Chapter 1

1.3K 108 1
                                    

Ayama's POV

"Ayama! Where the hell are you?!" Napapitlag ako sa kinauupuan ko dahil sa malakas na sigaw ni Esmee. Pumikit naman ako ng mariin upang pakalmahin ang sarili. Dahan-dahan kong inayos ang mga gamit ko tsaka ko ito pinasok lahat sa loob ng bag ko.

"Hey! Where have you been?!" salubong niya sa akin nang makita niya ako. Umarko ang makapal na kilay niya, halatang inis na inis na sa akin. Bumuntong hininga naman ako, nilahad ko sa kaniya ang librong nakita ko kanina sa library.

"Can you read it for me?" tanong ko sa kaniya. Umirap naman siya sa akin. Padabog niyang kinuha ang libro sa akin, hinila niya rin ako palabas ng school. Pauwi naman kami ngayon kaya ayos lang kung mauna na kami, wala namang magba-bawal sa amin and besides gusto ko na talagang umuwi, marami pa akong aasikasuhin at gusto kong malaman 'yung loob ng librong binigay ko kay Esmee. There's something kasi sa loob ng libro, I can't read it properly, tila namamasa kasi ang kamay ko kapag hinahawakan ko ang libro, I don't know why and where it came from.

"Kanina pa kita hinahanap tapos andito ka lang pala. Hindi ka pa sumasagot sa mga tawag ko tapos pababasahin mo 'ko nitong libro? Ni hindi ko nga alam 'to eh,"

"I want you to read it for me, I can't read it properly because every time I try? Nababasa ang libro. I don't know why." at baka tuluyan nang mapunit ang libro mula sa kamay ko dahil sa basang kamay ko. Argh.

"Pasmado ka ba?"

I shrugged my shoulder. Sinukbit ko sa likuran ko ang bag ko tsaka nauna nang lumabas sa kaniya. Sumunod naman siya habang tinitingnan ang loob ng libro, hinayaan ko na lamang siya. Gusto ko kasing basahin ang libro, basta gusto ko lang talaga, parang tungkol kasi 'yun sa mga magic, ni hindi naman iyon nage-exist dito sa mundo. Inangat ko ang ulo hanggang sa nakita ko na ang sundo namin, binalingan ko sya ng tingin. Kumunot ang noo niya na tila walang maintindihan sa binabasa.

"Ganap?" tanong ko. Bumaba ako ng hagdanan habang nasa kaniya ang atensyon. Nakita ko naman sa side ko ang pagbaba ng guard mula sa sasakyan, tumango ito sa amin tsaka binuksan ang pintuan.

"It's all about magic. May mga words na hindi ko gaanong mababasa, nakakasakit siya sa ulo, promise." irap na sagot niya. Binigay niya ang libro sa akin bago ito rumampa papasok sa loob ng kotse. Bumuntong hininga naman ako, argh. Siguro mag gl-gloves na lang ako habang binabasa 'to.

NANG marating na namin ang mansyon, unang lumabas si Esmee, hinagkan niya ang mga kasambahay namin, pwera lang sa akin na deresto lang na pumasok. Tinungo ko ang kwarto ko at sa loob nag mukmok. I badly want to read this book.

Tumayo ako, tinungo ko ang drawer ko. Kumuha ako ng puting gloves tsaka binuksan ang libro. Napapikit ako ng mariin nang bigla itong lumiwanag, panandalian lamang 'yun. Kalaunan ay bumungad sa akin ang kakaibang hand writings, pakurba-kurba ito, may iilang hand writings din na naka Italian.

"Hitmiton Academy history," basa ko sa unang pahina. Nilagay ko ang thumb ko sa taas ng libro at sinuyod ang mga bawat letra.

"School of Magic."

"School of wizards."

"Sorcerers."

"Jugglers."

"Travelers."

"Five major elements."

Napasinghap ako nang mabasa ang loob ng libro. Actually hindi talaga sila magkasunod-sunod dahil 'yung ibang words ay hindi ko mababasa, parang ibang language yata 'to.

