Chapter 2

527 99 0
                                    

Ayama's POV

Wala akong imik sa byahe. Ganu'n din naman ang driver na nagma-maneho sa harapan. Hindi ko alam bakit ako sumama sa kaniya, ni hindi ko nga alam kung saan niya talaga ako dadalhin, pero may konting tiwala naman ako sa lalaking 'to. And about my sister? I feel sorry for her, ayokong madamay siya at ayokong malaman niya kung ano 'tong pinasukan ko.

Nagpakawala muli ako ng malalim na hininga. Pinikit ko ng dahan-dahan ang mata ko, tila pagod na pagod. Sabagay, ilang araw akong puyat dahil sa mga librong binabasa ko, halos fairytales pa nga 'yung iba and 'yung iba naman ay love story. Like kina Romeo and Juliet, inis na inis ako sa kwentong 'yon, ba't ang tanga-tanga ba naman kasi ni Romeo at ang nakakainis pa! Bakit naman kasi nagpanggap si Juliet na patay! Bwesit na love story.

"You can sleep there, Miss. Gigisingin lang kita kapag nasa Academy na tayo."

"You're not planning something wi-"

"Mananagot ako sa head ng Academy pag ginawa ko 'yang nasa isip mo, Ayama. Sleep tight." binalik niya ang tingin sa daan. Kita ko pa ang pag iba ng kaniyang mata mula sa itim na naging ginto.

Kumurap ako ng dalawang beses, bumalik na naman sa dati ang mata niya. Baka namamalikmata lang ako.

Pinikit ko ang mata ko, sana ay totoo itong sinasabi niya kundi papatulan ko talaga siya. Nilagay ko ang dalawang kamay sa hita ko, I'm still wearing my uniform, hindi na ako nakapagbihis dahil sa pagkalutang ko, at wala rin akong dinalang gamit. Malay ko ba kung tatagal ako or hindi.

Gusto ko rin naman mapalayo sa mansyon namin dahil naiinis ako sa mga taong andu'n, tingin nila sa akin masama. Lagi na lang si Esmee ang mabait. Tch! Pati magulang namin siya ang laging binibigyan ng atensyon, well, hindi naman ako uhaw sa atensyon. Bahala sila sa mga buhay nila.

"Miss, andito na tayo," dahan-dahan kong minulat ang mga mata. Nilinga ko ang sariling mata sa buong paligid. Sumenyas siya sa akin na puwede na akong lumabas. Tumikhim naman ako tsaka lumabas ng sasakyan.

"Once again, welcome to Hitmiton Academy," nakangiti niyang salubong sa akin nang makalabas na ako.

"Where is this place?" takang tanong ko habang pinagmamasdan ang buong kapaligiran. Nalaglag ang aking panga.

Tinatangay din ng malakas na hangin ang mahaba kong buhok.

Pinalilibutan ng malalaking puno ang gate ng Academy, sobrang tayog nito. May mga nagliliparan pa sa ere at umiilaw pa ito. Kusa kong inangat ang kamay, pilit inaabot ang mga alitaptap ngunit nagsihawian sila. Ngumuso ako ng palihim.

Sa harapan namin ay ang malaking gate ng Academy, pinalilibutan ito ng malalaking ugat ng mga puno, kumikinang din ang pinto. Kulay asul ang pintuan. Hindi ako makapaniwala na totoo nga talaga ang Academy na 'to. Sana panaginip lang 'to, hindi ko matanim pag totoo 'to.

Lumingon ako sa driver ko. Napatalon ako nang lumitaw sa aking harapan ang isang babaeng matanda na, wala na 'yung driver kanina. Saan naman kaya nagpunta 'yon?

"Magandang hapon saiyo, Ayama," bati niya sa akin. Ngumiti ako ng hilaw, hindi ko siya kilala. Sino ba siya?

"Halika't pumasok na tayo sa bago mong Akademya." Lumunok ako. Binalingan ko nang tingin ang dalawang kamay ko na ngayong nakatiklop na. Saan na kaya 'yong driver kanina?

Humakbang ako papalit sa matanda. Sumunod ako sa kaniyang likuran habang siya naman ay kumatok sa malaking gate. Maya-maya pa ay bumukas ito. Isang nakakasilaw na araw ang tumambad sa amin, hinarang ko ang isang kamay ko sa ere para hindi matamaan ng ilaw. Nakakasilaw!

"Ito ang mapa, puntahan mo ang opisina na ito at kunin mo ang mga gamit at kailangan mo sa klase." Nilahad niya sa akin ang mapa. Kinuha ko naman. Akma na sana akong mag tanong nang maglaho ito sa harapan ko. Na naman?

Hitmiton Academy: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon