Ep 9

13 0 0
                                    

Umuwi ka after three hours. May Dala kang donuts. Sabi mo pa. "Galit ka?"

Pigil na pigil na ako, ayoko mag away tayo pero potah naiyak na ako nung sinabi ko na

"Diba kakabalikan lang natin? Bakit mas nagsspend ka ng time sa kanila kesa sa akin? Diba dapat bumabawi ka?"

Pero naiyak ka na din.

You broke me again.

You broke me again and this time mas matindi. Mas pino, mas masakit.

Pero sobrang mahal kita. Alam ko katangahan na talaga to pero sobrang mahal kita na sinabi kong
"Stop breaking up with me"

Andami ko pang sinabi sayo. Halos ginawa ko na both ways.
Magmatigas at magmakaawa.

Sinabi ko pa nga na hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pag umalis ka ulit.

Pero umalis ka. Oovernight pa.

Nangako kang pag iisipan mo ulit pero wala pang alas diyes, nagpost ka na ng My Day mo. "I need to let you go"

Anu pa laban ko nun?

Impake na ako ulit. Bahala na. Hiram akong pera kay doc. Tapos aalis na ako.

Pinili ko ulit ang petsang a week pa dadaan baka sakaling magbago isip mo.

Pero pag uwi mo kinaumagahan, hindi nagbago.

Tinapangan ko sarili ko at di ako umiyak. Sabi mo "can we atleast separate in good terms?"

Sabi ko lang "not now" pero alam kong kelangan ko kainin ang sinabi ko, hahayaan kita at susundin kita sa gusto mo basta makasama kita bago ako umuwi ng tuluyan.

Di ko alam san ako ppwesto pagka uwi ko sa amin pero bahala na. Kung magiging masaya ka naman na wala ako, magiging okay din siguro ako.

Kinagabihan, nagsimula na ang plastikan natin. Halos nilulon ko lahat ng sakit para di ako maiyak, walang halong keme, gusto kong sundutin ang tanong kung ayaw mo na ba talaga.

Pero sabi mo "we'll get through this"

We will. Swerte mo may matatakbuhan kang kaibigans pag wala na ako pero titiisin ko ilang araw kasi alam kong masaya ka, kahit ako lang mag isa.

Wala kang pasok kinagabihan, kaya sabi ko bahala na.
Ang layo ng folding bed natin. Nakatulog kana wala pang 15mins pero bago nun text ka ng text, gusto ko sana magtanong king sino pero para san pa?

Nairita ako kasi kada tingin ko sayo, ngtatype ka.
Ayoko mag isip, ayoko na.

Buti na lang may kachat din ako. Kahit papano naibsan inis ko. Antagal na namin di nag usap ng college friend ko pero wave ako ng wave baka sakaling humaba pa usapan.

Hating gabi na, sumakit puson ko. Pangalawang araw ng dalaw ko.
Ginising kita, sabi ko

"Gising ka pa? Ansakit ng puson ko. Tulungan mo ako"

"Anung gusto mo?"

"Embrace mo ko"

Sa loob ng limang taon, kada dalaw ko. Ikaw ang nurse ko. Ikaw nag aalaga sa akin. Nag iinit ng tubig at naglalagay ng eficascent sa puson at balakang ko.

Pero nung gabing yun, nag open arms mo. Akala ko yes, alagaan mo lang ako. Kahit plastikan. Gusto lang talaga kita mayakap kahit wala ng feelings.

Pero wala pa yata 10seconds ang potah pinaalis mo na ako, iinitan mo daw ako ng tubig at ang sabi mo pa

"Initan kita, balik dun! Balik!"

Tangina mo no? Napakaselfish mo. Alam kong nung gabing yun wala na talaga.

Tiniis ko hanggang mawala ang sakit. Inisip ko na lang na mas masakit ang pagpapaalis mo sa akin kesa sa buwanang pag iinarte ng puson ko.

Pareho tayong nakatulog ng walang imikan.

Fell Out Of LoveWhere stories live. Discover now