Chapter 17

125 6 0
                                    

She's not breathing. Iyon ang unang bungad ng aming pinuno nang makitang walang buhay ang babaeng nasa aming harapan. Nasa isang malapad na semento ito ngayon, pinalilibutan ng mga yelo at tubig na nagsisilbing panangga niya sa malapad na bato. Punit punit ang kanyang damit nang matagpuan namin siya sa labas ng Hitmiton Academy. May nangyari kasing sagupaan duon at pinatawag kami ng Masters kayat pumunta kami. Nakita namin ang babaeng ito, wala ng buhay. Kinuha siya ng aming pinuno at dinala sa aming kampo. Hindi kami tumuloy sa loob ng Hitmiton dahil sa matinding apoy. Walang sinumang gumamit ng kapangyarihan sa amin, hinayaan naming lumubo ang apoy sa isang malaking gusali.

Nakita namin ang mga elders. Sinira nila ang eskwelahan at pinatay ang mga inosenteng estudyante. May rason kung bakit sila naroon  Siguro'y nalaman na nila ang nakasulat sa propesiya. Alam nilang naroon ang itinakda o baka naman nalaman nilang buo na ang mga mages?

Matagal na kaming lumayo sa lugar na iyon dahil ayaw naming sumali sa kanilang gulo. Nanahimik kami, hindi na muling lumabas sa aming lugar. Minsan na kaming nadamay sa laban ng mga iyon at maraming nasawi sa amin. Namatay ang aming Reyna dahil sa kasakiman ng mga elders. Hindi nila pinalampas! They killed our Queen! Iyon ang naging dahilan kung bakit pinili naming manahimik at manatili sa aming lugar.

Hindi nila gusto ang kauri o uri namin. Gumawa ng sariling kasaysayan ang mga elders upang siraan kami sa ibang mga grupo. Kumalat iyon sa buong Warlington. Naging mas maingat sila. Kapag may naririnig sila patungkol sa aming tribu, wala silang sinasanto. Pinapatay nila! Ganyan sila ka rahas. Walang kinatatakutan. Hindi sila naniniwala sa propesiya. Pinapatay nila ang sinumang itinakda dahil alam nilang iyon ang dahilan ng kanilang hininga.

Nalaman namin na isang bata ang magpapatumba sa mga kalaban. May dugong bampira iyon at anak ng isang water tribe. Nang malaman iyon ay pinatawag kaming lahat ng aming pinuno. Wala sa amin ang taong iyon. Wala sa lugar namin kundi nasa loob ng Hitmiton Academy.

Kaya nisulob ng mga elders dahil natatakot sila na baka iyon na ang huling hininga nila sa mundo. Malakas ang bagong itinakda. Mula sa grupo ng mga bampira at mula sa aming kauri. Kinatatakutan kami ng iilan dahil alam nilang mas malakas kami kumpara sa kanila na pakalat-kalat ang kanilang mga kasama. Magaling silang manakot pero umaatras sa laban kapag pinatulan na.

Mga duwag na nilalang.

Muli kong binalik ang tingin sa babae. Ngumiti ako nang makitang umilaw ang kanyang marka sa braso. Naroon ang kanyang hugis tubig na marka. Muling bumalik sa kanya ngunit pikit at wala paring malay ang kanyang buong katawan. Matindi yata ang sinapit ng babaeng ito. Hindi kaagad ito magigising. Kailangan niyang sumailalaim sa isang ritwal na kung tawagin ay Sacrifice ng aming tribu. Kung sa iba ay isang itong pagsasakripsyo ng isang tao. Sa amin naman ay buhay namin ang kapalit. Walang pinagkaiba ngunit may pagpipili. Kadugo namin hindi ng ibang tao. Kung sino ang gagawa ng ritwal, buhay niya ang kapalit kapag pumalpak. Kakayanin ko.

Kailangan niyang malampasan ang ritwal upang siya'y bigyan ng pangalawang buhay.

Nararamdaman kong malakas siya. Hindi niya pa lubos nailabas ang lahat ngunit matindi ang kanyang hawak na lakas. Mas malakas pa sa aming pinuno. Siguro'y alam niya na ito ngayon dahil kanina pa siya nananahimik. Mariin lamang nakatingin sa katawan ng babae.

Muntikan pa nga itong kunin ng dyosa. Mabuti nalang nakuha kaagad ng pinuno.

Lumihis ako sa aking pwesto. Lumapit ako sa aking kasamahan at inutusan. "Kunin mo ang huling Amulet na nasa aking silid,"

"Anong gagawin mo sa Amulet, Diograsya?"

"Kailangan niyang sumailalaim sa isang ritwal, Banaag. Kunin mo na habang maaga pa."

Hitmiton Academy: The Last GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon