• UNA

218 6 55
                                    

June 2019

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.


June 2019

Kennedy
Sheena nasan na kayo?
Andito na ko sa SM Fairview
yung pila dito sobrang
Haba na!

Sheena
Putangina kakagising ko lang!
Heto na pupunta na kami 
ni Maxine!

Napasinghap na lamang siya habang nag hahantay sa dalawa niyang kaibigan. Nakatayo lang naman siya sa entrance ng Fairview Terraces para hantayin sila na makapunta sa mismong bilihan ng ticket ng TWICE, ang favorite kpop group ni Sheena. Suot suot ang kanyang earphone, napatingin nalang siya sa pila dahil sa sobrang haba nito, ang mas nakakailang pa eh karamihan ay lalaki ang nakapila dito.

Suot suot ang kanyang white shirt at pants, with rubber shoes na high cutted, napasinghap na naman siya dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Alas syete pa lang ng umaga ay andun na siya dahil sa usapan nito sa chatbox. At yung sino pa yung nangako, siya pa tong pinutol ang hindi dapat pinuputol. At gusto pa nilang magsimba bago pa man siya makapila sa mismong ticket selling.

Kaya lang naman siya nauna dito dahil siya ang pipila rito. Hindi rin naman siya manonood dahil hindi niya kilala ang mga ito. Kahit na pinilit siyang papuntahin sa concert na ito ay hindi siya pumayag. May pera man siya dahil nag tatrabaho siya pero hindi naman niya kilala ang mga ito. Kaya nag promise nalang siya na sasamahan ang mga ito sa mismong venue at kapag nakapasok na sila sa arena ay aalis nalang siya o hindi kaya'y kakain ng french fries sa McDonalds.

"Taena si Kenny oh!"

Nadampo ang kanyang mga mata sa narinig niya. Konti lang naman kasi ang tumatawag sa kanya ng Kenny dahil nababaduyan siya sa palayaw na yon. Minsan naiirita na siya kapag inulit ulit ang palayaw na yun.

Napatingin na lamang siya nang makita niya si Michael na naka jersey at naka rubber shoes. Halatang basang basa dahil sa practice dahil sa pawis na tumutulo sa mukha nito. Napatango nalang siya at sabay na umapir sa isat isa. Natawa nalang si Michael nang makita niyang nakatayo lang si Kennedy sa Terraces habang ang kanyang earphone ay nakakabit sa kanyang tenga.

"Hays, typical Kenny. Tanggalin mo nga yung earphone mo, by the way bakit ka ba andito? napakaaga mo naman!"

He really did try to make a conversation with her but Kennedy just shrugged her shoulder. Wala namang magagawa si Michael dahil halata namang walang interesadong makipag usap ang babae kaya nagpaalam nalang siya at umalis. Tumango nalang siya at nagpasyang i chat ulit si Sheena na kasalukuyang nasa kalagitnaan ng pagsakay ng jeep.

Kennedy

Uy

Kennedy
Nasan na kayo?

Kennedy
Humahaba na yung pila

Nag aalala na siya dahil nafifeel na niyang hindi siya makakabili ng expected seat na hinahangad nila. Kung maganda man ang kanilang makukuhang seat, ay dahil mauuna siya sa pila. Kung hindi man ay nababahala na siya na baka hindi siya makauna sa pila. Oo mahirap ang ganitong taktika dahil napaka hirap nitong gawin dahil malayo ang misa sa mismong ticket branch.

I Love Them, Not YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