Tago-taguan maliwanag ang buwan pagkabilang ko ng sampo ay nakatago na kayo. Ready or not
Isa
Ang bilis ng tibok ng aking puso ....
Dalawa
Para bang gustong lumabas sa aking dibdib .....
Tatlo
Natulo na ang aking mga pawis ......
Apat
Sa noo, ilong at dibdib .....
Lima
Parang ang bigat ng aking pakiramdam ngayon ....
Anim
Para akong masusuka .....
Pito
Pumikit muna ako para mawala ang aking nararamdaman ....
Walo
Pero hindi na wala .....
Siyam
Huminga muna ako ng malalim at hindi na pinansin pa ang aking nararamdaman.....
Sampo
Nagsimula na akong maghanap .......
"saan na kayo?" sigaw ko habang binabagtas ang pangalawang palapag.
May narinig akong mga tawanan sa hallway, "nandito sa siya – Hide!"
"h'wag kayong maingay"
Sinundan ko yung mga boses kung saan nagmumula at dinala ako nito sa may dulong bahagi ng pangalawang palapag.
"nandito na siya"
Hinawakan ko na ang doorknob at dahan-dahan kong binuksan ito pero bago ko tuluyang mabuksan ang pinto ay may nakita ako sa may periperal view na tumakbong isang lalake galing sa unang kwarto papunta sa tapat nitong kwarto. Bigla akong napatingin dito at nagmadaling pumunta sa kwarto kung saan pumunta yung lalake.
"Hello" mahina kong tawag dito habang dahan-dahan akong pumapasok. Kung hindi ako nagkakamali ay kwarto ito ng aking lolo at lola.
Pinindot ko yung switch nung ilaw para buksan ito subalit bigo akong buksan ito dahil hindi ito nabubuhay
"pundi?" reklamo ko
Bigla akong napatingin sa may walking closet nung may napnasin akong tumakbo doon at nagmadali akong pumunta.
"BOOM Conan!" sigaw ko habang binuksan ko ang sliding door subalit walang tao doon. Bigla akong natakot.
"Sino yung nakita ko?"
Tumalikod na ako at nagmadali akong lumabas ng kwarto at pumunta ulit sa dulong bahagi.
Pumasok na ako sa loob nung may naramdaman akong malamig na hangin na dumampi sa aking likod.
"Lance!"
Napatingin ako sa aking kanan subalit walang tao doon.
"Lance" bulong ulit nito.
Nagpalinga-linga ulit ako subalit wala talagang tao sa aking paligid.
"hanapin mo ako" sabi nito at kasabay ang pagdilim ng paligid.
Napatingin ako sa aking relo at ang sabi doon ay 11:59 pm palang. Napakamot ako sa aking ulo habang nagmamadaling lumabas ng kwarto at nung malapit na ako sa pinto ay bigla akong natisud...
"arayyyyy" reklamo
Kinuha ko ang aking cellphone at binuhay ang flashlight.
Bigla akong napasinghap at natakot nung malaman kung ano ang dahilan ng pagkatisud ko. Hindi "ano" sino! ang nakaharang sa aking dadaanan.
YOU ARE READING
Seminarista (Complete)
Mystery / ThrillerThey said that a SEMINARIAN should be HOLY They said that a SEMINARIAN should be KIND They said that a SEMINARIAN should be OPEN They said that a SEMINARIAN should be CHRIST-LIKE what if kung ang lahat ng alam ninyo sa isang seminarista ay hindi tot...