Chapter 4

368 98 0
                                    

Ayama's POV

Manghang-mangha ako sa loob ng dining area. Parang siyang tulad no'ng nasa frozen na halos krystal ang sahig. Kumikislap din ang mga lambanang lumilipad sa ere, may malaking chandelier din sa itaas at may mga mesa ding pabilog ang mga hugis. Sobrang lawak, sobrang ganda, nakakasilaw at nakakamangha. Hindi ko akalaing ganito pala ka engrande ang Academy na 'to, sobrang yaman. Well halata naman eh, labas pa nga lang alam mo nang trillions ang gastos nito.

"Amazing, right?" ngiting tanong sa akin ni Maeve. Tumango naman ako. Hindi talaga ako makapaniwala na ganito ang loob ng Academy na 'to, naka-uniform pa 'yung mga nag se-serve pero 'yung mga estudyanteng andito ay may kani-kaniyang style ng damit. Ganda ng mga damit nila, sumisigaw ang presyo.

"Favorite place ko talaga rito sa loob ng Academy ay itong dining hall. Para ka kasing nasa frozen, feel na feel mo ang pagiging Elsa, hihi. Let's go!" Sinara ko ang bibig ko at nagpahila na lamang kay Elysa. Pumili siya ng lamesa malapit sa crystal na bintana.

"Kita mo 'yang mga naka-uniform na mga babae? Mga fairies 'yan sila, nagbabantay sila rito. Minsan kasi may mga nangyayaring kaguluhan dito kaya't nagpasya ang head na mag lagay ng fairies dito,"

"And about those guys? Mga warlock 'yan sila, nag tre-train ng mga black arts ang mga 'yan, witch kumbaga." Nagkibitbalikat siya. Tumango naman ako kahit na ang totoo niyan gulong-gulo parin ako kahit na kanina pa. Well, ang hirap kaya maniwala, hindi ko lang akalain na papasok ako sa magical na eskwelahan na 'to. I don't have any magic, anong gagawin ko rito? Siguro kawawa lang ako rito. Papaano ba naman kasi ako lang ang walang magic. I can't mess with anybody. Well, I'm not planning to.

Those woman who wore uniform ay mga fairies, and those guys ay mga witch, they're practicing black arts and they called themselves warlock or conjurer.

These people around me aren't normal, may mga kapangyarihan sila na wala ako. I don't know what I am doing here, anong silbi ko sa loob ng Academy na 'to. I'm just a human without super powers, hanggang ngayon palaisipan padin sa akin ang pag pasok ko rito. Gagawin kaya nila akong bait sa mga kalaban nila? Hell no!

Kung may mga mages, wizards, enchantress, etc there's also wolves and other immortals right? This isn't a fairytale, but I considered this as one of my fantasies.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nilingon ko ang dalawang babaeng kasama ko. Nagta-tawanan sila habang nagsasalita. They're both have special magic, they're not normal. Paano ko ba pakisamahan ang dalawang 'to?

"Duh! I don't think he will notice you! Over his sexy body!" hiyaw ni Elyse at tinawanan na naman si Maeve na ngayon ay nakasimangot na. Umiwas ako ng tingin. Nilibot ko ang tingin sa buong dining hall, pansin kong mas lalong dumami ang mga tao. Parang normal na estudyante lang sila, nag-uusap, nagta-tawanan, nagbu-bulungan. Walang nag labas ng magic. Bakit kaya?

"You're so mean, Maeve! You can't use your magic here, idiot!"

"Whatever!"

Nilingon ko silang dalawa. Kumunot nang bahagya ang noo ko, napansin naman nila 'yon kayat tumigil sila at tumikhim.

"What's the matter, Ayama?"

"Why you can't use your magic here?" takang tanong ko.

"We can't use our magic here, may policy kasi. Kapag lumabag ka? Talagang parusa ang haharapin mo." sagot ni Elysa.

"What punishment?"

"I don't know, hindi pa kasi ako naparusahan and besides kahit na gamitin mo ang magic mo rito? Hindi parin uubra pero kapag nalaman ng head na sinubukan mong gumamit? You'll be dead big time!" Pinaliit niya ang kamay niya tsaka kumindat sa akin.

