• WALO

42 1 57
                                    

Flashback 3 years ago

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Flashback 3 years ago...

No one's POV,

"Tita! Bakit may mga reporter sa harap ng bahay niyo?"

Nagulat sina Kennedy at ang pamilya niya dahil kakauwi lang nila galing sa hospital, alam na rin ng pamilya nila na nabalita ang issue sa kanya dahil na rin sa mga post ng mga kaklase at school niya sa kanilang profiles at sa pagshishare na rin ng mga post ng mga kaklase at schoolmates niya.

Napapikit nalang sa takot si Kennedy habang tinitignan sa mata ang kanyang ina, hindi niya mawari ang takot niya dahil na rin sa trauma na nakuha niya kay Angelica at sa mga kasama niya.

"Kenken anak, kalma ka lang ha? May dadaring tao dito anak na hindi natin makontrol."

Sabi naman sa kanya ng kanyang magulang habang niyayakap nila ng napakabanayad ang anak nila sa media. Habang ang anak nila ay hindi alam kung anong gagawin, ang mga kapitbahay naman nila ay napatingin nalang sa kanila gawa na rin sa hindi nila alam kung papaano nila tutulungan ang pamilya dahil na rin sa dami ng reporter na nakabalot sa baranggay nila ngayon.

Naiinis nalang sa takot si Kennedy habang nangingilid ang mga luha nito, simula nung sumikat yung video footage niya kasama yung mga bully niya na may ginagawang hindi masama sa kanya at nag viral yun sa local at sa iba pang social media sites.

"Pwede po bang matanong ang anak niyo miss?"

"Anak kamusta ka na?"

"Anong masasabi mo sa hatol ng deped ineng?"

Tumitingin lang si Kennedy sa mga reporter habang ang dami ng mga flash ng camera sa harapan niya. Natatakot siya oo, takot siyang magsalita laban dito. Hindi dahil may threat sa buhay niya kundi sa mga epekto ng mangyayari sa buhay ng pamilya niya ngayon.

Umiling uling nalang si Kennedy habang ang mga magulang niya ay inalalayan yung buong katawan niya ngayon. Habang ang mga kapitbahay nila ay ayun nagsisimula nang magsumigaw na umalis sila sa daanan at alalayan ang buong pamilya.

"UMALIS NA NGA KAYO! KITA NIYONG NATATAKOT NA YUNG BATA EH!"

"ALIS NA MUNA KAYO, SA SUNOD NA KAYO MAG INTERVIEW."

"ANUBA! BATA YANG PINIPILIT NIYONG PAGSALITAIN! ALIS NA ALIS!"

Pero sumusunod pa din ang mga reporters at mga flash ng mga camera sa harapan ng pamilya niya na para bang sila ang may kasalanan sa nangyayari sa kanya ngayon.

She mouthed "pasensya na po" dahil sa hindi siya takot o ayaw niyang magsalita, kundi naaawa siya dahil wala siyang gustong sabihin sa mga reporters na ito, naisip niya rin kasi na nahirapan silang mapuntahan ang bahay nila kaya tinitignan niya ang mga ito sa mga mata kahit na sobra na ang takot sa nakapinta sa kanyang mukha.

I Love Them, Not YouWhere stories live. Discover now