Chapter 19 - It Ends Here

437 24 1
                                    


Chapter theme: Iris - Goo Goo Dolls

Chapter theme: Iris - Goo Goo Dolls

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Totoo nga ang sinabi ni CK. Maganda sa bayan ng Horencio. Napakatahimik at magiliw ang mga tao rito. Para ngang wala ako sa probinsya dahil civilize na ang lugar na ito. Maraming matataas na building at marami ring mga bagong bukas na establishment.

"Gusto mo bang kumain muna? May sinuggest sa akin si ate Jeca na cafe, gusto mong puntahan?"

Tango na lang ang naisagot ko kay CK. Nakadungaw kasi ako sa bukas na bintana ng kotse at manghang-mangha sa mga nakikita ko.

Hindi na nga ito isang panaginip, wala na talaga ako sa amin dahil ibang tanawin na ang nasisilayan ng mga mata ko. Masarap din ang simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Fresh air, hindi gaya sa Manila sobrang polluted. Kakaunti lang din ang sasakyang dumadaan sa kalsada rito kaya pwede ka na ngang humiga sa sobrang luwag.

"Are you happy?" tanong ni CK.

Sumandal ako sa upuan at nilingon siya.

"Sobra!" I beamed.

Nakita ko naman ang masayang pagngiti niya mula sa rear view mirror. Tulad ko nag-uumapaw din ang kaligayahan niya. Nakatitig lamang ako sa kanya habang siya naman ay naka-focus lang sa pagmamaneho.

"Bakit?" tanong niya ulit nang maramdaman niya ang mga mata kong nakatuon sa kanya.

"Nothing. I just like staring at you."

I heard her chuckled. "Déjà vu."

"Huh?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Nilingon naman niya ako. Her boyish smile plastered on her face. "Hindi mo naaalala? Noong unang beses kitang inihatid sa inyo noong injured ka? Sinabi ko rin sa'yo 'yan, 'di ba?"

Hinanap ko sa kasulok-sulukan ng utak ko ang memorya na tinutukoy niya. Napangiti na lamang ako nang maalala ko ito.

Iyon 'yong unang beses na nakaramdam ako ng kakaibang pintig sa puso ko, noong sinabi niya ang mga salitang 'yon.

"Bakit ngayon lang? Bakit ngayon ka lang nagpakilala? Sana dati pa," wala sa loob na bulalas ko habang pina-park na ni CK ang kotse sa tapat ng isang cafe.

Bumakas ang pagkabigla sa mukha ni CK dahil sa narinig. Hindi niya siguro inaasahan na magtatanong ako ng gano'n sa kanya. Mataman niya kong tiningnan. Punong-puno ng emosyon ang magagandang mata niya, na kahit kailan ay hindi ako magsasawang pagmasdan.

Narinig ko pa ang marahang pagbuntong-hininga niya bago siya nagpasyang sagutin ang tanong ko.

"Masyado kasi akong naduwag noon. Natakot akong masaktan dahil alam kong hindi lang basta crush lang ang nararamdaman ko para sa'yo. Para sa akin, para kang maningning na star sa langit. Out of my reach, and I was out of your league. Sino ba naman ako para magustuhan mo, 'di ba?" saglit siyang tumigil para haplusin ang pisngi ko. Ang mga mata niya ay diretso lang ang titig sa akin.

Just One Click (G x G) - WATTYS 2022 WINNERWhere stories live. Discover now