Chapter 19 Isla de Cortez

118 2 0
                                    




"Saan ka galing?" tanong ni Hiro sa akin nung nakita niya akong dumating.

"Diyan lang sa tabi-tabi" sabi ko dito habang nakatitig kay Harry na nasa lamesa habang kumakain ng almusal

"Kumain ka na" sabi ni Harry "aatend pa tayo ng misa"

Umupo na ako sa katabi ni Conan at kumain. Pagkatapos kong kumain ay naligo at naghanda ng aking sarili para sa misa.

~

"Magsiupo muna sumandali" paanyaya ng commentator sa bayan

"Magandang umaga po sa inyong lahat" sabi ni Fr. Patrick pagkatapos ng kanyang final blessing "mapapansin ninyo po na meron tayong kasama sila po ay mga seminarista mula sa Diocese ng Lucena at sila po ay magpapakilala isa-isa"

Nakita kong tumayo si Harry "Ako po si Seminarista Harry Valdez, taga dito po ako"

"Ako naman po si Seminarista Conan Zarsuelo"

"Ako naman po si Seminarista Hiro Yoshida"

"Ako naman po si Seminarista Justin Fort"

"Ako naman po si Seminarista Yves Portes"

"Ako naman po si – " naputol ang aking sasabihin nung may narinig ako nagsalita sa bayan "Si Lance, si Sir Lance"

"Hello po" sabi ko "Ako naman po si Seminarista Lance Cortez"

Nakita kong nagbulong-bulungan ang mga tao. Binaba ko na ang mikropono at umalis sa may ambo.

"Sila po ay makakasama natin dito ng isang buwan"

~

"Dito na kayo sa parokya tumuloy" sabi ni Fr. Patrick "mag-isa lang naman ako dito sa malaking kumbentong ito dahil nauwi yung kasambahay ko tuwing als otso ng gabi"

Nagkatingginan kaming anim. "Sige po" sabi ni Harry "Magpapaalam lang po kami sa bahay"

"Anong gagawin natin?" tanong ko sa kanila nung nakalabas na kami ng kumbento at binabagtas na ang pauwi.

"Bakasyon Grande" sabi ni Conan

"May alam ba kayong isla dito na pwede nating pasyalan?" sabi ni Hiro

"Ah eh" sabi ni Harry "meron kaso private property"

"baka naman pwede nating maka-usap o baka kakilala ni tita o tito or kaya si Padre"

"Hindi ko alam e" sabi ni Harry na nakatingin sa akin na mukhang humihingi ng tulong.

"naku" sabi ko "next time na lang yun" dagdag ko

~

Malapit na kami sa bahay nung makasalubong namin sina Manang Esther at Mang Nestor na may dalang napakadaming pagkain.

"Pa, Ma" tawag ni Harry "Amg dami naman ninyo binili e"

"Ayy naku" sabi ni Manang Esther "Hindi ko binili ito"

"Bigay ng taong bayan" sabi ni Mang Nestor

"Bakit daw?" sabi ni Harry

"Dahil sa inyo" sabi ni Manang Esther "at gawa ni Sir Lance"

"Ay tita" sabi ni Hiro "baka may alam kayong private na pasyalan dito sa atin?"

"Oo nga po tita" sabi ni Justin

"merong dalawang isla dito" sabi ni Manang Esther

"Mahal!" sangat ni Mang Nestor

Tumahimik si Manang Esther. "Guys, next time na lang tayo" sabi ko

"Gusto ko na mag swimming" sabi ni Hiro

"doon sa tapat ng bahay" sabi ko

"hala, ang daming taong dumadaan" sabi ni Hiro hindi ako sanay na may natitig sa akin habang naliligo "Hello mga SEMINARISTA kaya tayo"

"So tita" sabi ni Yves "saan po yung sinasabi ninyong dalawang isla"

"Isla de Francisco" sabi ni Mang Nestor

"at yung isa po" sangat ni Justin

Dumaan muna ang mahabang katahimikan bago nagsalita si Mang Nestor "Isla de Cortez"

"Isla de Cortez?" tanong ni Yves

"Lance?" sabi nina Yves, Conan, Justin at Hiro.

"Meron kayong isla dito?" sabi ni Hiro na hindi makapaniwala

"Ah eh" sabi ko habang nakatingin kina Harry at sa magulang nito.

"Brothers" sabi ni Harry "alas dose na, we need to eat – mamaya na lang yan"

~

Hanggang sa hapag kainan ay hindi nawala ang topic ng Isla de Cortez

"so Lance" sabi ni Yves "sa inyo ang isla de Cortez"

"di ba sabi nina tita ay halos kalahati ng lupain dito sa San Francisco ay sa inyo and then it means sa mga Francisco's ang kalahati"

"hindi na kailangan tanungin ang mga bagay na yan" sabi ni Justin "kina Lance ang Isla de Cortez"

"Bakit hindi natin tanungin si Lance?" sabi ni Hiro

Nagbitaw muna ako ng napakalamin na buntong hininga bago ako sumagot "300 years ago, there are first two families lived here... the Francisco and the Cortezthey are from the well-known and most influencial family. They are not filipinos, they are spaniards. To answers your question Yes, I am the owner of Isla de Cortez"

"The Isla de Cortez is for Cortez family only no one can go there except the Cortez family who inherited the mansion and that mansion inherited the first born of Cortez and Lance Cortez is the First born therefore He owned that island" sabi ni Harry.

"So mapuputol ang tradition?" sabi ni Yves

"Nope" sabi ko "I will give the inheritance to the first born of my second sibling-brother"

"So Isla de Cortez is off limits" sabi ni Harry

"per – " naputol ang sasabihin ni Justin nung nagsalita si Harry

"That's enough, this conversation ends here."

Seminarista (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon