DARE | 13

1.7K 34 3
                                    


DISCLAIMER:

Before reading this, the author would like you to know that this will contain a lot of vulgar words and explicit topics such as sexual exploitation, psychological manipulation, and domestic violence. If you are not comfortable with this, it is highly recommended that you skip this book. Otherwise, it is implied by default that you have agreed the author will NOT be held accountable for whatever psychological disturbance you have experienced throughout your reading sessions.

***

Tahimik na naglalaba ng basahan si Keaton sa kitchen sink nang maramdaman niyang may yumakap sa kanya patalikod.

"Lukas, ano ba," he complained when Lukas nuzzled his neck. "May ginagawa ako."

Tumawa ang lalaki saka siya binitiwan. "Sungit mo, ah?"

"I'm not. I'm just... tired." Pinatay na niya ang gripo saka piniga ang basahan. "Napagod ako masyado sa shooting kanina. Ang perfectionist ng direktor natin."

Kanina, shinoot na nila ang music video ng Dare You to Move, ang special release nila for PRIDE month. Just like what Dean proposed, the music video had four stories, at nakatoka sa kanilang dalawa ni Lukas ang gay romance.

Keaton did not mind it, of course. Ang hindi niya inasahan ay napaka-strict pala ng direktor nila. It was Direk Acosta, the same guy who directed Mario Luigi: Scandalous Lover.

Tumawa si Lukas. "Oo nga. Paulit-ulit ang eksenang pinapagawa niya. I heard it's his first time to direct a music video."

"Yeah. Kaya siguro masyadong strict. Nadala niya sa project natin ang nakasanayan niya sa film." Sinampay niya sa gooseneck faucet ang basahan saka hinarap si Lukas. "But I bet that's why he makes amazing films. Masyado siyang metikuloso."

Biglang ngumisi si Lukas.

"What?" nagtatakang aniya.

"Wala lang. Naalala mo yung eksena sa kitchen kanina?"

He scoffed. "Doon nga ako napagod, ay. Nakailang take ba tayo doon? Parang lampas sampu yata."

Umiling-iling si Lukas. "Ikaw naman kasi, hindi ka nakikinig sa kanya."

"Nakikinig ako! Nakakailang lang talaga."

"Bakit ka naman naiilang?"

"Because everyone is watching us. Dagdag mo pang nangangantiyaw yung tatlong bugok." He was talking about the other three members.

Saglit nag-isip si Lukas. "So, sinasabi mo ba na kapag walang nanonood, magagawa mo ng tama ang eksena? Mapapakita mo ang emosyon na gustong makita ni Kuya Direk?"

Natigilan siya. "Ha?"

Pero sa halip na sumagot, kinarga siya bigla ni Lukas saka pinaupo sa kitchen counter. Tapos, hinawakan nito ang baba niya at pilit na pinagsalubong ang tingin nila.

"Let's redo the scene, shall we?" sabi ni Lukas.

Lukas was looking at him intently, and instantly, he felt some pleasant twist on his gut. Napalunok na lang tuloy siya saka umiwas ng tingin pero agad siyang pinigilan ni Lukas.

"Hey, why are you looking away?" sabi pa nito. Tapos, kinuha nito ang mga kamay niya at ipinatong iyon sa batok nito. "Sabi ko sa iyo, let's recreate that scene, di ba?"

Muli na lang siyang lumunok at sumunod sa sinabi nito.

"So, Keaton? How do you feel right now?" Bahagyang inilapit ni Lukas ang mukha sa kanya. "Can you show that eyes that express how much you're in love with me?" Iyon ang sinabi kanina sa kanila ni Direk. Gusto nitong maipakita nila ang matinding intimacy just by looking at each other.

Dare You to Move [BxB | FIN✔]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang