DARE | 3

3K 93 5
                                    

DISCLAIMER:

Before reading this, the author would like you to know that this will contain a lot of vulgar words and explicit topics such as sexual exploitation, psychological manipulation, and domestic violence. If you are not comfortable with this, it is highly recommended that you skip this book. Otherwise, it is implied by default that you have agreed that the author will NOT be held accountable for whatever psychological disturbance you have experienced throughout your reading sessions.


***


"Lukas, ano ba? Hindi ka ba talaga marunong makisama?"

Mariin na napapikit si Lukas. Syempre, papagalitan siya ni Dean. Kakayari lang nilang mag-shoot ng kanilang first video for their vlog, and it went bad. Or at least, on his part lang.

The concept of the video was "How well do you know your co-member?" challenge. Tapos, ang huling tanong ay "Sinong member ang mukhang may ipapakilalang miyembro balang araw?"

At sino pa ba ang sinagot niya? Isa lang naman ang bakla sa mga kagrupo niya.

"Not today, Dean," pabalang naman na tugon ni Lukas. Humiga siya sa sofa saka tinakip ang braso sa mga mata. "I'm tired."

Wala siya halos tulog. Dalawang araw na ang nakalilipas pero hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang ginawa niyang paghalik kay Keaton. It kept him awake at night, wondering what happened.

Mayroon sigurong sumpa ang baklang iyon?

"No, Lukas. Tumayo ka d'yan at kinakausap kita." Nang hindi sumunod ang lalaki, nagtaas ng boses si Dean. "Lukas, I'm talking to you!"

"Oo! Ito na!" Padabog siyang tumayo. "Ano bang problema mo, ha?"

"Ako dapat ang nagtatanong niyang sa iyo." Hinila ni Dean ang monobloc na upuan at tinapat sa lalaki. "Hindi ko alam kung ano ang issue ninyong dalawa ni Keaton sa isa't-isa pero sana naman maging civil ka sa kanya. E tingnan mo kung anong ginawa mo kanina? Alam mong para sa vlog natin iyon tapos gumanon ka?"

Wala siyang maisip isagot kaya nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng studio upang humanap ng distraction. His eyes caught Keaton. Nakatayo ito sa may water dispenser at halata sa mukhang naku-curious ito.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan, bakla?" angil niya.

Napitlag ang main vocalist ng banda nila saka pinagpatuloy ang pagkuha ng tubig.

Palabas na sana ito ng green room nang tawagin ito ni Dean. Nag-aalangan itong lumapit. Ni hindi nga nito masalubong ang titig niya.

"Can you please enlighten me already kung ano ba talaga ang isyu ninyong dalawa?" tanong ng leader nila habang minamasahe ang sentido. "You aren't as hostile as this before. Noon, nagagawa ninyong magplastikan. What happened?"

Finally! Lukas had been waiting for this opportunity. "Mabuti naman at naisip mo ring itanong iyan, Dean." Matigas ang boses niya. "Oras na siguro para malaman ninyong ninakawan niya ako ng halik. Di ba, Keaton?" Sinalubong niya ang tingin.

Napalunok naman ito at namutla.

"Oh, di ba? Guilty?" Umiling-iling ito. "Wala naman sanang kaso sa akin kung bakla siya. Pero huwag naman sanang mambastos."

Si Dean naman ang tumingin sa lalaki. "Is that true, Keaton?" Malumanay ang tono nito, hindi gaya kanina.

Bumuntonghininga si Keaton saka yumuko. Tapos, tumango ito. "Yeah. I did it. Noong victory party natin."

Dare You to Move [BxB | FIN✔]Where stories live. Discover now