Chapter 3

389 100 0
                                    

Continuation.

"Thank you for your kindness, Weston." pabalang na saad ng head principal ng Academy. Napangiwi naman si Weston, tila hindi niya nagustuhan ang asal ng head.

"No prob!" sagot ni Weston tsaka ito lumabas ng opisina. Nagsanhi pa nga ng malakas na hangin kaya't tumangay na naman ang palda ko, piste!

"Welcome to Hitmiton Academy, Miss Tezani. I'm glad you're fine," ngiti ng head. Ngumiti rin naman ako pabalik. I don't want to be rude, tinuruan din naman ako ng mga magulang ko kung paano gumalang at rumespeto sa nakakatanda.

"Here's your ID, your uniform, books, room number and of course your section. What kind of elements do you have, Miss Tezani? So I can name y-" hindi niya natapos ang dapat na sabihin nang ngumiwi ako. Kumunot naman ng bahagya ang kaniyang noo, actually wala akong alam sa elements na sinasabi niya. Ano iyon? 'Yun ba 'yung five major elements na nabasa ko sa libro? Totoo kaya iyon?

"Ah, you're a newbie nga pala. Tatawagin lang kita kapag kailangan kitang kausapin, 'kay?" Tumango ako sa kaniya. Nilahad niya sa akin ang mga needs ko. Nagpasalamat naman ako sa kaniya.

Paglabas ko ng opisina binuklat ko ang papel na binigay niya sa akin. Room 233 ang kwarto ko, ang section ko naman ay Klonarths, may logo pa itong kakaiba. I shrugged my shoulder. Bukas magsisimula ang klase, dapat alamin ko muna kung anong eskwelahan itong pinasukan ko.

Bitbit ko parin ang mapa ngayon. Hindi naman ako bobo pagdating sa mga direksyon, sa katunayan nga girl scout ako noong bata ako. Marami akong nakuhang mga patch noon, kaso hindi man lang natuwa parents ko sa akin. Si Esmee naman ay sumasali sa mga beauty pageants, sabagay maganda siya, morena ang balat, makinis din siya. Magkaiba kami ng balat dahil maputi ako sa kaniya.

Nang marating ko na ang room number ko, sandali akong napahinto at pinagmasdan ang malaking pinto sa harapan ko. Grabe! Ang taas.

Nilabas ko ang susi tsaka ito binuksan. Namangha ako nang nabuksan ko na ang pintuan. Naka-chandelier ang buong silid, sobrang laki na parang bahay lang kalaki. May tatlong kwarto sa loob, ibat-ibang mga kulay, may sariling kusina ang kwarto, sala, cr, pahingahan. 'yung totoo? Gaano ba kayaman ang Academy na 'to? I can't afford this! Sobrang ganda at halatang mamahalin ang mga gamit.

"Yuhooo! May tao ba rito?" boses ng isang babae. Nilapag ko sa sofa ang mga gamit ko. Dahan-dahan akong umangat para salubungin ang dalawang babaeng nakatayo sa harapan ko.

"Wait, finally! Tatlo na tayo! Hi I'm Elyse o Elysa and this is Maeve! Nice to meet you! You're so pretty!"

Hilaw naman akong ngumiti "Nice to meet you too, Ayama by the way."
sagot ko. Pumalakpak si Elyse tsaka niya kami hinilang dalawa ni Maeve papuntang kusina.

"Marunong kang mag-luto, Ayama?"

"Hmm. Honestl,  hindi ako pinapayagang mag luto sa amin, we have maids kasi kaya uhm." awkward akong ngumiti sa kanila.

"Don't worry! Marunong si Maeve! Hindi rin kasi ako marunong magluto eh, hehe."

"Ah ganu'n ba, anong lulutuin mo, Maeve? Baka makatulong kami sa mga ingredients?" tanong ko. Nilagay ni Maeve ang kaniyang kamay sa panga, tumango-tango ito habang nakaharap sa amin.

"Simple lang muna ang lulutuin ko ngayon since pupunta tayo sa dining hall mamaya mga around 7:30 pm."

"Dining hall?" kunot noo kong tanong. Nilapitan naman ako ni Elyse.

"Kapag mga around 7:30 pm na oras na ng dinner, Ayama. Kapag sa umaga naman, 7 am, dapat hindi ka mahuhuli, kundi parusa ang aabutin mo. May naghahari-harian kasi rito sa loob ng Hitmiton, nasa mataas na posisyon sila. Hirap nilang kalabanin."

"And hindi sila basta-basta. Gaya na lamang ng mga group of sorcerers, mahirap din silang kalabanin. But the most dangerous group is the group of mages, napapabilang kasi ang mga magic nila sa limang major elements like, Fire, water, wind, earth, lightning. Kinatatakutan sila ng mga estudyante dito at kalaban ng mga elders."

Elders? What does it mean? Hindi ko masundan ang pinag-uusapan nila. May mga magic sa school na ito.

"Elements din naman tawag sa mga magic namin, but hindi ito gaanong useful pagdating sa labanan and low class ang mga elemental magic namin. Sinasabi nila na hindi ito useful, but for us? Useful ito."

"Mag-iingat ka sa mga grupong 'yan. ?Kung magiging kaklase mo ang isa sa kanila? Huwag mo na lang pansinin. They're all quite popular din kasi dito sa Academy. Maraming nagkakadarapa sa kanila pero ni isa ay walang bumabangga sa kanila. May sariling rooms ang mga bawat group and to tell you honestly? Parang mansyon ang room nila. Hindi naman room tawag du'n eh, mansyon na 'yun, hindi ba Maeve?" tawag niya sa kaibigan.

Nilibot ko ang paningin. Para rin namang mansyon itong tinutuluyan namin ngayon. Sobrang laki, mas malaki pa sa room ko sa bahay. May mga gamiy din at mukhang manahalin. Hindi ko na inabalang hawakan iyon baka may camera sa loob at pagkamalan pang magnanakaw. Ganyan mga mayayaman eh.

"Yup!" ngiting sagot ni Maeve. Habang ako naman ay walang imik. Hindi ko alam kung ano dapat ang ire-react ko sa mga pinagsasabi nila. Gusto kong tumawa dahil hindi naman totoo 'yang mga magic magic na 'yan, mga elemental users! Jusko sa mga fairytales ko lang 'yan makikita noh. Fantasy movies! Anong pinagsasabi ng mga 'to.

"Hmm. My elemental magic is speed, mabilis akong gumalaw, kaya kong maglaho sa isang iglap lang dahil sa bilis ko. Mas mabilis pa to kay flash eh!" sabi niya at bigla na lamang siyang nawala sa harapan ko.

Nanlaki ang mata ko.

"See? Ang magic naman ni Maeve is illusion, magaling siya riyan, kaya niyang gumawa ng isang pangyayari and even places."

Hindi ko na matandaan kung kailan ako kumurap, basta ang alam ko lang? Hindi man lang ako kumurap.

"How about you, Ayama? What's your magic?" Lumunok ako sa tanong niya. Kung ano man 'tong sinasabi nila, wala akong maintindihan. Anong klaseng eskwelahan 'tong pinasukan ko?

I didn't expect this. Akala ko normal lang ito. Normal na eskwelahan pero ano 'to? May magic magic na, elemental users, enchantress, wizards, the fvck! What's goin' on here? What am I doing here? Hindi sila ordinaryong tao, may mga kapangyarihan sila and I don't.

Is this true? Hindi ba ako nananaginip?

"Ayama?"

"Ah, uh."

"Shhh, baka hindi niya pa alam magic niya, Elyse, bago pa lang siya eh. Halina na kayo kumai—"

"All students! Proceed to the dining hall!"

"What?! Ni hindi ko pa natikman 'tong niluto mo Maeve eh!" reklamo ni Elyse. Natawa naman ako kahit na naguguluhan padin.

"Kakainin natin 'yan later, okay? Let's go girls!"

Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ako. Where is this place? At bakit may mga magic?

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Hitmiton Academy: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon