Chapter 7

459 93 3
                                    

Ayama's POV

"Sasamahan kita sa section mo. Let me hold your books," kinuha niya mula sa akin ang iilang libro ko.

"Thank you." sabi ko. Tutungo na kasi kami ngayon sa section ko. Sasamahan niya raw ako, actually hindi pa naman 9 am, 8 am pa lamang. Sabi niya sa akin mas better kung maaga akong pumasok baka ma late na naman daw ako, strict pa naman daw 'yung section ko.

"Basta huwag mong pansinin ang mga wizards or mages, Ayama ha?" alam kong gusto niya lang akong protektahan laban sa mga makapangyarihang mga nilalang na 'yon, pero hindi naman kailangan. Kaya ko namang lumaban, wala akong pakialam sa mga magic nila basta ako? Lalaban ako ng patas.

Nang marating na namin ang section ko. Binigay niya sa akin ang mga libro ko, kulay ginto ang pinto ng section Klonarths. May kumininang pa sa labas ng pintuan, malaki ito at sa tingin ko'y malawak na naman ang loob nito.

"Alam mo bang gustong-gusto ko talagang makapasok sa section na 'to? Kaya lang hindi pwede eh," malungkot na usal ni Elyse.

"Why?"

"Kapag ang form mo hindi register dito hindi ka makakapasok kahit anong pilit mo. Bawat rooms kasi may mga barriers, Ayama. Hindi ka basta-basta makakapasok unless kung mages ka or wizards."

Ganu'n ba talaga ka makapangyarihan ang mga mages at wizards? Kaya nilang gawin lahat ng gusto nila, kahit maglabas masok ay ayos lang kapag sila. Paano naman kaming mga nasa low class, I mean paano naman 'yung iba na may mga elemental magic din? Habang patagal ng patagal naiinis na ako ah. Parehong-pareho lang naman kaming tao rito, merong mga magic, pwera lang sa akin. This Academy is so unfair.

"Pumasok kana, malapit na mag 9 am," ngiting tulak niya sa akin. Sumimangot naman ako. Tinapik ko ang kaniyang balikat.

"Balang araw matutulungan din kitang makapasok dito sa loob." ngiti kong sabi. Tila nagulat naman siya sa sinabi ko. Nanlaki ang kaniyang mga mata, kita ko tuloy ang medyo brownish niyang mga mata. Tumikhim ako at nag-pasyang pumasok na.

Pagkabukas ko ng pinto. Bumungad nga sa akin ang malawak na classroom, matataas ang mga upuan na andito, naka chandelier din ang Klonarths. May malaking mesa at higit sa lahat walang blackboard pero may malaking monitor.

May malaking logong nakasabit sa itaas ng likod ng pinto, sumisimbolong Klonarths. Binaba ko ang tingin, nanlaki bigla ang mata ko nang matagpuan ko ng tingin ang mga mages. Nasa likuran sila nag-uusap na tila walang pakialam sa mundo, pwera na lamang kay Ferron na naka-salpak sa mesa. Nilibot ko pa ang tingin sa loob, tanging ako at 'yung mga mages pa lang ang kasama ko ngayon dito. What the effin is this? I'm alone with these powerful mages! Ang malas-malas ko naman. Umirap ako sa hangin, hinakbang ko ang paa patungo sa pinakamalayong upuan para iwasan lamang ang mga mages, napansin naman ako ni Weston kaya't napabaling siya sa akin. Argh!

"Hey, Ayama! Long time no see!" bati sa akin ni Weston. Umalis siya sa pwesto niya at sinalubong ako. Awkward naman akong ngumiti.

"Uhm hey, what's up?" hininaan ko ang boses ko baka marinig ako ni Ferron. Mas gusto kong nakayuko siya kaysa makita ang mukha niya na parang galit lagi sa mundo.

"Tumabi ka na sa amin, Ayama. We won't harm you, I promise,"

"Thank you, but it's okay, gusto ko rin namang mapag-isa, Weston. By the way good morning." sabi ko sabay lakad patungo sa huling row ng upuan.

Kinamot ni Weston ang kaniyang buhok habang papunta sa pwesto nila. Kita ko rin ang masamang tingin sa akin ni Herra, habang si Kent naman ay inaayos ang salamin kaharap ang libro. Binaling ko kay Ferron ang tingin, halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang magtagpo na naman ang mga tingin namin. Ang sama-sama niya talagang tumingin.  Bwesit ah.

Umiwas na lamang ako. May malaki talaga siyang galit sa akin, para namang inano ko, pati 'yung moment ko duon sa garden pinakialaman niya pa. Siguro umalis 'yung mga alitaptap dahil may demonyong dumating. Argh! Fvck you, Zagareth, nakakabwesit.

Nilingon ko ang pinto nang bumukas muli ito. Pumasok ang limang estudyante, nangunguna rito si...WHAT THE HELL? Kaklase ko rin ang mga wizards?! Hindi ko kilala ang tatlong lalaki dahil hindi ito pinakilala ni Elyse sa akin pwera na lamang kay Lydan na crush na crush niya. Lydan has this boyish grinned, sa tingin ko rin ay may pagka-playboy ito.

Tumingin sa gawi ko si Everen at Ralia, umiwas naman ako ng tingin. Bakit ba kasi ako tumitingin sa kanila, ayan tuloy nahuli na naman ako ng dalawang babae.

"Oh my g! Ayama is here, Ralia!" malakas na sigaw ni Everen kaya't napatingin sa kanilang pwesto ang mages. Si Ferron at Weston naman ay kunot noo. Problema ng dalawang 'to?

"Lydan, Noah! Tatabi lang kami kay Miss Tezani ah, my God she is so pretty!" hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa papuri niya or matatakot dahil tatabi silang dalawa sa akin. Tangina! Hindi ko naman maipagkaila na maraming pumupuri sa mukha ko, maganda raw kesyo ako, parang isang glass na iniingatan ng husto para hindi mabasag.

Punyeta talaga.

Hindi ako nagmana sa mga magulang ko, morena kasi sila at ako lang ang nag-iisang maputi sa kanila. Sky blue ang mga mata ko, mahaba ang pilik mata ko, heart shaped naman ang labi ko, mahaba ang buhok ko, at may tattoo ako sa braso ko. 'Yung tattoo na nasa braso ko ay kakaiba, sinubukan ko ngang ipatanggal 'yun kaso hindi matanggal-tanggal. Kaya hanggang ngayon ay kumakapit parin sa akin. Saan kaya galing ang tattoo ko sa braso?

"Hi, Ayama! You're so gorgeous like a sea waves!" ngumiwi ako sa sinabi niya. Sea waves talaga? Anong connect non?

"I mean, your beauty is different, Ayama. Para kang malinaw na tubig na hindi pa nadudumihan. Anyways, I'm Everen Chamber, nice to meet you." Nilahad niya ang mga kamay sa harapan ko.

"I'm Pret Ayama Tezani," sagot ko at nakipag-kamay na rin sa kanila.

"And, I'm Ralia Gonzales! Nice to meet you!" Nag bow siya sa akin tsaka ngumiti. Maganda silang dalawa, kung tutuusin ay mas maganda pa sila sa akin eh.

"Let's sit here, Ralia. Come on para may katabi si Ayama. By the way, Ayam-" hindi natapos ni Everen ang kaniyang sasabihin nang bigla na lamang kumulog ng malakas, sinabayan pa ito ng kidlat at hanging sobrang lakas. Okay, what's happening, AGAIN?

Tumawa si Ralia sa kaliwa ko. "Akala naman nila matatakot tayo sa kanila, tss Poor Cardinal, Zagareth." tawang saad ni Ralia. Kumunot naman ang noo ko.

"You know them? Ang may pakana ng kidlat ay si Ferron habang 'yung malalakas na hangin naman ay galing kay Weston. Galit na galit ata sila sa paglapit namin sayo, Ayama."

"Are you special to them?"

Hindi ako sumagot. "Sa tingin ko ay may alam na sila kaya ka nila pinoprotektahan ngayon, but poor them, you belong to us and not to anyone especially to those useless mages."

Umigting ang panga ako. "What are you talking about?" giit ko. Hindi ko gusto ang sinabi niya, naiirita ako.

"Alam mo naman siguro kung sino ang kulang sa kanila hindi ba? Or kung anong mage ang kulang."

"Kapag nabuo sila? Magiging delekado ang buong Academy, malalaman ng mga elders at lulusob sila rito."

What the fvck? Anong pakialam ko? Para namang sinasabi nila na ako ang kulang para mabuo sila. Ni wala nga akong magic eh. Nababaliw na tong dal—-

"Kyah!" napatili si Ralia nang basagin ng kidlat ang glass window na nasa tabi niya.

"Shit! Mas mabuting umalis na lang tayo rito, Everen! Ikaw kasi eh ginalit mo! Bwesit ka!"

"I'm just having fun! Matagal-tagal na ring hindi ko nasilayan ang galit ng isang Zagareth."

Ginagalit nila si Ferron?

"At ni Cardinal."

Ganu'n din si Weston?

"See you later, Ayama!"

I don't want to see you both anymore.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Hitmiton Academy: The Last GirlWhere stories live. Discover now