Chapter 11 - Jump Then Fall

495 34 0
                                    

Chapter theme: Jump Then Fall - Taylor Swift

"Sir, magagawan niyo naman po ng paraan, 'di ba? Please po?" pangungumbinsi ko sa professor ko habang magkalapat ang dalawang palad sa harapan ng mukha ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Sir, magagawan niyo naman po ng paraan, 'di ba? Please po?" pangungumbinsi ko sa professor ko habang magkalapat ang dalawang palad sa harapan ng mukha ko.

I was inside the office of Mr. Villega, the adviser and financer of the student council. Kanina ko pa siya kinukulit na isama ako sa mga magpe-perform para sa College Night.

Alam kong plakado na ang lahat at naayos na rin ang program pero nagbabaka-sakali pa rin ako na maisingit ako. I really want to make a surprise performance. Sana magawan ng paraan.

Actually, dati pa sila nag-offer sa akin na mag-perform ako dahil nga iyong si Ate Ciara ko ay palaging may hinahandaang recital sa mga ganitong event ng school noong dito siya nag-aaral. Magaling na pianist kasi ang kapatid ko. Ako naman ay nabiyayaan ng talento sa pagkanta kaya gusto nilang maghanda ako ng performance pero tinanggihan ko lang ito.

Nagsisi tuloy ako ngayon.

"Sige na po, sir!" I pleaded once again, flashing him my puppy dog face.

"I can't believe that you're here now begging to perform. Samantalang dati, todo tanggi ka dahil ayaw mo kakong humarap sa maraming tao. What made you change your mind?"

"Si Sir naman, huwag nang magtanong. Pumayag ka na lang,” paglalambing ko.

"Sige na, isisingit na kita. Kundi ka lang talaga malakas sa akin," he replied, sighing in awe.

"Thank you, sir! You're the best!" I beamed.

"Your sister will be proud of you," he added.

Nawala ang saya sa mukha ko at napalitan ng ngiwi ang ngiti sa aking labi. "Sir, pakiusap. Huwag na huwag niyong sasabihin 'to sa ate ko. Para niyo na pong awa. Isa pa, hindi naman piano ang tutugtugin ko. Madi-disappoint lang siya. She hates it when I played the guitar.”

“Gano’n ba?” Tumango-tango si Mr. Villega saka nag-thumbs up sa akin. “Sige, hindi ko na sasabihin.”

"Thank you ulit, sir!" tili ko na siyang ikinatawa niya.

Abot tainga ang ngiti sa labi ko nang lumabas ako sa office ni Mr. Villega. Para pa akong tangang napapakanta-kanta habang naglalakad papunta sa main gate kung saan kanina pa naghihintay si CK. Pinauna ko na muna siya dahil kinausap ko pa ang professor namin.

"Bakit ang saya mo? Something good happened?" Sinalubong agad ako ni CK nang makita niya ako. Nakasakay na siya sa bisekleta niya.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERWhere stories live. Discover now