Over YouWhere stories live. Discover now