Chapter 8

489 88 12
                                    

"Good morning! I am Ashton Caliber. Ako ang magiging Professor niyo sa unang klase, let's go outside. Ang unang gagawin natin ay kung papaano kontrolin ang sariling kapangyarihan." halos maestatwa ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Sir Caliber.

Naunang lumabas sina Ferron tsaka naman sumunod ang ibang estudyante, pang huli ako at ang mga wizards, pero since nasa unahan sila, nauna silang lumabas bago ako. Paano na 'to? Anong gagawin ko? I don't have any magic with me, ipapahiya ko lang ang sarili ko rito, langya naman oh.

"Step here, Cardinal, you go first," striktong sabi ni Sir Caliber. Sumunod naman si Weston habang ginagalaw ang sariling braso. Wala siyang emosyon sa mukha, seryoso ng lolo Weston niyo.

"Are you familiar with the Aerokinesis?" tanong sa kaniya ni Sir. Kumunot naman ang noo ni Weston. He didn't know?

"I'm not familiar with that. What is that by the way, Sir?"

"Aerokinesis is the power to generate, control and manipulate wind and the air itself. Users of this power can create powerful winds, as well as twisters and hurricanes. This power can also be used to generate powerful blasts of concussive energy." mahabang lintanya ni Sir Caliber. Tumango-tango naman si Weston na tila agad niya nang naintindihan. Well, he's a fvcking Cardinal and one of the elemental users, imposibleng bobo siya pag dating dito.

"That's your magic Mr. Cardinal.
Learn how to control your wind, huwag mong gamitin ang magic mo sa mga walang kwentang bagay. Open your hands and let me see it."

Tumango si Weston. Pinikit niya ang kaniyang mga mata, binuksan niya ng dahan-dahan ang mga palad. Napaatras ako nang mag-simulang kumulog ng mahina, sinabayan pa ito ng malakas na hangin. Tinatangay na nga mga buhok namin pero nanatili parin kami sa sarili naming posisyon.

Ang mga wizards naman ay walang imik, ganu'n din naman ang grupo ni Weston. Pati narin ang mga ibang kaklase namin at ako, anong gagawin ko ngayon? Wala akong magic, magmu-mukha lang akong tanga sa harapan ng lahat at nakakainis 'yun.

Bahagyang tumataas ang katawan ni Weston. Nakapikit parin ang kaniyang mga mata. Bigla tuloy akong kinabahan sa kaniya, umiitim na rin ang mga ulap. Mukhang uulan pa yata.

"I call upon the wind, be with me. Let it blow, let the wind spin, let it come. I call upon the wind so it may blow. Be with me today, come and join me goddess of the Wind." matapos banggitin ni Weston ang mahabang katagang iyon. Bigla na lamang kumulog ng malakas. Napatili pa nga ako dahil sa lakas. Pumunta ako sa likuran ng mga mages para iwasan ang kulog pati ang hanging lumalakas na ngayon, buti na lang may silbi itong uniporme namin ngayon dahil tila hindi ito tinatablan ng kapangyarihan ni Weston.

Grabe sobrang lakas niya. Mas lalo pa siyang umangat, lumulutang na siya ngayon sa ere habang may hanging umiikot sa katawan niya.

"Hear me! Hear me out!" malakas na sambit niya sa kawalan kasabay nito ang malakas na pag ulan pero ni isa sa amin ay walang umalis. Nanatili parin kami sa pwesto namin kahit nababasa na ng ulan.

"Soul of the wind, here I am again. Floating like an air, waiting for you to come out along with me." Unti-unti minulat ni Weston ang kaniyang mata. Nalaglag ang panga ko nang makita kong umilaw ang kaniyang pisnge kung nasaan ang kaniyang tattoo ganu'n din ang mata niya bigla itong lumiwanag. Kulay gray pa ito. Oh my G! Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan! Paano na lang kaya ang ibang mages dito? Sigurado akong mas malalaglag na talaga ang panga ko ng todong-todo.

"Nice! Very good, Cardinal, you can stop now," nakangising utos ni Sir kay Weston. Ngumisi rin naman si Weston, pinikit niya ang kaniyang mata dalawang beses. Bumalik din naman sa dati ang lahat. Pansin ko ring marami namang nakikisuyo sa amin dito sa labas, 'yung ibang section lumalabas na para lang makita ang kaganapan dito.

Hitmiton Academy: The Last GirlWhere stories live. Discover now