DARE | 32

1K 22 0
                                    


DISCLAIMER:

Before reading this, the author would like you to know that this will contain a lot of vulgar words and explicit topics such as sexual exploitation, psychological manipulation, and domestic violence. If you are not comfortable with this, it is highly recommended that you skip this book. Otherwise, it is implied by default that you have agreed that the author will NOT be held accountable for whatever psychological disturbance you have experienced throughout your reading sessions.


***


"Don't worry po, Tita. Keaton and Ciel are safe with me. Makakaasa po kayong iuuwi ko na sila d'yan sa inyo bukas." Then, Lukas turned the call down.

Sinalubong ni Keaton ang tingin ng nobyo niya. "Sorry."

"What? Para saan?" naguguluhan naman nitong tugon.

"Kasi sa iyo naibunton ni Tita Melissa ang galit niya."

Tumabi sa kanya ang nobyo saka siya inakbyan. "It's fine. Naiintindihan ko naman." Inabot nito ang phone sa kanya.

Kinuha ni Keaton ang phone saka napanguso.

Ngayon lang nabalitaan ni Melissa ang nangyari sa kanila kaya ito biglang napatawag. Si Ciel ang una nitong kinontak at hindi iyon nasagot ni Ciel dahil naliligo ito. Kaya nang si Keaton na ang tawagan, galit na galit na ito.

"Uminom ka na ba ng gamot?" tanong niya sa nobyo para mabago ang topic.

Tumango ito. "And now that you mentioned it, time na pala para palitan natin ang benda mo."

"Oo nga, e. Gusto ko na nga maligo sa totoo lang kaso bawal." Muli siyang napanguso. Hindi kasi siya sanay na hindi naliligo. "I guess I'll settle with sponge bath na lang."

Saktong bumukas ang pinto ng kwartong tutulugan nila at lumabas si Ciel.

"Hoy, Ciel, tumawag si Tita Melissa," untag niya dito. "Galit na galit."

"Nakita ko nga rin sa text. Puro all-caps." Umiling-iling ito. "Anyway, puntahan ko lang si Eirika, ha?"

"Hoy!"

But Ciel left before he could stop him. Napakamot na lang ng ulo si Keaton. "Ano ba ito? Bastusan lang? Kinakausap pa, e."

Ginulo ni Lukas ang buhok niya. "Hayaan mo na. Mukhang tinamaan yata sa pinsan ko."

"And you're okay with that?"

Nagkibit-balikat si Lukas. "I guess? Kilala ko naman siya. Hindi naman sira ulo si Ciel."

Gustong sabihin ni Keaton na ang totoo niyang concern ay baka gawing panakip-butas ni Ciel si Eirika, pero sinarili na lang niya iyon. Sa halip, tumayo na lang siya saka nagtungo sa kwarto nila.

"Hey, saan ka pupunta?" tanong naman ni Lukas na tumayo din.

"Maglilinis lang ng katawan. Naglalagkit na talaga ako," sabi naman niya saka kumuha ng bimpo sa maleta niya.

"Sige. Tulungan na kita."

Sabay silang pumasok ni Lukas sa banyo. It was Lukas who took his shirt off, too. Ito rin ang nagbasa ng bimpo saka siya sinimulang punasan sa batok.

Through the mirror, Keaton could see sadness in Lukas's eyes while he looked at the gauzes that covered his wound.

Bumuntonghininga ito. "Hindi ko talaga dapat sinabi sa iyo ang totoo, Keaton. Hindi dapat nangyari ito."

Dare You to Move [BxB | FIN✔]Where stories live. Discover now