Chapter 6

488 104 2
                                    

Ayama's POV

"Ayama, wake up!"

"Ayama, kakain na!"

Napabalikwas ako sa higaan ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Elyse. Argh inaantok pa ako eh, I want to sleep more, nakakainis naman. Padabog akong bumaba ng kama ko, sinuot ko ang hello kitty kong tsinelas tsaka binuksan ang pintuan.

"Finally, you're awake! We need to hurry now, malapit na mag 7am!" hindi niya ako hinintay na sumagot. Bigla niya na lamang akong hinila papuntang dining hall. Jusko! Hindi pa ako naghilamos, kakagising ko pa lang.

"Uh, Elyse, hindi pa ako-Ahh!" humiyaw ako nang hilahin niya ako ng malakas. Halos magkadulas-dulas na kami sa sahig pero patuloy padin siya.

"Maganda ka naman! Okay na 'yan." saad niya. Bumuntong hininga naman ako. Inayos ko ang buhok ko habang panay ang hila niya sa akin, naka-pantulog pa ako ngayon habang siya naman ay halatang tapos ng maligo. Paano ba 'to? Baka ma late ako sa unang klase ko.

Nang mahagip na namin ang dining hall, tsaka niya naman ako binitawan. Habol pa namin ang sariling hininga, ngumisi pa siya sa akin ng mala-demonyo. Ang aga-aga pa eh! May nakita pa nga akong estudyante na naglalakad sa hallway, bakit ba kasi siya nagmamadali at teka, nasaan si Maeve?

"Where's Maeve?" takang tanong ko habang pumapasok na sa loob ng dining hall. Marami ng mga estudyante sa loob at halos naka-uniporme na ang iilan, habang ako naman naka pantulog parin, pambihira 'yan. Bakit ang aga-aga kasi. Nakakabanas naman eh.

"Susunod daw siya. May kausap lang." sagot niya at nauna na itong umupo sa dati naming pwesto. Tumango naman ako at sumunod na lang din sa kaniya.

"Anong oras na ba? Inaantok pa ako e," maktol ko. Tumawa na naman siya. Kakainis naman!

"Malapit ng mag 7 am tsaka mamaya pa namang 10am ang klase mo kaya't huwag kang mag-alala. Iba-iba kasi ang schedule natin, around 9 am ako habang ikaw naman ay 10 am." Tumango ako. Kaya pala naka uniporme ang iba rito. At 'yung iba naman ay wala. Nagpakawala ako ng malalim na hininga, inaantok parin talaga ako.

"Labanan mo 'yang antok mo, dadalo ngayon sa hapag-kainan ang mga sorcerers." tila nag-igting naman ang aking panga sa sinabi niya. Ang mga sorcerers kakain ngayon sa dining hall? Kakasabi nga lang ni Elyse hindi ba? KAKAIN NGAYON ANG MGA SORCERERS DITO. Takte bakit ako natuliro, parang gusto kong maligo, mag bihis ng damit, mag-ayos. Pambihira naman kasi hinila agad ako ni Elyse papunta rito.

"Sa tingin ko gusto lang umiwas ni Maeve ngayon. Nasa sorcerers kasi 'yung crush niya at leader pa,"

"Really? Pero hindi ba may punishment?" kunot noo kong tanong.

"Yup! Pero pwede niya namang kausapin ang head. Papayag naman ang head kung katanggap-tanggap naman 'yung reason niya."

Kumuha ako ng pagkain sa mesa at sinalin ko ito sa sarili kong pinggan. Papayag kaya ang head sa reason ni Maeve na iwasan ang crush niya? Siya lang ata 'yung kilala kong may crush na umiiwas eh, bakit naman siya iiwas hindi ba? She's pretty naman.

"Paano kung hindi tatanggapin?" imposibleng tatanggapin ng head ang rason niya. Para lang sa crush niya hindi siya dadalo sa hapag-kainan? So ganu'n mas gusto niya pang magutom kaysa harapin ang crush niya? Nakakaloka.

"They'll accept it, trust me. Kumain kana, maliligo ka pa mamaya. Mabilis ang oras dito kaya't huwag kang pabagal-bagal Ayama. Hindi mo pa lubos kilala ang mga kaklase mo sa Klonarths." oo nga naman. Pero as if naman na gusto ko silang makilala, wala akong pakialaman kung hindi magka-kasundo. Ang ayoko pa naman ay 'yung pinakikialaman ako. Tch.

"By the way, may nakita akong book kanina sa bag mo, hindi ko sinadyang makita 'yon ah, promise,"

Anong klaseng libro ba ang tinutukoy niya? Sa tingin ko naman ay magka-kapareho kami ng libro.

Hitmiton Academy: The Last GirlWhere stories live. Discover now