Ep 01

68 0 0
                                    

Sa panahon ngayon, ang dali na ma-fall. Di mo na kelangan magpabebe pa o kaya manligaw ng pormal. Gaya ng harana, sulat o kaya pa-bulaklak. Madalas load lang ang puhunan, tapos kayo na.

Ganyan ang nangyari sa akin, eight years ago, I was heartbroken. Natapos sa pagkakaron ng third party ang dalawang taon kong iningatan na relasyon. Halos bigay lahat ng feelings. Hindi na nakikinig sa pamilya ko, hindi na din umaayos ang buhay ko. Pero sige lang, basta kasama ko sya, laban lang.

Motto ko nga noon, "hanggang kaya pa ayusin, aayusin." Pero potah nakakaloka pala pag ganun. Kaya nung sinabi nyang lilipat sya sa ibang lugar para mamasukan, kahit ayaw ko, sige payag. Para naman sa future kuno. Pero di naman ako nainform di pala ako kasali sa lintik na future na yun.

Yung dalawang taon kong iningatan, yung dalawang taon kong sinamba at pinahalagahan sa kahit anu pa man, natapos lang sa isang tawag.

"will you let me go?"

Edi Wow siopao! gising lahat ng optic nerves ko nung marinig ko yun, parang nung nakaraang gabi lang nag usap kmi na dadalaw ako sa kanya.
Hindi yata kinaya ng pinampalit sa akin ang balita kaya pinapili na sya.
Well, that's fine.

Iiyak na lang natin ang sakit, lakad trip sa buong maghapon. Di ko man alam san papunta pero alam ko makakapag isip ako.

Dalawang taon makalipas, ready na ako ulit. Nakaka-bitter ang mga napapanuod ko sa tv. Yung mga tipong,

"hello babe, goodmorning! kain kna ha? tawagan kita mamya. i love you."

Yudipotah! Kaya naman si ako, biglang hanap ng majojowa. Minadali ko dahil sabi ko, there's so many fish in the sea, I could probably catch one.

Oh ayun dahil sa isang website, may nakilala nga ako. Sabi ko eto na. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Wala akong naiisip na itago, nilahad ko buong pagkatao ko.

After two years, eto na. Potah aayusin ko na to na walang magiging third party.

Apat na araw lang besh, jowa ko na.

Lantod diba?

Excited yan eh.

Fell Out Of LoveWhere stories live. Discover now