Ep 11

16 0 0
                                    

Wala pang isang oras matapos tayo mag grocery, naligo ka na at umalis. Walang ano ano, umalis ka na lang.

Gusto ko magreact pero parang wala naman akong dahilan. Ako yung nagsabi na tama ka eh, dapat we should part in good terms Pero shit always catch me. I cried my eyes out for how many days na.

Wala pang kalahati ang kanin ko pero sukang suka na ako sa nalalasahan ko. Gutom ako at kahit pa cguro handaan ako ng lechon, wala akong malulon.

Maya by the time na tapos na ako umiyak, nagbihis na ako para lumabas. Linakad ko na naman ang buong kalye. Walang anumang dala kundi sarili konh di ako sure kung matino pa ba.

Kahit ang daming aso, pikit mata kong nilakad ang madilim na mga kalsada at sumakay sa tricycle pahatid sa kanto. Pero pagdating sa kanto, nilakad ko ulit pabalik ang kalsadang dinaanan namin. Road trip ba to? Sana malayuan pero di ko kabisado ang daan. Basta gusto ko lang maglakad. Bahala na si batman. Pag may madaanan ako na kainan, kain pag may nagustuhan.

Pumasok ako sa simbahan ulit, kelan man di ako nakapagsimba dito pero kahit pala nahihiya ka na umiyak sa harap ng iba, nilabas ko lahat sa harap Niya.

Naibsan kahit papano ang nararamdaman ko.

Umuwi ako at muling nakipag usap sa mga taga-apartment. Pilit na iniiwasan ang topic natin. Baka sakali kahit papano mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Madaming napagkwentuhan, kahit ano basta lang mawala sa isip ko. Abala na naman ako sa oras nila. Kahit may pasok pa sila kinaumagahan, mas pinili nilang maupo dito sa labas para samahan ako.

Lumabas ka na ng maaga. Ika mo, mag-oot ka.
Sumenyas ka sa akin na tila bang pde na akong umakyat pero tumango lang ako.

Kumakain pa ang maghahatid sayo kaya sabi ko wait ka na lang muna at maaga pa naman, kakasimula lang kumain ng tao.

Maya wala kang choice kundi sabihin, "sige lang kuya, kain ka muna"

Pero di na tinapos ni kuya ang kain nya at hinatid ka.
Lumabas ka ng gate na kahit isang lingon sa akin walang nangyari.

Ang sakit kasi dati kahit nasa bintana ako, lumilingon ka para magpaalam. Lakas mo pa nga kumaway eh. Pero ngayon kahit isang lingon, di mo magawa.

Bago pa ako makaakayat, bumuhos luha ko sa harap ng mga kaibigan natin.

Buong katawan ko ang nagpipigil sa mga luha ko pero di ko na kinaya nung umalis ka na.

Di ko maintindhan ang nararamdaman ko. Basta alam ko masakit. Sobrang sakit.

Pero mahal pa din kita. Sobra.

Fell Out Of LoveWhere stories live. Discover now