Pishogue, charm incantation spell.
Enchanter, a person uses magic or sorcery, especially to put someone or something under a spell.

So this is where fairytales start?
Marami naman akong nababasang mga story noon but this one is different, parang gumanap na talaga ito, parang nawawalang libro ng kung sino, but who knows naman hindi ba? Malay natin nag exist pala ang mga mages na 'to.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga, akma na sana akong iiba ng pwesto nang may nahulog na sobre mula sa libro. Kumunot ang noo ko, dahan-dahan akong umupo ng tuwid. Kinuha ko ang sobre, binuksan ko ito at bumungad sa akin ang nakakasilaw na papel.

"What the hell is this?" tanong ko sa sarili ko. Nilagay ko sa kama ang sobre. Tiningnan ko ang loob ng papel, gold ang kulay nito habang naka metal gold naman ang hand writings. Unang tumambad sa akin ay ang malaking nakaukit na pangalan ng Academy.

HITMITON ACADEMY.

"Congratulations! Our academy invites you to enter our school. I hope you take this chance to be one of us. We are from the rarest private school; only a few people can find us."

Natigilan ako sandali. Pinoproseso ko ang mga nangyayari kung totoo ba itong papel na hawak ko at itong Academy na nag-invite sa akin.

Sandali! Kakabasa ko pa lang nitong history book eh, bakit bigla na lamang akong inimbita? Scam ba 'to? Pinagloloko yata ako ng librong 'to ah.

Binalik ko muli ang tingin sa papel na hawak ko. Nanlaki ang mata ko nang mapansing umiba ang kulay nito, sa gintong kulay nito, naging transparent sky blue. What the heck is going on!

Dahil sa pagkabigla, nabitawan ko ang papel. Mabilis akong tumayo palayo sa kama ko, umiilaw parin ang papel. Saan ba galing 'yan? Bakit umiilaw? Nakakasilaw 'yung papel, may kumikinang pa. Pambihira, anong ibig sabihin nito.

"Ayama! May kotseng naghihintay sayo sa labas!" malakas na sigaw ni Esmee kaya't napatalon ako sa kinatatayuan ko. Mabilis kong pinulot ang papel, sa sobrang pagmamadali ko, nadaplisan ang hintuturo ko.

Tumama ito sa matulis na cover ng libro. Tumulo ang dugo nito papunta sa papel na hawak ko. Kinagat ko ng mariin ang labi. Akma ko na sanang ipapasok sa loob ng drawer ang libro nang bigla na lamang lumutang ang papel. Kumukinang ito habang naglalaho sa harapan ko.

"WHAT THE!" malakas na mura ko. Kinusot ko ng mariin ang mata. At sa pag mulat ko nawala na ang papel pero kita ko ang iilang kinang nito sa ere.

"You're officially enrolled in our academy, Miss Tezani. And by the way, It's time to change now, dear. I will send someone to fetch you there. I know you'll sign that paper; that's why."

Natuliro ako, hinanap ang boses na kung saan nanggaling.

"AYAMAAAA! May naghihintay sayo sa labas!"

Now, I know what she meant by that. I officially enrolled to their Academy, like what the hell? Is this really true? Am I dreaming? Damn it.

"AYAMA!"

Lumabas ako ng kwarto habang lutang padin. Sinamaan niya ako ng tingin ng makita niya ako. Tinungo ko 'yung labas ng mansyon, napasinghap ako nang makitang may sasakyan ngang naghihintay sa akin. Lumapit ako roon, binuksan naman ng isang malaking lalaki ang pinto.

"Please come in, Miss Tezani."

"Saan niyo dadalhin si Ayama?"

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, sana panaginip lang ang lahat ng 'to. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kotse, hindi alintana ang suot kong uniporme.

"Hoy, Ayama, ba't ka sumama!"

"It's none of your business, Miss."

"By the way welcome to Hitmiton Academy."

***
Don't forget to vote and leave a reaction. Thank you!

Hitmiton Academy: The Last GirlWhere stories live. Discover now