Chapter 15

123 4 1
                                    

Maeve's POV

"A-Ayama..." nanginginig akong lumapit sa walang buhay na katawan ni Ayama. Putlang-putla na ito, wala ng kulay ang kanyang buong katawan.

Muli na namang pumatak ang aking luha. Hindi ko masisisi ang kanyang anak. Kinuha lahat non ang kanyang lakas kayat hindi niya nakayanan but before she closes her eyes, nakita kong ngumiti siya while watching her daughter sa kahuli-hulihan. Yes, babae ang kanyang anak. Lumabas iyon sa kanyang palad, ang imahen non ay naging hugis bilog hanggang sa nabuo nang tuluyan ang marka at naging sanggol. Nasaksihan ni Herra ang lahat, hawak niya ang bata ngayon. Walang sapat na saplot sa kanyang katawan. Isang manipis na tela lamang ang naroon. Hindi ito umiyak, sa paglabas niya ay sumamabay ang kanyang asul na mga mata. Mulat na mulat at isang malakas na kapangyarihan ang yumanig sa buong kagubatan.

She's really powerful. May markang tubig ang kanyang noo like her mother. Napunta yata sa bata ang marka ni Ayama. Wala na siyang kapangyarihan ngayon, binigay niya lahat ang lakas sa kanyang anak.

Unti-unti akong lumuhod. Hinawakan ko ang kanyang putlang kamay at hinagod ang buhok. Wala akong kapangyarihan na buhayin ang patay na. Kung meron lang ako baka kanina ko pa ginawa!

Why, Ayama...

"Maeve, we need to move now! Hindi pwedeng malaman ng mga elders na sinilang na ang tinakda!"

"Are you out of your mind? We can't leave her here!" galit na sagot ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Umirap lamang siya at binalik muli ang tingin sa sanggol na ngayo'y pinaglalaruan ang kanyang mahabang buhok.

Tama ang nakita ko. Si Herra ang magpapalaki sa bata. Siya ang gagabay sa anak ni Ayama.

"Maglalaho 'yan maya maya, Maeve! Alam kong masakit ito sayo pero kailangan nating mabuhay alang-alang sa anak ni Ayama! Wala na tayong magagawa dahil iyon ang itinakda sa kanya!"

Umiling ako. Hindi sang ayon sa kanyang sinabi. Alam kong hindi na gigising si Ayama pero hindi naman yata pwedeng iwan nalang siya dito. Hindi magugustuhan 'to ni Ferron! Magagalit iyon kapag nakita niya si Ayama na ganito. Hindi ba nag-iisip ang babaeng ito? Parang ang dali lang sa kanya!

Sabagay, marami ng mga estudyanteng nagsakripisyo sa Hitmiton at hindi na ito bago sa kanya but still! Ayama... she's my friend too. I can't just leave her here. Matindi na nga ang sinapit niya iiwan ko pa siya?

"May alam ka bang taong kayang buhayin ang patay?"

"Are you fvcking serious? Patay na ang mga taong iyon, Maeve! Pinatay na ng mg elders kaya habang maaga pa umalis na tayo baka tayo ang isusunod! Sanggol pa lamang ito wala pang laban sa mga elders!"

"Si Ayama kasi..." I looked at her pale body. Nakikita kong unti-unti na itong naglalaho.

"No—No!"

"Maeve! Wala ng oras pa! Papunta na sina Ferron dito! Kapag nakita niya si Ayama na ganyan talagang hindi niya palalampasin ang sanggol! Gagamitin niyang sacrifice ang bata, gusto mo ba 'yung mangyari ah! Stand up, bitch!"

No! Hindi ko pwedeng iwan dito! Magagalit si Ferron kapag malaman niya ito! Anong isasagot ko sa kanyang mga tanong? Na hindi ko prinotektahan ang babaeng mahal niya? Ni hindi niya pa nga nasabi kay Ayama na mahal niya ito tapos ngayon wala na? Magagalit iyon ng husto at siguradong hindi niya palalampasin ang lahat!

Pinagkatiwala niya sa aming dalawa ni Elyse si Ayama. Fvck!

Elyse... I'm sorry.

"Tangina naman, Maeve! Masakit oo pero mas masakit kapag naabutan tayo ni Ferron dito!"

"Why are we running from him? Anak niya naman 'yan, bakit ayaw mong ipakita sa kanya?!" iritado kong tanong kay Herra.

Hindi makapaniwala ang kanyang mata. "You don't know? O baka nagbingi-bingihan ka lang, huh?"

Hitmiton Academy: The Last GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora