Chapter 13

66 4 2
                                    

Ayama's POV

"How is he?" tanong ni Weston. Nasa tabi ko siya, pinagmamasdan ang kaibigan na natutulog. Nagamot ko na lahat ang mga sugat niya, naging payapa naman ang usapan namin. Minsan ay napipikon siya ganun din naman ako pero sinawalang bahala ko. Hindi naman siya naging agresibo, lagi niyang tinatanong sa akin ang tungkol sa marka. Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari kanina, ayokong mag-aalala siya roon.

"Nagamot ko na lahat ang sugat niya." sagot ko. Tumango naman siya sabay tingin sa akin.

May mga sugat din naman si Weston pero hindi malala tulad ni Ferron. Kamusta na kaya 'yung dalawa? Galit na naman 'yung kasama nilang babae sa akin, hindi ko naman inaano.

"Salamat, Ayama. Mas matindi ang natamo niya dahil sinalo niya lahat ang mga atake ng kagubatang iyon. Sinusubukan naman namin siyang tulungan ngunit pinipigilan niya kami. He used his all powers on that damn forest that's why." sabi niya. Tumango naman ako sabay kuyom ng aking kamao. Kung hindi dahil sa marka na meron ako ngayon ay hindi sana magkakaganito ang lahat. I hate him, but seeing him, naaawa rin ako. Mas matindi ang pinagdaanan niya.

"I'll go ahead. Pumasok kayo bukas ah? Huwag kang mag-aalala, epektibo 'yung gamot na nakuha ni Ferron."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kinakabahan, paano kung... hayss. I trust him, hindi siguro kami ipapahamak ni Ferron. Anak niya rin naman ang nasa palad ko ngayon, kapag nalaman ito ng mga elders mapapahamak din siya.

Pinagmasdan ko ang papalayong katawan ni Weston. Mabigat ang kanyang mga hakbang habang palabas mula sa kwarto ni Ferron. Walang lingon-lingon. Hindi nga talaga maganda ang nangyari sa loob ng Forbidden Forest. Galit na galit pa 'yung si Herra sa akin. How about Kent? Hindi ko siya nakita. Is he alright?

Nang nawala na sa aking paningin si Weston binalik ko muli ang tingin kay Ferron. Tulog parin ito ngayon. Ang lalim ng kanyang hininga. Pagod na pagod.

Dahan-dahan akong tumayo. Kinuha ko sa ibabaw ng mesa ang halamang gamot na hawak niya kanina. Kukunin ko lang daw kapag lalabas na ako. Nilagay ko iyon sa aking bulsa tsaka binalik muli ang tingin sa kanya. Panandalian kong hinaplos ang kanyang noo bago umalis.

Inayos ko ang kanyang kumot pagkatapos ay lumabas na ng kanyang silid. Sana'y gagaling na siya bukas.

"Salamat, Ferron."

***

"Good morning, Ayama!" bati ni Maeve sa akin. Nasa likuran niya si Elyse na may dalang pagkain. 

"Good morning. May pasok kayo ngayon?" tanong ko at bumaba sa sariling kama. Tiningnan ko ang marka kung may pagbabago ba at meron nga. Mas lalo na itong lumaki ngayon. Malapit nang sakupin ang buong palad ko.

"Meron pero sasama kami ngayon sayo,"

"Bakit naman?"

"Papasok ngayon ang mga elders sa loob ng Hitmiton, Ayama." seryosong simula ni Elyse. Tumango ako, kinuyom ko ng mariin ang aking kamao. Alam kong darating ang araw na ito. Imbes na mangamba ay pinatatag ko ang aking sarili. Hindi ko ipapahamak ang walang kamuang-muang sanggol sa aking palad. Kung anuman ang kailangan ng mga elders na iyon sa amin ay hindi ko sila hahayaan sa kanilang gusto.

Nandito na ang bata sa palad ko. I can't risk this. Matagal ko na itong dala dala, ngayon pa ba ako susuko? Ferron almost sacrificed his life for us, halos hindi rin makatulog ng maayos sina Maeve at Elyse dahil sa pag-aalala. I can't just stand and watch them risking their life for us. I know this time will come.

Hindi kami pumasok nu'ng unang bisita ng mga elders dahil wala kaming panangga non. Mapapahamak kaming lahat kapag malaman nila. Hindi lamang sa grupo namin kundi ang buong Hitmiton. Kilala silang malalakas at walang makakapigil sa kanila. Because of my power naging sunod-sunuran ang Hitmiton sa kanila. I want to change everything, I want to prove myself na hindi ako magiging hadlang sa anumang gulo na mangyayari but I'm carrying the prophecy's child. Hindi na ako makakatakbo pa.

Hitmiton Academy: The Last Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن