//two

370 7 0
                                    

Yuki

Tumigil ako sa pag babasa ng libro at tiningala ang mga ulap sa itaas. Natandaan ko naman ang sing-sing kanina kaya kinuha ko iyon galing sa bulsa ko, tinignan ko iyon ng mabuti. May nakaukit na mga letra duon, AZ. Ano kaya ang ibig sabihin nuon? May may-ari na ba tong ring na toh, oh sadyang brand name lang iyon? Hayst, mababaliw ako kakaisip.

"Kahit anong tingin mo diyan sa sing-sing na yan ay hindi ka pa rin gaganda!" singit ng taong nakapag dilim sa aking harapan. I glared at him, at ang mokong ay tumawa lang! Aba't tina-try mo talaga ako ah. "Tawa ka ng tawa, di ka pa rin ga-gwapo!" bawi ko.

Inangat niya ang dalawa niyang kamay. "Woah, woah there little tiger! Ako lang toh oh, si Cole." sabi niya na para bang sumusurrender na, tsss dapat lang noh! Wala siyang hiya na insultohin ako. Binaling ko nalang ang tingin ko sa ibang direksyon, bahala na nga siya sa buhay niya. Malaki na siya, kaya na niyang mag sorry! "Huy, sorry na kasi." paghihingi niya ng sorry bago umupo sa gilid ko at kinapitan pa ako ng mabigat niyang kamay. "Hindi ka ba informed na mabigat yang kamay mo? Aren't you self awared? Tsss, tigil-tigilan mo nga ako Cole." sabi ko na may bahid pa ng pagtatampo at hindi pa rin siya nililingon.

Nag pout naman siya. Si Cole ay ang ex boyfriend ko, haha yes! Sa kawalan ng interest ko sa mga lalaki ay hindi mo aakalain na nagka boyfriend na pala ako. But, we are not legal! Walang ibang taong naka alam, just his friends-Luke and Nico! And ofcourse, my bestfriends. Sobrang hirap na itago ang relasyon namin dahil pareho kaming sikat sa school, like what I said kanina ay wala na kaming privacy at ginagawan ng issue ang bawat isang nangyayari sa mga buhay namin! Ewan ko ba.

Tumayo na ako para makalayo sakanya. Nawalan na talaga ako ng interest sakanya, at mabuti na din iyon para free na siyang makipag date ng isang batalyon na mga babae! Gwapo naman talaga siya, hindi ko maitatanggi iyon. Bukod sa kanyang pagkaputi, pagkatangos ng ilong, pagkatangkad at pagkatalino at hindi snob ay marami talagang magkakagusto dito. "Huy, iniiwan mo na naman ako." paghabol saakin ni Cole na hindi ko namalayan na andito na pala sa gilid ko. "Hindi naman sa ganun, may pupuntahan lang ako. Ano ka ba!" pag sisinungaling ko.

//

"Girl, why won't you give him a chance? Sayang si baby boy natin." singit agad ni Madie pagkatapos kong magkwento about sa nangyari saamin kanina ni Cole. "Wow, natin? Sorry, wala akong interest diyan sa lalaking yan. Puro pagwapo ang alam!" reak ni Vana. Hindi nalang ako sumagot at patuloy na kinakain tong salad ko, tss! Hindi ako mabubusog sa pakikipagtalo.

Napahinto nalang silang bahagya nang biglang mag ring ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller ID at nakapag-porma ito ng ngiti sa aking mga labi.

Ate calling..

<- Decline Answer ->

Sinagot ko naman ito dahil namimiss ko na rin siya. Paminsan-minsan na nga lang tumatawag tong busy kong ate, ako pa ba ang iiwas sa opportunity ko?

Hello? Ate!->

<-How are you?

Always good ate, kelan uwi-> mo?

<-Soon Yuki. By the way may mga problema ba sa pera o kahit ano man jan? Tell me.

Sa sinabing iyon ni ate ay natandaan ko bigla ang favor ko na gusto kong lumipat ng school. Starting pa naman ng school year kaya pwede pa akong mag transfer and madali lang din makapag adjust and catch up sa lessons!

Uhm ate, favor po?->

<-Oh yes, sure.

Pwede po ba ako lumipat ng-> school? Please na ate.

<-Yes naman. I will work on it, text nalang kita if ever ready na lahat.

Thank you ate! Yung maganda-> at popular na school ah. Mwa, I love you ate ko!

Ate ended the call..

OMG! Lilipat na talaga ako,thank you Lordd. "Ayan na po ang ating dyosa, iiwan na po kaming lahat!" sabat agad ni Leah ng maputol ang tawag. "Huy guys ah! Wala ng tampuhan, bibisitahin ko parin naman kayo dito. Tsaka hindi ba sikat sainyo ang meet up? I really just want to start a new image at a new school." explain ko naman sakanila. Tinanguan nila iyon and told me how much they will miss me! Hayst, ako din mismo ay mamimiss sila.

"Sanay na kaming nang-iiwan ka Yuki. Pati ng boyfriend mong all in one ay naiwan mo, kami pa kaya na walang ibang ginawa kundi dumagdag sa mga sakit mo sa ulo!" malungkot na saad ni Madie. "Asus, ang drama niyo. Love na love ko kaya kayo, wag na kayong mag drama diyan. Hindi bagay, pramis!" pag papatawa ko sakanila. "So kelan daw ang lipat mo YukiLyn?" tanong ni Vana. "Mag tetext lang daw si ate kung ready na ang lahat ng kailangan ko." sabi ko naman sakanila na agad nilang tinanguan.

Nang mapansin kong may tinititigan si Leah ay binaling ko din ang tingin ko kung saan ang direksyon ng mga tingin niya. "Hoy! Don't tell me na may feelings ka pa din diyan sa ex mo." basag ko sa pagkatitig niya. Kanina pa kasi titig ng titig sa ex niyang may kasamang ibang babae! "Iba ang love ko for him, it's just sort of an attraction. It's not the love that I used to feel towards him before!" reak agad ni Leah. Napataas nalang ako ng dalawa kong kamay, in sign na nag surrender na ako sakanya!

Hayst, ang pagmamahal noh? May iba't-ibang klase talaga.

             xxxx

Sana magustuhan niyo tong chapter na toh, mwa!

-@mooseyhoneycups

I'm Inlove with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon