• LIMA

53 2 40
                                    

July 15, 2019 | Monday Evening

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


July 15, 2019 | Monday Evening

Kennedy


"Hala sorry talaga Kennedy."


Naka face palm parin ako habang nag dadrive siya pauwi. Ihahatid niya daw muna niya ako sa bahay bago niya kausapin yung lalaking nagpahamak sakin doon sa sarili nilang company. Hindi ko rin naman alam na hindi rin iniiexpect ni Amber na ginawa yun ng pinsan niya eh.


Ako mas apektado dito, pinaglabasan na nga ako ng galit, na trigger pa anxiety ko at ang mas malala ay nadawit pa ko sa gulong hindi dapat ako ang dawit at bida. Kung tutuusin, kasalanan ko rin naman eh. Kung umayaw lang ako nung una palang edi sana hindi na ako nadawit pa. Sa sobrang panginginig ko hindi ko na alam na ako pala ang tinatarget na gawing girlfriend niya doon sa company mismo.


Hindi siya si Kim Namjoon. O traits man lang ni Namjoon sa kanya eh wala. Kala mo kung sinong gwapo eh mas gwapo pa nga yung tambay sa computeran namin ng one percent.


"Im trying to communicate with him pero nagagalit ako sa sitwasyon ngayon lalo na't dinamay ka--- ay butiki!"


Biglang nag ring yung cellphone ni Amber na kinagulat naming dalawa. Hininto niya yung pagdadrive niya sa gilid habang sinasagot yung caller. Nakakapagtaka, bakit bigla biglang sasagutin ni Amber yun knowing na gabi na at hinahanap na ako ng magulang ko kung ganun. 


"Hello Matthew!"


"Ay siya lang pala pfft, pwede namang gumamit siya ng bluetooth earphone habang nagdadrive huh? gayahin niya yung mga CEO na napapanood sa teleserye."


Habang tinatawagan ni Amber yung lalaking naging boyfriend ko ng 30 minutes sa company niya, ay ako naman itong nag unlock ng cellphone ko kung may update ba BTS o ano ba pero nadidismaya pa rin ako, kulang pa ipon ko for Seoul escapade.


"Okay, I know you did that cuz you really want to get her out. You really need to say sorry though."


Rinig kong pagkasabi ni Amber sa kabilang linya habang ako nanlulumo pa rin. Yun na yun? Hindi kasama Philippines sa line up country ng Love Yourself concert? Its been 4 years na rin nung last silang pumunta dito sa Pilipinas at sa totoo lang namimiss ko na sila. Nakakadismaya sa totoo lang, ang sabi nila babalik sila? Napaka paasa naman.


"Pst Ken! Answer this, I need to drive you up." 


I Love Them, Not YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon