//five

178 2 0
                                    

Suzie

<-I told you already na diba? It is not safe there sa school ni Yuki, tapos pinairal mo pa yang utak mo and you took advantage Suzie!

You ended the call..

Bakit ayaw ba niyang umintindi? Nanny Beatrice already knows how desperate I am na malaman sino ang nagpapatay sa parents ko, and right now ay hindi siya papayag sa plano ko. Tss, nakaka-irita talaga minsan si nanny. May narinig naman akong katok sa pintuan kaya agad kong inayos ang sarili ko. "Come in!" sabi ko kaya bumukas din ang pinto at iniluwa nun ay ang secretary ko. "Ma'am, ito po yung mga background ng mga recent na kaibigan ni Yuki sa bago niyang school." sabi naman niya at inabot ang dalawang folder. "Salamat, you may go now." pasasalamat ko naman kaya umalis na siya. Binuksan ko naman ang folder at nakita ang mga pictures at names ng mga bago niyang kaibigan, hmm.

Amber Falcon
(Female)
*18 years old
*Born on: February 15, 2002
*Born at: France
*Daughter of Mr.Jose Falcon: Owner of Flúes Industry
*Daughter of Mrs.Devina Falcon: Owner of Divine's Clothing Line

Aries Rose Guivera
(Female)
*18 years old
*Born on: December 24, 2002
*Born at: Philippines
*Daughter of Mr.Andy Guivera: Worker at ZG Clothing Line as a manager
*Daughter of Mrs.Marcelita Guivera: Worker of the Security and System Telecommunications Corporation as a agent


Hmm, worker pala ng kompanya si Mr.Guivera! Okay lang din naman ang mga biology ng mga friends niya kaya I know she is safe for her first start. I will let her have a peaceful starting first, and let her adapt to her new surroundings.

Yuki

Tapos na akong nag bihis ng uniform at mag suot ng shoes ko. Hinahatid pala ito dito sa dorm kaya wala na akong naging problema! May grey coat na long sleeve at makapal ito. Yung skirt naman ay royal blue, at hanggang tuhod ito. May white blouse at royal blue neck tie na may golden na tatak ng logo ng school sa gitna nito. Hindi ako binigyan ng ID, well hindi pa din naman ako nakapag picture kaya okay lang. Yung shoes naman ay binigay din, isa itong black plain high heels na may tatak din ng school at golden ang tatak nito. Ibang klase!

Sila Amber at Aries pala ay umalis na. Maaga pa daw kase ang klase nila, kaya hinayaan ko nalang. Nag sorry din sila kasi naubos daw nila yung breakfast! HAHAHA wild eaters. Umupo na ako sa vanity ko upang mag ayos ng buhok ko, sinuklayan ko lang ito at nilugay ang hanggang bewang kong buhok. Basa pa kasi. Nag add naman ako ng light makeup at nag lagay ng clay blush, both lips and cheeks! Natural clay blush naman ito at double purpose kaya okay lang sa skin ko.

Hindi nalang ako kumain kasi baka ma-late ako. Pupunta pa kasi ako sa office kasi hindi ko pa nakuha yung schedule at mga susi ko! Hassle talaga, tss. Kinuha ko na ang korean backpack ko at ni-lock muna ang door bago lumabas. Bumaba na ako ng hagdan at nakita si kuya Chaddy na nakaupo lang sa glass na upuan at may chinecheck sa record book niya. Dumaan lang ako na parang wala lang, lumingon naman siya at parang napansin niya ako. Ngumiti lang ako at nag wave bago umalis, at siya naman ay blangkong nakatingin lang saakin. Anong problema nun?

Lumingon ako sa kanan at kaliwa, hmm maraming gwapo pero hindi ko tipo! Naglakad na ako patungo sa main building at habang naglalakad ako ay maraming nag bu-bulongan at tumititig sa direksyon ko. Nakakahiya naman dito, puros mga rich kid! Wala bang pwedeng kaibiganin dito na hindi mataas ang tingin sa sarili? Aishh. Nagpatuloy nalang akong mag lakad hanggang naabot ko ang harap ng main building, nakakapagod yun ah!

First ay nag scan sila ng bag ko na ala airport, pati narin ng fingerprint ko at successfully ay naka pasok naman ako. "Ma'am, expected ka sa office. Sa 2nd floor po, pinaka last na pintuan sa kaliwa na hallway. Kumatok po kayo ma'am ah! Baka kasi mainit ang ulo ng principal, bubugahan ka nun." instruction ni kuya guard kaya tumango naman ako at nagpasalamat sakanya. Anong akala sakin ng guard na yun? Bastos? Syempre kakatok ako. Tsss!

Sinunod ko naman ang instruction ng guard kaya madali ko lang itong naabot. It's a black door at may golden sign ito na naka lagay na 'High Office', nice din toh ah? Papasok na sana ako ng naaalala ko ang paalala ni guard saakin kanina kaya kumatok muna ako bago ako pumasok. Odiba ang bait ko kaya! "Come in." rinig kong tinig galing sa luob kaya agad naman akong pumasok. "Goodmorning po sainyo." bati ko naman at binati din niya ako pabalik. "Here are your schedule, books, school ID incase ma error yung fingerprint system. And here are your keys sa dorm, and may iniwang susi ang sister mo dito. I don't know what this is for pero sabi niya ay ibigay ko nalang daw sayo. And we have our curfew, dapat nakapasok ka na ng 6:30 pm and every 7 pm ay mag roronda ang guards sa campus and whoever will be caught will be automatically expelled. Understood ba Ms.Galherme?" dire-diretso niyang explain.

Tumango nalang ako at nagpasalamat. Hindi lahat ng sinabi niya ay narinig ko clearly kasi nga medyo gurang na siya and hindi na clear ang iilang mga words niya! Umalis nalang ako, hindi na ako nagtanong na or anything. Ayokong pahabain pa ang titigan namin sa isa't-isa! Nakakatakot yung mga tingin niya, it gives me chills.

xxxx

Ang tagal ko nang hindi naka update, kaya ito pambawi ko!

-@mooseyhoneycups

I'm Inlove with a CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon