Chapter 28 The Mansion

103 2 0
                                    




Lumipas ang 11 days ay hindi pa rin nahahanap si Justin at parang sumuko na rin ang pulisya sa paghahanap.

"Hindi kayo pweding sumuko" sigaw ni Fr. Patrick sa kausap nito sa telepono "please" pagmamakaawa nito

Mahahalata mo sa kanyang tono na nagpipigil itong umiyak. Lumipas pa ang apat na araw ay hindi natalaga nahanap ang katawan ni Justin. The police proclaims, Justin is dead, case closed. Wala na kaming nagawa dahil pulisya na ang nagsabi. Pero kami ay hindi nawalan ng pag-asa na buhay pa si Justin.

"Guys" sabi ni Hiro "bakasyon muna tayo"

"bakasyon na ito ah" sabi ni Yves

"what I mean is – alis muna tayo dito sa parokya para matanggal ang problema at isa pa isang linggo na lang tayo dito"

"saan mo naman gusto pumunta?" alanganing tanong ko, kinakabahan ako dahil parang alam ko na kung saan nito gusto at hindi nga ako nagkamali

"Alam mo naman kung saan namin gusto e"

Matagal na niyang kinukulit sa akin ang pumunta sa aming isla. Hindi ko alam ang isasagot ko. Napatingin ako kay Harry pero blangko ang ekspresyon nito nakatingin ito sa malayo.

"Ano Lance, game?" sabi ni Conan

"ah eh" sabi ko

"your promise" sabi ni Hiro

"okay" mahina kong sagot dito. Nakita kong namilog ang mata ni Harry at sabay iling. Bigla kong nasapok ang aking noo nung marealisa ko na bawal ang bisita. Pero hindi ko na mabawi ang aking nasabi dahil nagmadali ang mga ito na umakyat para mag-impake.

"bakit ka pumayag?" tanong ni Harry na halatang nagulat sa aking desisyun

"hindi ko rin alam e" sabi ko

"bahala ka dyan" sabi nito "baka malaman nina madam ito"

"anong gagawin ko Harry?"

"hindi ko rin alam" sabi nito sabay talikod sa akin.

~

Hindi ako makatulog, iniisip ko pa rin kung bakit ako pumayag. Nangako ako kina papa na wala akong dadalhin na bisita sa mansion. Napatingin ako sa aking relo at ang sabi doon ay 3:44 am na. Bigla akong napatingin sa bintana nung may napansin akong dumaan. Bigla akong napabangon, papaanong may makakadaan sa harapan ng bintana kung nasa second floor ako ng kumbento. Dahan-dahan akong bumaba sa aking kama at nagtungo sa bintana at nung nandoon na ako ay nagpalinga linga ako na para akong tatawid ng kalsada subalit wala akong nakita kundi kadiliman ng paligid. Tatalikod na sana ako nung may narinig akong umaawit.

"Tago-taguan maliwanag ang buwan pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo"

Isa.....

Napasilip ako ulit sa bintana at doon ko nakita ang isang pigura ng tao na nakaharap sa puno

Dalawa.....

Hindi ko makita ang mukha nito, pero sa hubog ng katawan nito ay sigurado akong kaedad ko lang ito.

Tatlo.....

Hinawakan ko na yung bintana para isarado ito subalit nakaramdam ako ng mahigpit na kapit sa aking braso. Hindi ako makatitig sa nakikita ko. Yung anino ay unti-unti na nagkakamukha

"Hi Lance" sabi nito "let's play hide and seek"

Wala akong magawa kundi sumigaw.

~

Napabalikwas ako ng gising. Nararamdaman ko na tumutulo ang aking mga pawis sa katawan.

"are you okay?" sabi ni Hiro

"yeah"

"bakit nagpapawis ka?"

"ang init kaya"

"Hala sige" sabi nito "magmimisa na – tumayo ka na dyan at pagkatapos nating magalmusal ay pupunta na tayo sa inyo" dagdag nito na may ngiti sa kanyang mga labi habang ito ay nalabas ng kwarto.

Tumayo na ako sa aking kama at dumeristso sa banyo para mag-ayos ng sarili habang umiiling.

Seminarista (Complete)Where stories live. Discover now