"May isang student kasi rito noon na gumamit ng magic, isa siya sa mga malalakas, basagulero rin ang isang 'yon. Ginawa niyang dimension itong dining hall kaya't galit na galit ang head. Ewan ko lang kung nasaan na ang basagulerong 'yon. Hindi na kasi namin siya nakita. Maybe, the head threw him out. Kinuha sa kaniya ang magic at naging mortal na lang?" Kumuha siya ng tubig sa harapan namin. Hindi ko napansin na kanina pa pala na served 'yung pagkain namin. Lutang na lutang kasi ako sa pakikinig kay Maeve.

Saan na kaya ang taong 'yon? Siguro nga pinalabas siya at ginawang mortal? Or baka pinatay. Malaking kasalanan ba talaga ang pag gamit ng magic sa loob ng dining hall? Bakit kaya?

Ang daming mga katanungang bumabalot sa isipan ko. Hindi ko alam kung kailan ko masasagot ang lahat ng 'to. All I need to do now is to act like I'm belong here, that I have a special magic too. I'm so frustrated right now! Bakit ako inimbita rito? Pag hawak lang ng baril ang kaya ko eh, and I know how to shoot too, duh.

"Don't think about it, Ayama. It's been years past already, kinalimutan na iyon ng lahat. Kumain kana baka mapanis 'yan! Charot!" tumawa ako ng mahina at kumain na lang din.

"Ano nga pala section mo, Ayama?"

"Klonarths." maikling sagot ko. Bigla namang naibuga ni Elyse ang kaniyang kinain. Napalayo pa ako ng konti para umiwas. May mali ba akong nasabi?

"You're kidding right?" tanong sa akin ni Maeve.

"I'm not, tingnan niyo pa sa papel ko."

"What the hell, Maeve. This can't be!"

Bigla akong ginapangan ng kaba dahil sa reaction nila. What's wrong? Bakit gan'yan na lang 'yung mga reaction nila. Para silang natatakot na-

"Klonarths..." mahinang bulong ni Maeve.

"And speaking of?" Dahan-dahang binaba ni Elysa ang kutsara niya ganu'n din si Maeve. Mas lalo siyang sumiksik kay Elyse. Okay, what's happening?

"They all arrived,"

"The mages has arrived." Nilingon ko 'yung tinitingnan nila. Kagaya rin naming lahat na andito sa loob napatingin din kami sa bagong dumating.

Una kong napansin ay si Weston. Nasa likuran siya habang kausap ang isang babaeng may mahabang buhok. Makapal ang make up nito pero bagay na bagay naman sa kaniya. May red tattoo siya sa leeg niya na parang sumisimbolo ng apoy. Hindi kaya apoy ang magic niya?

"Weston..." bulong ko.

"You know him?" gulat na tanong nilang dalawa. Tumango naman ako nang marahan habang sinusundan ko ng tingin ang apat na mages.

"Wait? Where? At...Ayama!"

"Na-ah. Hinatid niya ako sa opisina ng head," bulong ko. Pero kita ko parin ang gulat na reaksyon nila.

"Unbelievable! Sana all hindi ba nakasama si Weston Cardinal." umarko ang kilay ko. So his last name is Cardinal.

"Wind magic user si Weston. Wind element allows the magi to perform Aerokinesis, the ability to manipulate air and create wind at will. Unlike other element, wind magic is invisible, and can be considered the deadliest element. Wind magic make up for the lack of physical defense capability with deflective and evasive moves. And unlike other element, wind magic can directly affect weather, creating hurricanes or other wind based phenomenon. Siya ang dahilan kung bakit may mga ipo-ipo at mga pag bagsak ng malakas na ulan at pag lakas ng hangin. Base sa kaniyang sarili. Weston, is one of the dangerous mages, don't mess up with him."

Namula bigla ang mukha ko. Siya pala ang may pakana ng malalakas na hangin na iyon kanina? At siya rin ang dahilan kung bakit tumataas ang palda ko, tangina mo, Weston!

"Bakit ka namumula, Ayama? Don't tell me crush mo si Weston? Ayieeee lumalovelife kana, Ayama ah!"

What the effin hell?

***

Based on my research.
Happy reading!

Hitmiton Academy: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon