Chapter 18

131 4 0
                                    

Nanghihina ang buong katawan ko. Nakahiga ako ngayon sa malambot kong kama, wala ng lakas na ilalabas. Ubos na ang kapangyarihan ko. Sinakop na ng Amulet kahapon. Pansamantala akong namamahinga ngayon, pinakiramdaman ang buong paligid. Tanging pang amoy at hangin na lamang ang nagsisilbi kong gabay. I can't use my eyes anymore. Hiram lamang ang mga iyon. Kinuha na, bumalik sa totoong may nagmamay ari.

Naramdaman ko ang malamig na kamay ni Jarren sa akin. Ang aming pinuno. He left his own world just to be with us. Siya ang inatasang mamuno sa amin nu'ng nawala ang Reyna. Magkapatid silang dalawa ngunit umalis si Jarren noong siyang sampung taong gulang. Pumasok siya sa Aviola Academy at duon nag-ensayo. Inaral niya ang kanyang kapangyarihan. Nang malamang nasa binggit ng kamatayan ang kanyang nakakatandang kapatid, ang Reyna. Tumakas siya at pinuntahan ang aming tribu ngunit, huli na, hindi niya naabutan ang huling hininga ng Reyna.

"Are you okay?" marahan niyang tanong.

Ngumiti ako. Dahan-dahang tumango upang alisin ang pangambang bumabalot sa kanyang kalooban. Pang ilang beses niya na itong tinanong sa akin. Tango at ngiti lamang ang sinasagot ko. Kahit naman na sabihin kong hindi ako okay ay wala paring magbabago. Hindi babalik ang paningin ko. Mananatili paring tago sa kadiliman.

"Si Ayama? Kamusta siya?"

"Bakit mo laging iniisip ang ibang tao? Pwede bang sarili mo na naman, Diograsya!"

Naramdaman ko ang kanyang marahas na galaw. Tumayo siya at sinuntok ang matigas na pader na pumapalibot sa buong kwarto at nagsanhi iyon ng malakas na tunog. Narinig ko ang iilang uga ng pader.

Lumunok ako. Umiwas sa kanya at piniling bumalik muli sa pagkakahiga. Gusto ko lang naman malaman ang kalagayan ni Ayama. May dugong bughaw iyon, hindi basta-bastang nilalang lamang. Nag-aalala ako dahil hindi niya na maalala ang kanyang nakaraan. She lost everything. Aabutin ng ilang taon ang kanyang alaala bago ito bumalik. Paniguradong magagalit ang Zagareth na iyon kapag nalaman niya ang nangyari kay Ayama.

Nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata. He can kill. Dahil sa babaeng iyon, wala siyang pakialam kung sinuman ang binabangga niya. Marahas siyang pumasok sa kwarto ni Ayama at hinanap kaagad ito. Muntikan pa nga siyang suntukin ni Jarren. Mabuti nalang napigilan ko.

Mahal niya ang babaeng iyon. Pinatay niya ang iilang kasama namin dahil sa kanyang matinding galit. Kasama niya si Cardinal. Isa sa mga miyembro ng Mages. Malakas din ang taong iyon. Nararamdaman ko.

Paano nila nalaman na nandito si Ayama?

Umalis kami sa lugar na iyon na walang iniwang marka. Binura ko ang mga yapak namin. Nakita niya kaya kami? Iyon ba ang naging dahilan kung bakit  galit na galit siya ngayon sa amin? He almost killed our tribe! Wala naman kaming gagawing masama kay Ayama. We saved her from her last journey. Wala naman talaga sana akong balak na iligtas si Ayama. Iiwan ko sana siya roon sa gubat ng Hitmiton.

Jarred stopped me. He wants to take her inside our tribe. When we saw her mark, nalaman naming kauri namin siya. Iyon ang naging dahilan kung bakit ko siya niligtas. Alam ni Jarren na delekado ang ritwal na gagawin ko, hindi niya inaasahan iyon. He didn't stop me.

Nakikita ko sa mga mata niya na gusto niya ring iligtas si Ayama. Hindi siya normal na kauri lamang namin. She's more than that and that makes her powerful.

"Okay lang ba ang pinuno?" tanong ni Alice. Pansamantalang nagbabantay sa akin ngayon.

Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Jarren. Galit parin ito sa akin. Paminsan ay binibisita niya ako, hindi kinakausap. Tanging hininga niya lamang ang naririnig ko sa tuwing bumibisita siya. I wanted to open my goddamn mouth that day but...his heavy sighs made me stopped.

Hitmiton Academy: The Last GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon