Chapter 17 Bakasyon Grande

114 2 0
                                    




Maraming hindi makapaniwala sa lahat na nangyayari sa aming magkaklase. Nagpapakamatay sila, nagsimula ito kay Drake hanggang kay Clay. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nito pero ang matibay kong suspensya ay iisang bagay lang ang gumagawa nito. Yung anino na nakikita ko, alam kong siya ang gumagawa nito. Lumipas ang mga buwan at dumating na ang bakasyon na hinihintay ng lahat.

"Guys" sabi ni Harry sa aming anim.

"What?" halos sabay-sabay naming tugon dito.

"magbakasyon tayo ng sama-sama" nakangiti nitong tugon sa amin

"parang good idea yan" sabi ni Conan

"saan naman tayo?"

"gusto ninyo sa probinsya namin?" sabi ni Harry sabay kindat sa akin

Napangiti ako nung magets ko kung anong ibig sabihin ni Harry. Meron akong time para makapunta sa mansion.

"doon na tayo!" excited kong tugon sa mga ito

"okay deal na tayo?" sabi ni Harry

"Okay!" sabay-sabay naming tugon dito

"pero kailan?"

"Bukas?" sabi ni Yves

"sige good ako" sabi ni Justin

"Kotse ko na ang gagamitin natin" sabi ko "ako na ang magddrive"

"Ako na lang ang sub" sabi ni Harry

~

"Nasaan na tayo?" tanong ni Conan.

"Mulanay" sagot naman ni Harry

"pwede bang pahinto muna" sabi ni Conan

"Bakit?" tanong ko habang nakafocus sa pagddrive.

"naiihi na ako"

Inapakan ko na ang brake para tumigil ang sasakyan. Nakita ko sa rearview mirror na nagising ang lahat.

"nandito na tayo?" tanong ni Hiro.

"paglampas natin dito sa bayang ito ay nandoon na tayo" sabi ni Harry.

"e bakit tayo tumi – " naputol yung sasabihin ni Justin nung nagbukas ang pintuan at nagmadaling lumabas si Conan na kanina pa nagpipigil umihi.

Bigla kaming tumawa nung makita namin si Conan na tumatakbo papalayo.

"h'wag masyadong malayo!" sigaw ni Harry habang nakalabas ang ulo sa may passenger seat.

Makalipas ang halos limang minuto, nakita namin si Conan na tumatakbo, hindi ko mawari ang nakikita kong ekspresyon sa mukha nito, mukhang natatakot.

Nung naabot na nito ang aming pwesto ay nagmadali itong buksan ang pinto ng sasakyan.

"Anong nagyayari sa iyo?" tanong ko kay Conan

"ma – may mat- matand - matanda" utal nitong tugon sa akin

"matanda?" nakangiting sangat ni Yves.

"Ang wierdo mo" sabi ni Justin "matanda lang natatakot ka na"

"hindi kasi" sabi ni Conan "patapusin ninyo muna ako"

"Sige na" sabi ni Harry "parang kilala ko na yan pero sige pagpatuloy mo ang iyong kwento"

"kanina habang ako ay naihi doon sa may puno ng balete" sabi ni Conan "ay biglang may umimik sa aking likod ng ganito h'wag na kayong tumuloy hindi na kayo makakabalik ng buhay"

"Naku" sabi ni Harry "h'wag kang maniwala doon – lahat ng dayo dito ay sinasabihan niyan. Siya si Lolo Milo, isang baliw na pauli-uli sa boung San Francisco at Mulanay Quezon."

Bigla may naalala ako, parang nangyari na sa akin ito, hindi ko lang alam kung saan at kailan.

"tara na" pag-anyaya ni Hiro sa amin

Pinastart ko na ang sasakyan at tuluyan ng umalis doon.

Lumipas pa ang halos isang oras ay narating na namin ang San Francisco, Quezon. "Welcome" sabi ni Harry

"Saan tayo magpaparking?" tanong ko kay Harry "saan pwede iwan ito"

"doon na lang sa simbahan" sabi ni Harry "magrereport na rin ako"

Pinarada ko ang aking sasakyan sa harapan ng isang simbahan. Isa-isa na kaming bumaba ng sasakyan.

"Sinong patron dito?" tanong ni Conan

"Si San Francisco ng Assissi" sabi ni Harry "Tara magpapaalam tayo kay padre"

Noong nasa kumbento na kami ay nakita agad namin ang kura paruko na nakaupo sa mahabang lamesa habang nagkakape at nagbabasa ng dyaryo.

"Padre" tawag ni Harry

Binaba nito ang hawak nitong dyaryo at sabay ngiti kay Harry. Kung hindi kami nagkakamali ay nasa early sixties na ito.

"Brothers" sabi ni Harry "This is Rev. Fr. Patrick Tan"

Tumayo ito at sabay lahad ng kanyang kamay sa amin.

"Padre" sabi ni Harry "mga kaklase ko po sila sa seminaryo – magbabakasyon lang po kami dito"

"Oh I see" sabi ni Fr. Patrick habang nakatitig sa akin "Si Mr. Lance Cortez ka di ba?"

"Opo" mabilis kong tugon dito "Papaano ninyo po ako nakilala?"

Ngumiti lang ito sa akin "by the way Harry, Sunday bukas aasahan ko kayong anim na sisimba at aassiste sa aking misa ha"

"Okay po" sabi ni Harry "wala pong problema, may dala naman po kaming sutana."

Nagpaalam na kami kay Fr. Patrick at nagtungo sa bahay nina Harry.

~

Napapansin ko na sa bawat nadadaan naming mga tao ay natitig sa amin lalong-lalo na sa akin.

"si Lance" sabi nung isang babaing blande ang buhok sa mga kasama niyang mga babae at lalake

"Oh my God" sabi nung isa "tara papicture tayo"

"sira" sabi naman nung isang kasama "nakakahiya kaya – at tingnan ninyo girls yung mga kasama ni Lance, si Harry at yung ibang mga kasama niya lahat ay gwapo, ang puputi, ang kikinis e. Daig pa tayong mga babae"

At noong napadaan naman kami sa mga matatandang naguumpukan ay narinig ko namang sabi ay "Si Sir Lance"

Bigla akong nakaramdam ng kamay na umakbay sa akin. Nilingon ko ito ay nakita ko sina Yves at Hiro

"Famous ka pala dito e" sabi nina Yves at Hiro

"daig mo pa si Harry e" sabi ni Justin

"bakit ka kakilala ng mga tao dito?" tanong ni Conan

Ngumiti lang ako pero si Harry naman ang sumagot sa tanong ni Conan

"Siya lang naman ang may ari ng kalahati ng lupain dito sa San Francisco na ibinigay sa tao kaya well respected sila dito"

Lumayo ng kaunti ang mga ito sa akin sabay ngiti "nasa territoryo mo pala kami baka kami matumba na lang dito"

"mga baluga kayo" sabi ko sa mga ito habang nakangiti.

~

Narating na namin ang bahay nina Harry. Ang sumalubong agad sa amin ay ang mag-asawa Valdez.

"Welcome po" sabi nung mag-asawa sabay tinggin sa akin "Welcome home po Sir Lance" sabi ni Manang Esther.

Pumasok na kami sa loob ng bahay nina Harry. Bigla naming narealize na gutom na pala kami nung makita namin ang mga pagkain sa lamesa.

"Wow" sabi ni Hiro "Fresh seafoods"

Seminarista (Complete)Where stories live. Discover now